Entry #59-----> The Foolish Thoughts

14 1 0
                                    

ELJAY's POV

"Taena kayo! Pag hindi niyo nahabol ang mga gagong yun, kayo ang bubugbugin ko!" bulyaw ko sa mga meyembro ko habang patuloy kami sa paghabol sa mga kaaway naming gangster.

Ang lalakas nang loob nang mga GreenViper nayan na tumuntong dito sa teritoryo namin.

Makikita nang mga gunggomg nayan!

"Hoy! Habulin niyo lang iikutan ko sila!" utos ko sa mga kasama ko.

"Opo pinuno!" sabay nilang sagot saka nila binilisan ang pagtakbo.

Ako naman ay lumiko sa isang kanto.

Alam kong may shortcut dito patungo sa dadaanan nila.

Napangiti ako, corner na sila sa amin.

Ngunit bigla nalang may bwisit na lalaki ang sumulpot sa kung saan kaya agad akong bumangga sa kanya.

Mabilis akong tumalbog sa kanya kaya napaupo ako sa lupa.

"Aray! Ang sakit nang pwet ko! Okay! Sino ka bang gunggong ka at bigla kan---Shit!" kaagad kong tinakpan yung mukha ko nang mamukhaan ko yung lalaking nakabungguan ko.

Bigla na namang bumilis yung pagtibok nang puso ko at piling ko namumula na naman ang mukha ko.

Tangina naman oh! Nagmumukha na naman akong babae nito eh!

"Hey! Are you alright? I'm sorry I didn't see you comming." hingi niya nang paumanhin sa akin.

Bakit ba napaka gentleman nang boses niya. Pati yung kilos niya napaka gentleman din? Ano ba siya bakla?

"Here, let me help you to ge--"

"N-No! K-Kaya ko s-sarili k-ko. A-Alis n-na a-ako!" sigaw ko sakanya saka ako nagmamadaling tumayo saka ako tumakbo palayo sa kanya.

Narinig ko pa ngang tinawag niya ako pero hindi ko na siya pinansin.

Bakit ba palagi kong nakakasalubong yang Kent Trinidad nayan?

Ugh! Nakakainis kang puso ka! Bakit ba tuwang tuwa ka sa kanya?

Langya naman oh!

ANGELY's POV

Paglabas ko nang bahay namin ay naabutan ko si Kuya Kent na nakatayo sa kalsada at tila ba may tinatawag ito.

Agad ko siyang nilapitan.

"Oh! Kuya Kent! Nandito ka pa din? Sino ba yung tinitiganan mo diyan?" Tawag ko sa kanya.

Saka ko tinignan din yung direksiyong tinitignan niya. Wala namang tao dun.

Pagtingin ko kay kay Kuya Kent ay may kung ano na itong pinupulot sa lapag.

"Ano yan?" tanong ko sa kanya.

Parang ID yung hawak niya.

Napansin kong biglang napangiti si Kuya Kent habang tinitignan niya yung hawak niya.

Titignan ko sana kaya lang bigla niya yung tinago sa bulsa niya. Saka ito tumingin sa akin.

"Wala yun bunso! Tara ihatid na kita." aya niya sa akin.

Naguluhan naman ako sa biglang naging reaksiyon ni Kuya Kent.

Rarely kong makitang ngumiti nang ganun si Kuya Kent.

Ano kaya yung nakita niya dun sa hawak niya at napangiti siya nang ganun?

Habang nasa biyahe kami ni Kuya Kent para ihatid niya ako sa PUM eh seryoso ko namang nirereview yung dating isue nang magazine namin.

And That COIN Connect Us...[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon