Chanyeol POV
Mahigit isang buwan na nang simulang umalis dito si Ji Yeon, miss na miss ko na sya :( ano kaya ang ginagawa nya ngayon? Siguro'y masaya na sya sa piling ng kanyang pamilya sa mundo ng mga tao, kaya hindi na nya magawang bisitahin kami dito , alam kong mahal rin nya ako, nagmamahalan kami. Simula nang lisanin ni Ji Yeon ang exo planet nagpatuloy nalamang ako sa aking pag-aaral, Pero di ko maiwasan na maisip sya palagi, ang masakit pa don umalis sya na may galit sakin, hindi nya man lang ako hinayaang magsalita ng aking tunay na nararamdaman para sa kanya, umalis sya ng di nagpapaalam samin, ganon nalang ba ang pagkakagalit nya sakin? na kahit ang salitang 'paalam' ay ipinagkait pa nya. :( masakit mang isipin pero wala na talaga ang pinaka mamahal ko na si Ji Yeon, matagal na panahon naring mahina ang aming kapangyarihan, tahimik ang buong exo planet kasama na don ang exo-m , napapansin namin na tahimik sila ngayon, Hindi katulad dati na araw araw ay may nasasaktan sa bawat atake nila samin.
" Bro!" saad ni Sehun sabay upo sa tabi ko, nasa hagdanan kasi ako ng palasyo.
" Oh? Bakit?" malamya kong saad.
" Iniisip mo nanaman si Ji Yeon no?" -Sehun
Pero nanatili parin akong tahimik.
" Asus! sabi na nga ba e.! " sabay suntok sakin ni Sehun sa braso ko.
" Aray naman! " angal ko
" Masakit na yon? sinuntok lang kita e. ang hina hina lang non no! " -Sehun
" May mga pagkakataon kasing dapat masaktan ang isang tao para matuto" walang emosyon kong saad.
" May mga bagay kasing dapat kalimutan nalang para hindi na masaktan!" -hirit ni Sehun
" May mga pangyayari kasing mahirap kalimutan dahil nagbigay na ito ng lubos na kasiyahan at galak" walang emosyon kong saad
" Hugot!!" biglang kantiyaw ni Baek
Hindi ko lang sya pinansin
" Problema nito?" tanong ni Baek kay Sehun
" Ano pa ba? edi si Ji Yeon!" -Sehun
" Tigilan nyo nga ako!" irita kong saad
" Tigilan ka dyan! magtigil ka nga dyan! Arte mo!" -Baek
" Anong nangyayari dito?" biglang sulpot ni Suho
" Yang mga yan!" saad ko
" Ano nanaman ang ginawa nyo kay Chanyeol ha?" mataray na tanong ni Suho kila Sehun at Baek.
" Aba! bakit ako ang sinisisi mo? Si Sehun kaya ang una" -Baek
" Anong ako? ikaw kaya!" pagdedeny ni Sehun
" Hoy Sehun ikaw ang una dan! kakadating ko nga lang e. " -Baek
" Anong nangyayari sa inyo?" saad bigla ni D.O na parang nagtataka.
" Eto kasi! iniinis si Chanyeol!" sabi ni Sehun sabay turo kay Baek, si Baek naman ay mukang nagulat sa sinabi ni Sehun
" Hays. bat ba ako? ikaw kaya ang umaaway kay Chanyeol! wag mo kong sisihin no! " banat naman ni Baek
" Hays. bahala ka dyan Baek! basta ako iinom nalang ng bubble tea ^_^" -Sehun
" Mga baliw talaga kayo no? wala kayong magawa siguro no? mga baliw!" walang emosyon na saad ni D.O, hahaha gusto ko nang tumawa , ang cute ni D.O kapag nagsasalita na walang emosyon, gusto ko nang tumawa :D
" Guys!!!!!!" nagmamadaling tumakbo si Kai papunta sa kinaroroonan namin at tila madaling madali
" Bakit?!!" sabay sabay naming tanong maliban lang kay Sehun na sumisipsip ng kanyang bubble tea.
BINABASA MO ANG
LIFE IN THE EXO PLANET [exo fanfiction]
FanfictionIsang babae ang sinasabing itinakda upang mas mapalakas ang pwersa ng mga kapangyarihan kung ano mang palasyo ang kanyang patunguhan, dalawang palasyo na kung saan may tinatagong lihim na pilit pinagkukubli ng maraming taon, super magical na storya...