Entry #17----->The Awkward Moment

67 4 0
                                    

(DAWN's POV)

GRABEEEEEEEEE! Kung hindi lang sana nangyari yung eksena namin ni Joshua dun sa botanical garden hindi sana ako magpapaka gaga ng ganito.

Nagtatago kasi ako sa bawat puno, tao at posteng madaanan ko habang papunta ako sa Pamantasan namin.

Buti nga nakatulog agad ako nung isang gabi dahil sa kabusugan pero kamusta naman ang laman ng panaginip ko hanggang ngayon? Edi yung eksena uli namin dun sa botanical garden pero bwiset may dagdag sa kwento! nag ano daw kame... yung anek... 

yung...

Nag KISS daw kameeee! (>///////////<)

Kadiriiiiiiii! Yuckkkkkkkk! Eeeeeew!

Bakit may ganun sa dream ko!

Naipalo ko sa noo ko yung palad ko sa sobrang kahihiyan! Panu yan pag nagkita kami ngayon edi awkward.

Kasi maaring... Does that mean na I'm starting to fantasizing him? HIM?! OW NOH!

*BEEEP

"AY KALABAW!" nagulat naman ako dun sa malakas na businang iyon. Napabalikwas tuloy ako dun sa mga halaman.  Sino ba itong bwisit na ito? Nasa gilid naman ako ng kalsada ah!

Bigla akong napatayo nung bumababa na yung salamin nung pintuan nung kotse na tumugil dun sa harap ko. At mula duon dumungaw ang isang napaka gwapong nilalang naka shades pa ito, para tuloy siyang artist---I mean! Isa siyang maligno! Kurimaw! Halimaw sa banga! sabay bawi ko nung marealise kong si Joshua pala ito.

"What are you doing? Why are you sitting at the bushes?" nagtataka nitong tanong sa akin.

Why don't you go to hell!

Aba itong hudas na ito nagtanong pa kung bakit ako nakaupo dun sa mga halaman? Durugin ko kaya yang pagmumukha mo!

"Aba malay ko! Bakit hindi mo itanong sa kotse mong malakas bumusina!" sabay irap ko sa kanya. Ipa junk shop ko yang kotse niya eh! Kita niyo nga iba na naman ang kotse niya! Rich Kid talaga!

Nag smirk siya.

Binuksan niya nang bahagya yung pinto ng kotse niya.

"Hop in! Sabay na kita, iisa lang naman ang pupuntahan natin. Besides, baka sabihin mo napaka ungentleman ko." pag anyaya nito.

Buti alam niya! Okay lang hindi naman ito ang first time kong sumabay sa kanya sa kotse. Kaya lang nung hahawakan ko na yung buksanan ng pintuan ng kotse.

Biglang nag flash sa isip ko yung panaginip ko nung nasa botanical garden kami yung may excess scene!

Panu kung maging totoo yun? Tapos dito niya gawin sa loob ng kotse edi siyempre wala akong kawala nun. AYAW! HINDI AKO PAYAG!

"Dawn---"

"NO! NEVER! AYAW! HINDI AKO PAPAYAG!" sigaw ko sa kanya. Napatakip siya nang tenga nang dahil dun tapos napatingin din sa amin yung ilang estudyanteng nadaan.

Hindi ko na hinantay yung sasabihin niya dahil umalis na agad ako duon. Anung tingin niya sa akin easy to get? kaladkarin?

Narinig kong bumukas yung pinto ng kotse niya. Tapos narinig kong tinatawag niya ako.

"What the heck! Dawn! Comeback here! AMPLI!" sigaw niya sa akin. Pero hindiko siya nililingon wala akong balak magpa biktima sa kanya! I'm his enemy for pete sake! Nasabon na nga ako kahapon nila Aleng at Cenon.

And That COIN Connect Us...[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon