TAO SACRIFICE FOR JI YEON.

102 4 0
                                    

Tao POV

agad akong tumakbo ng mabilis nang makita ko ang sulat na inukit ni Kris sa puno.

" Tao sumunod ka sa mundong ibabaw! bilisan mo! nakalabas ang itinakda at wala syang suot na pangontra , lahat kaming exo-m warriors ay sumusunod sa kanya , bilisan mo Tao!"  ukit ni Kris sa puno, agad naman akong tumakbo, salamat kay Kris dahil nag-iwan sya ng mga tanda sa bawat sulok na dinadaanan nila para makasunod ako kung saanman sila pupunta .

nasa kalsada na ako.

ganto pala ang mundong ibabaw, maraming usok at mga sasakyan na dumadaan .

patuloy parin ako sa pagtakbo , sinusundan ko lang ang mga tanda.

Kris POV

sana makita ni Tao ang aking mga inukit sa puno para mailigtas nya ang itinakda , kitang kita ko ang pagkasabik sa mga kasamahan ko upang kunin ang itinakda, napaka sama talaga nila.

" Kris anong ginagawa mo?" tanong sakin ni Luhan

" ha?" pagkukunwari ko

" bakit mo nilalagyan ng ekis ang mga puno? " sabi ni Luhan

" baka kasi maligaw tayo!" palusot ko

" oo nga, tama ka!, tsaka napaka polluted pala dito sa mundong to! gusto ko nang umuwi" sabi ni Luhan sakin habang sinusundan namin ang itinakda.

" gusto ko nang makuha ang itinakda! gusto ko nang magkaroon ng higit na kapangyarihan , gusto ko naring mabuhay ang mahal na reyna at sakupin ang buong exo planet" sabat naman ni Lay, talagang determinado syang makuha ang itinakda.

" kunin na kaya natin ang itinakda ngayon?" sabat ni Xiumin

" wag! may kasama syang matanda" sabi ni Luhan

" bakit pwede naman nating patayin yung kasama nya diba?" sabi ni Xiumin

" magkakagulo lang dito at maaaring may makakita pa sa atin " sabi naman ni Luhan

" tama si Luhan, may tamang oras para kunin natin ang itinakda" sabat naman ni Lay

" ikaw Kris anong opinion mo?" biglang tanong sakin ni Lay

" ha? a-ako?" gutla at utal utal kong saad

" ano bang nangyayari sayo? kanina kapa lagay ng lagay ng ekis sa puno tsaka kanina kapa lingon ng lingon sa likuran" tanong naman sakin ni Xiumin

" napapansin ko kakaiba na ang kinikilos mo noong nakaraang araw pa" sabi naman sakin ni Lay

" ha? anong sinasabi nyo dyan? Hindi ah! lagay lang ako ng lagay ng ekis sa puno para tanda ng mga dinadaanan natin para di tayo maligaw!" pagpapaliwanag ko sa kanila

" hoy tignan nyo yung itinakda umiiyak habang tumatakbo!" sabi ni Luhan

" oo nga eto na ang oras para kunin natin sya dahil wala na syang kasama" sabi naman ni Xiumin

" ang tagal mo naman Tao" bulong ko

" ano?! anong sabi mo?" sabay sabay nilang saad.

" ha? ang sabi ko bat ang tagal naman nating makuha ang itinakda , na-iinip na kasi ako, kaya kunin na natin sya!" pagsisinungaling ko

bat naman kasi ang tagal ni Tao dumating!

nanlaki ang mga mata ko ng kumuha ng isang malaking tubo si Lay at ihahataw yon sa itinakda.

napapikit nalang ako ng dumampi na ang tubo sa ulo ng itinakda .

agad binuhat ni Lay ang itinakda at tumakbo

" hoy Kris! Tara na!" sigaw sakin ni Xiumin

" ha? o sige!" saad ko sabay takbo narin .

Tao POV

takbo parin ako ng takbo sinusundan ko lang ang mga tanda na ginawa ni Kris

" Tao?!!!" gutlang saad sakin ni Lay, nagkasalubungan kami nila Lay.

" anong ginawa nyo sa kanya?" kunot noo kong saad

" anong ginagawa mo dito?" gutlang gutla talaga sila sa pagkakita sakin.

" ibigay nyo sakin si Ji Yeon ngayon din!" diin kong tugon

" anong sinasabi mo? sakin ang itinakda!" pagmamatigas ni Lay

" anong ginawa nyo sa kanya? bat may sugat ang ulo ni Ji Yeon? ibigay nyo sya sakin kung hindi'y papatayin ko kayong lahat!" pagbabanta ko, dapat hindi maganap ang prophecy!

" wag kanang mangi-alam Tao! " sabi ni Luhan sabay suntok sa akin

" Xiumin sumunod ka sakin , Luhan at Kris bantayan nyo si Tao para di nya makuha ang itinakda , aalis na kami papuntang EXO-M " narinig kong utos ni Lay

hahabulin ko na dapat sila Lay at Xiumin nang bigla akong harangin ni Luhan at Kris

nakita kong mabilis na tumakbo sila Lay at Xiumin dala-dala si Ji Yeon.

" padaanin nyo ako!" sigaw ko

" Kris ikaw na ang bahala sa kanya" sabi ni Luhan kay Kris

" ha ? anong ako? Hindi ko yun magagawa!" sabi ni Kris

" anong hindi mo kaya? kaya mo yan! susundan ko na sila Lay!" sabi naman ni Luhan

" s-sige umalis ka na ! ako na bahala kay Tao! " sabi naman ni Kris, nakita kong agad tumakbo si Luhan

" hoy Tao bat ang tagal mong dumating? " saway sakin ni Kris

" naliligaw kasi ako " sabi ko naman

" mabuti pa sundan mo nalang sila bilisan mo! " utos sakin ni Kris

"sige pero paano ka? " tanong ko

" magpapalusot nalang ako , sasabihin ko hindi ko kinaya ang lakas mo kaya nakasunod ka sa kanila!" sabi naman ni Kris.

" sige salamat !" sabi ko sabay takbo patungong lagusan ng exo-m

takbo lang ako ng takbo hanggang sa nasa kagubatan na ako.

" hoy Lay ako ang harapin mo!" sigaw ko

napalingon silang tatlo sakin

" Xiumin at Luhan bigyan nyo sya ng leksyon!" utos ni Lay

agad pumwesto sila Xiumin at Luhan para atakihin ako.

tapos si Lay naman ay buhat buhat si Ji Yeon na walang malay patungong lagusan ng exo-m.

kailangang di maganap ang prophecy!

" ano Tao? masyado ka kasing pakialamero e " sabi ni Xiumin sakin sabay suntok sa mukha ko , agad akong tumalsik sa puno

mabilis na kumilos sila Luhan ay Xiumin papunta sakin at akoy pinagsusuntok

Hindi ako makagalaw sa sobrang sakit ng buong katawan ko.

tumayo ako at pinagsusuntok sila , nakipaglaban ako sa kanila kahit sobrang sakit na nang buong katawan ko, Pero sadyang malakas sila.

nakita kong hinugot ni Luhan ang isang malaking puno at hinataw yon sakin

agad akong tumalsik sa pinaka dulo ng kagubatan.

pagmulat ko sa aking mga mata ay ang mukha agad nila Luhan at Xiumin ang aking nakita.

itinayo ako ni Xiumin gamit ang kanyang lakas , at sinuntok nya muli ang aking sikmura agad lumabas ang maraming dugo sa aking bibig.

lumayo si Luhan sakin tapos kumuha ng buwelo para suntukin ako sa tiyan.

" AAARRGGHHHHH!!!" sigaw ni Luhan

sabay suntok sa akin.

" WWWHAHAHA!!!" narinig kong tumawa silang dalawa matapos akong tumilapon sa kalangitan at bumagsak sa mga puno.

" JI YEON! " sigaw ko bago ako mawalan ng malay.




thanks for reading

PHIXO!

LIFE IN THE EXO PLANET [exo fanfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon