HYPNOTIZING

112 4 0
                                    

A/N: guys my two chapter po akong di na publish, nalakdawan po , bago po mag poison may two chapter pa pong nakaligtaan, inedit ko na po, kaya pala walang lumalabas na reads, sorry po huhuhu!! pagkatapos po nung Ji Yeon mistakes may kasunod pa po yun,, dun po sa mga nagbasa agad ng poison may two chapter pa po kayong dapat basahin , sa mga bago palang po na magbabasa don't worry na edit ko na po yun ,sorry po ulit , pls comment po sa reactions kahit bad I can accept it. :( sorry po :( :(

Ji Yeon POV

nandito ako ngayon sa kwarto , syempre nasa exo-m ako, Hindi parin ako makapaniwala sa natuklasan ko, peke lang pala ang lahat! iyak ako ng iyak dito sa loob.

" Chanyeol! bakit ngayon ko pa nalaman ang lahat? bakit ngayon pa? bakit ngayon pa kung kailan mahal na kita? bakit?" sigaw ko sa loob ng kwarto ko

Hindi talaga ako makapaniwala sa lahat! inaalagaan lang pala nila ako dahil sa kapangyarihan, ang sama sama nila , paano nila nagawang lokohin ako at paniwalain sa kanilang mga kasinungalingan?

* tok tok tok *

" p-pasok" saad ko

" hi Ji Yeon" sabi sakin ni Lay

" L-Lay?" utal utal kong saad

" ayan ka nanaman , natatakot kananaman sakin! " sabi ni Lay

" pasensya na , pero sadyang takot lang ako sayo"

" dahil kay Chanyeol? talagang nilason na nila ang isipan mo"

" Lay?"

" oh?"

" maaari mo bang sabihin sa akin ang lahat? ipaliwanag mo sakin ang lahat lahat! gusto kong malaman ang lahat Lay, tulungan mo ako Lay dahil nalilito na ako" mangiyak ngiyak kong saad.

"  sige papaliwanag ko sayo ang lahat, pero sana maniwala ka sa mga sasabihin ko"

" oo pangako" sabi ko naman

" umpisahan natin noong napadpad ka dito sa Exo planet."

" sige" tugon ko naman

" alam mo ba na dapat kami ang unang makakakuha sayo? kaso sinaktan ni D.O si Kris at tinakot na kapag hindi ka namin binigay ay papatayin nya si Chai!"

" sino si Chai?" kunot noo kong saad

" kapatid ni Tao si Chai"

" ano?! Pero ang sabi sakin ni Chai masama daw ang dad nya"

" sabi na nga ba e. nilason na talaga nila Chanyeol ang isipan ni Chai" tugon ni Lay

" kasi ang sabi ni Chai sakin ay pinatay daw ng dad nya ang kanyang mom"

" tsk. ang dad ni Chanyeol ang pumatay sa reyna namin"

" ano? bakit?" kunot noo kong tanong

" ang dad ni Tao ang dapat magiging hari ng buong exo planet, dati kasi exo planet lang talaga ang tawag sa buong lugar nato , kaso nagrebelde ang dad ni Chanyeol"

" bakit? anong rason?" tanong ko naman

" kasi kada 300 na taon may itinakda na itinalaga ni bathala"

" 300??!" kunot noo kong tanong , edi matatatanda na pala sila, hindi lang halata sa mga mukha nila

" oo , actually 206 years old na ako"

" ano?! grabe ang tanda nyo na pala!" manghang mangha kong saad

" hahaha grabe kanaman sakin^_^" tawang tawang saad ni Lay

" sige magkuwento kana ulit" sabi ko naman

" noong last 300 years may dumating na itinakda, ipapakasal sya dapat sa dad ni Tao, ganto kasi yung nangyari ang harit reyna ay nagkaroon ng anak , kambal palagi ang ipinanganganak ng itinakda pero kakaibang kambal ang lalabas sa sinapupunan nito, kung sino ang huling lumabas sa kambal ay sya ang magiging susunod na hari ng buong exo planet , ang dad ni Tao ang huling lumabas kaya sya ang susunod na hari ng itinakda pero hindi ito matanggap ng dad ni Chanyeol sakim ang dad ni Chanyeol nag rebelde ang dad ni Chanyeol at hinati nito ang exo planet sa dalawang dimension yun ang exo-k palace at exo-m palace, inagaw ng dad ni Chanyeol ang itinakda at silay nakabuo kaya isinilang sila Chanyeol at Kai , ang dad naman ni Tao ay umibig sa isang ordinaryong babae lang na naninirahan sa exo planet pero sadyang masama ang dad ni Chanyeol kaya pinapatay nya ang mom ni Tao matapos ipanganak nito si Chai, kaya galit na galit kami sa exo-k at ayaw na muli naming maganap pa ang dati kaya kinuha ka nanamin, tiyak na papakasalan ka ni Chanyeol at gagamitin ka nila para lumakas ang pwersa nila" pagpapaliwanag sakin ni Lay, nagkukuyom ang kamao ko habang nakikinig ako kay Lay, pinagmuka nila akong tanga.

LIFE IN THE EXO PLANET [exo fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon