Entry #12 ----->The Social Club

54 3 0
                                    

(DAWN's POV)

Wednesday ngayon at ngayon na ang welcome party para sa apat na Club. Excited na excited nga kame eh. Kasi nag insist yung dalawang club which is the Social Club and Gentlemen's Club na sila na ang bahala sa pagaayos ng welcome party.

Since katatapos lang naman namin sa pag aayos nung Acquatance party pinag bigyan na namin sila.

Papunta na kami sa GYM dahil dun ang venue, at ang nakakatuwa pa nito lahat ng student invited hindi lang kaming mga Clubs.

"Grabe! Kinakabahan ako, ano kaya ang itsura nung ibang clubmembers? Mababait kaya sila? Friendly kaya?" sunod sunod na tanung ni Mae Anne kay Kuku.

"Haaay! Hindi lahat dun friendly!" sagot naman ni Kuku. nagulat naman ako sa sinabi niya panu niya nasabing hindi lahat dun friendly?

"Ha? Anung ibig mong sabihin dun na hindi lahat sila friendly?" base naman sa first impression ko dun sa mga leader nila mukha namang mga mababaet. Well, except dun kay Jessa kung makatingin kasi sa akin para akong pinapatay sa isip niya.

"Hay naku! Dawn! Alam mo ba nung monday, bigla ba naman kaming awayin nung mga members nung Social Club habang pauwi kami! Haaaay grabe!" sumbong ni Aleng.

"At saka yung mga Gentlemen's Club na iyan! Grabe! Ang yayabang!" nanggigigil na sabi ni Kuku. Teka! Na meet na nila ang mga member ng ibang Club?

"Panu kasi na sampulan nung isang member nung Gentlemen's Club, yung ang name eh, Thirdy ata?" bulong sa akin ni Joan.

"Aaaah! So, nameet niyo na pala sila! Epic pala yang unang pagkikita niyo eh! Hahahaha!!" komento ko naman.

Nakarating na kami sa GYM at mukhang napakasaya nila dun. Ang ganda pa ng music nakaka beat ng buong katawan. *___* At lahat nang student ng bawat Colleges nandito madali namang malalaman kung saan silang department dahil sa mga suot nilang org shirt. Tuwing Wednesday kasi allowed kaming hindi mag uniform at pwede naming suotin nga itong mga org shirt namin.

Pagpasok palang namin sa GYM marami na agad ang naka tingin sa amin.  

"Uy! Andito na pala ang GG Club!" sigaw nung isang babae. Tapos marami pang nakapansin sa pagdating namin.

"Hmmmm, base sa mga reaction nila mukhang tayo nalang pala ang hinhintay dito." komento ni Joan.

"Dawn! Dumating kana!" I was shock ng biglang may yumakap sa akin. I'ts Jessa! Mukhang tuwang tuwa ito nung makita ako. Teka bakit bigla atang naging masaya ito nung makita ako? Samantalang nung meeting hindi man lang ako kinakausap nito.

"Oh! Jessa ikaw pala! Ayos tong pag se-set niyo ng Party ang ganda!" pagpuri ko sakanya pagka layo niya sa akin mula sa pagkakayakap.

Ngumiti ito,"Siyempre ayaw naming mapahiya sa inyo noh! Kaya binonggahan talaga namin ni Vio! Ang saya nga nilang katrabaho eh! Ang kukulit!" masaya nitong sabi. Pero parang napakalalim nung sinabi niya.

Hehehe! Buti pa sila may teamwork, kamusta naman kami nung nagdedesign kami nun dito sa GYM para sa Acquatance party it was totally a world war III.

Mukhang napansin nito yung mga kasama ko. "Oh! Sila ba ang mga member moh?" saka nito nilapitan sila.

"Nice to meet you! Ako nga pala si Jessa Marie Dimagiba ang leader ng Social Club, pasensiya nga pala kayo sa biglang inakto ng mga co-member ko nung nakaraang araw ah. Di bale, pinagsabihan ko na sila, masiyado kasi silang naging exsagurate eh!"

And That COIN Connect Us...[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon