Entry #64----->The Missing Person

50 1 0
                                    

DAWN's POV

Dalawang linggo na ang nakalipas magmula nang mawala si Cenon. Marami nading nangyari simula nang mawala siya.

Isa na dito ang pagpapakilala ko kay Yuwe sa mga member ko. Sayang lang at Hindi ito nakita Ni Cenon sa personal. Pero pangako ko gagawa ako nang paraan para magkita uli silang dalawang, nang sagayon ay magkakilala sila.

Tapos ay yung dinner night ko kasama ang mga Alleje. Tulad padin nung una ko siyang makilala napaka sarap bilang kausap. Napaka dakdak nila, parang Hindi sila nauubusan nang kwento. Pero dahil kasama namin si Kurimaw nalilimit yung mga kwento nila. Para ngang si Kurimaw pa ang magulang eh. Ang kulit nila.

Tapos ang Isa pang pangyayari na haggang ngayon ay bumabagabag parin sa akin ay yung nauudlot naming celebration Ni Sunny my loves. Ewan ko ba! Para kasing may kumokontra sa date nami--este celebration namin.

Hayst! Kaya nga heto ako ngayon para akong tanga na palaging nasa malayo ang isip. Nawawala ako sa focus ko kasi hanggang ngayon Hindi pa kasi kami nagkikita Ni Sunny my loves. Sabi niya biglaan daw dumami yung mga paper works niya kaya baka pagkatapos nalang daw nang CAS week yung date---este celebration.

Pero ang mas mabentang pangyayari na hanggang ngayon ay usap usapan padin sa buong PUM, ay ang pagdodrop out Ni Cenon.

Marami nga ang nagtaka sa biglaang pagd-dropout nito. At walang sino man ang nakakaalam kung ano ang naging dahilan ni Cenon.

Pero... ako at si Joan, alam namin ang dahilan.

Sinabi sa amin ni Doc Jayson na magpapacomfine ito sa isang ospital, kung saan natutukan ang mga kasong katulad nang kay Cenon.

Hindi na sa amin sinabi kung saang hospital ito, dahil iyun daw ang kahilingan ni Cenon.

Hindi na kami nagpumilit pang alamin ito kasi pwede naman daw naming kontakin si Cenon mula dito.

Umakto kami ni Joan na hindi namin alam ang pagkawala ni Cenon, dahil iyun ang hiling niya sa amin.

Sa totoo lang kahit papano hindi na kami nag aalala ni Joan sa baklang yun. Safe naman daw siya dun, at saka paminsan minsan tinatawagan namin siya, parang wala nga siyang sakit kapag nagkukuwento siya sa amin.

Kaya panatag na kami ni Joan.

Kaya lang yung iba hindi, merong mga nagtatanong sa amin kung nasaan na si bakla, yung iba namimiss yung pagkatinis nang boses niya, yung iba naman natuwa pa. Pakyu sila!

Pero ang mas naapektohan sa pagkawala ni Cenon ay itong si John.

Nung unang araw na nawala si Cenon halos hindi ako tantanan niyan kakatanong kung nasaan si Cenon.

Buntot nang buntot sa akin. Nasapak ko na nga't lahat ayaw pa akong tigilan. Tinatago daw namin siya.

Jusko! Kaimbiyerna!

Pero nung naglaon tumigil nadin siya sa pangungulit sa akin. Pero naging matamlay na ito sa lahat.

Parang nawalan nang buhay yung mundo niya.

Kapag naglalaro ito nang basketball palagi itong pinapagalitan nang coach nila kasi wala ito sa focus sa paglalaro.

Tapos bigla nalang itong magagalit out of nowhere tapos bigla nalang mananapak saka niya sasabihing....

"Tangina mo ah! Ikaw ba ang kumuha sa kanya?! Ha! Ilabas mo siya oh susuntukin kita!"

Natakot lahat nang tao noon sa gym at lahat nang yun nagtakbuhan sa labas.

Wala naman tuloy magawa sila Kurimaw kundi ang awatin ito sa tuwing gagawin niya yun.

Katulad nalang ngayon, wala na naman siya sa sarili niya habang naglalakad ito sa hallway.

And That COIN Connect Us...[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon