Entry #35-----> The Challange

50 1 0
                                    

(DAWN's POV)

After naming kumain ng Giant Footlong nina Cenon at Joan nung tanghaling iyun.

Bigla kong naalala na hindi ko pa pala na sasabi sa kanila yung biglaang pagbabago sa U week.

Yung race! Shuta bukas na yun eh!

Hay naku Dawn! Bakit ba nawala sa isip ko ang importanteng bagay na yun?!

"Oy! Joan, Cenon! Pilitin niyong macontact si Aleng! Sabihin niyo pumunta agad siya sa bahay ni Mae anne ngayon! May importante akong sasabihin!" utos ko sa kanila.

Nagtataka man sila sa bigla kong inutos. Agad naman nilang kinuha ang kanilang mga phone at agad silang nag dial doon.

Ako naman kinuha ko yung phone ko at agad kong tinext si Kuku.

To: Kukubells

Ku! Go to Mae anne house! NOW!

send....

"Okay! Let's go, punta na tayo sa bahay ni Mae anne." utos ko padin sa kanila.

"Uhmm... madaam? Bakit sa bahay ni Mae anne?" agad na tanong ni Cenon.

"Dahil... Injured si Mae anne kaya hindi natin siya pwedeng papuntahin dito. Kaya tayo ang pupunta sa kanya. Besides, gusto ko ding marinig niya ng personal ang importanteng sasabihin ko. Getsu mo ba? Bakla?"

"Ahh! Getchiwa ko na madaam!"

"Kung ganun tara na! Sa bahay nila Mae anne!" ngunit nung pagharap ko sa direction kung nasaan ang exit ng university namin.

Biglang sumulpot sa harap ko si JJ.

"Hoy! Taba! Anung ginagawa mo dito?" inis kong tanong agad sa kanya. "Hindi ka naman nandito para ubusin ang mga Giant Footlong dito ano?"

Tsss. Alam ko namang pagkain lagi ang hanap nito.

"Dawn... Pwede ba kitang makausap? Please! Promise! It won't take long." seryoso nitong pakiusap sa akin.

----------------

Napunta kami dito sa bungad ng centenial forest para pagkatapos naming mag usap diretso na agad kami kila Mae anne.

"Oh... Anu ba yung sasab~~~ Uy! Anung ginagawa mo?" nagulantang nalang ako ng bigla siyang lumuhod sa harap ko.

"Dawn! Pakiusap! Let me take back my Alyssa!" lantaran nitong sabi sa akin.

Na ikinagulat ko naman.

"Hoy! JJ! Ano ba yang ginagawa mo? Tumayo ka nga diyan!" nakakahiya naman tong ginagawa niya! Baka mamaya makakita nitong ginagawa niya at baka kung ano pang isipin nila.

"No! Hindi ako tatayo hanggat hindi ka pumapayag na kunin ko si Alyssa sayo!" pagmanatigas nito.

"S-Si Alyssa?" bakit gusto niyang kunin si Alyssa? Now I'm completely puzzled. "Hoy JJ! Isa na naman ba ito sa mga pakulo nung kulugo niyong leader? Kasi kung oo, you better stop it right now! Hindi nakakatuwa ah!"

Bwisit talaga yung kurimaw na yun! Humanda sa akin yun pag nakita ko yun! How dare him para gamitin ng ganito ang member niya? That shameless guy!

"No! Walang kinalaman dito si Joshua. The truth is... I did this on my own because I love Alyssa! Mahal na mahal ko siya! At gagawin ko ang lahat para makuha siya. Kaya please! Surrender her to me!"

"Ah! Hahaha! T@#%&do ka pala eh! Hoy! Kahit lumuhod ka pa diyan hinding-hindi ko siya ibibigay sayo! Hindi pa ako nababaliw para gawin ko ang gusto mong mangyari! At saka isa pa... Ang pagkaka alam ko galit sayo si Alyssa! At saksi ako sa mga pangaaway mo sa kanya! And as a leader susuportahan at poprotektahan ko ang aking mga miyembro sa mga katulad mong may ugali ng Joshua na yun! Naiintindihan mo ba ako? Kaya tumayo ka na diyan at ikain mo na lang yan dahil gutom lang yan!"

And That COIN Connect Us...[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon