After 5 years."Mama!! Si tito Baekhyun po inaagaw ang barbie ko!" Saad ng isang batang babae
"Baekhyun!!!!" Sigaw naman ni Ji Yeon
"Oh honey? Bakit ka sumisigaw?" Tanong naman ni Chanyeol, kakalabas lang nya sa banyo dahil naligo sya, tuwalya lang ang nakatakip sa katawan ni Chanyeol.
"Lintik yang si Baekhyun! Inaagawan pa si Ingrid ng barbie!" Saad naman ni Ji Yeon
"Hahaha! Hayaan mo na! Ahm baby Ingrid hayaan mo nalang si kuya Baekhyun mo ah? Pagpunta natin sa bahay nila Lolo Dante mo, ibibili kita ng maraming barbie ^_^" saad ni Chanyeol sa anak nya
"Ahm pupunta po tayo sa bahay nila Lola? Yehey! So makikita ko ulit si kuya Lance?" Cute na saad ni Ingrid
"Yes baby, sabik na sabik narin ang kuya Lance mo na makita ka" nakangiti namang saad ni Chanyeol sa anak
"Sige po magbibihis na ako!" Excited na saad ni Ingrid.
"Baby, kay tita Chai ka nalang magpabihis ah?" Nakangiti namang saad ni Ji Yeon
"Ayoko po!" Iiling-iling na saad ni Ingrid
"Bakit baby?" Tanong naman ni Chanyeol
"Natatakot po ako sa tiyan nya, ahm dad and mom can I ask something? Bakit po malaki ang tiyan ni tita Chai? Sabi po sakin ni tito Sehun may monster daw po sa loob non" takot na saad ni Ingrid, nagtawanan naman sila Ji Yeon at Chanyeol.
"Loko talaga si Sehun" tawang tawa na saad ni Ji Yeon
"Ahm baby, si mommy dati ganon din" saad naman ni Chanyeol sa anak
"What?! May monster din si mommy sa tiyan? Nasaan na po sya?" Takot na saad ni Ingrid, nagtawanan muli ang mag-asawa
BINABASA MO ANG
LIFE IN THE EXO PLANET [exo fanfiction]
FanficIsang babae ang sinasabing itinakda upang mas mapalakas ang pwersa ng mga kapangyarihan kung ano mang palasyo ang kanyang patunguhan, dalawang palasyo na kung saan may tinatagong lihim na pilit pinagkukubli ng maraming taon, super magical na storya...