Entry #48-----The Memories

32 3 0
                                    

[N/W: Hey guy! MapaEs back! Okay! Tuloy na ang kwento ng maduming limang piso! Enjoy reading guys!]

(DAWN'S POV)

12 years ago...

"Papa! Excited na po akong makita sila Auntie! Miss ko na po yung cookies and the carabow milk!"

Excited kong sabi kay papa habang nasa sasakyan kami. Papunta kasi kami sa Laguna para bisitahin yung kapatid ni Papa. Si Auntie Violy.

Gustong gusto ko si Aintie Violy kasi para siyang nanay ko na!  Palagi niya akong pinag bebake ng cookies at saka lagi niya akong pinapainom ng gatas ni Jessabells. Yung carabow ni Aunty Violy.Love na love talaga ako ni Auntie kasi palagi niya akong binibigyan ng gifts saka siya lang din yung sinasabihan ko about kay Sunny. At alam niyo bang supportado ako doon ni auntie Violy? Hihihihi.

Walang anak si Auntie at wala ding asawa in short matandang dalaga! Kaya nga sabi ni Papa kaya daw niya ako lagi dinadala kay auntie ay hindi dahil gusto niya kundi dahil gusto ni Auntie. Para daw kasi ako na yung anak niya.

Agad akong napatingin sa mala probinsiyang tanawing iyun sa labas ng kotse kung saan kami nadaan.

Ang ganda talaga! Kitang kita yung dagat!

Hanggang sa bigla akong nagulat ng biglang nag stop yung kotse namin.

Agad naman akong napatingin sa unahan namin. Doon ay may nakita akong batang babae na kasing edad ko lang.

Mahaba ang maitim niyang buhok at talagang napaka cute niya. Yung ngalang bat ganun yung suot niya? Sira sira at saka napaka dumi niya?

Ngunit agad na napalabas ng kotse si Papa ng bigla nalamang mawalan ng malay yung batang babae.

******

present day...

Last week na ng sembreak at pagkatapos nito ay magsisimula ang second sem ng taong ito.

Kaya eto kami ni papa nilulubos ang araw na ito papunta sa bahay ni Aunti  Violy.

Ngayon lang kasi nagka time si papa sa trabaho niya.

Habang nakadungaw ako sa bintana ng kotse ay hindi ko maiwasang mapaisip sa mga nakikita ko.

Andame nang nagbago dito. Yung mga puno sa parang ay wala na, yung mga kulay green na patag ay wala na din puro mga skwater na ang nakikita ko.

Haaaysss! Dame nang nagbago....

Ilang oras pa ay nasa tapat na kami ng bahay ni Aunti Violy. Ganun padin ang bahay ni Aunti walang nagbago. Hindi naman gaanong kalakihan ang bahay ni Auntie parang yung mga bahay na makikita mo lang sa probinsiya? Hindi naman siya kubo isa siyang bahay na bato at talagang nagpaenhance sa lugar ay yung mga bulaklak na tanim ni Auntie.

Pagbaba namin sa kotse ay agad kong nabungaran ang isang babae na nagdidilig sa mga bulaklak.

Agad itong napangiti ng makita kami nito.

"Aunti Violy! Nandito na po sila Tito at Gab!"

Agad ko namang kinaltukan yung babae. "Ang lakas mong maka Gab ah! Ilang beses ko bang sinabi sayo na Dawn ang itawag mo sa akin!"

"Hahaha! Ang astig kaya ng Gab!" tawa naman niya habang hinihimas niya yung parteng kinotongan ko.

Pagkatapos noon ay nagtawanan kami ng sabay saka kami ng akap.

"Yuwe!"
"Dawn!"

"Aaaaay! Asan na ang pamangkin k--- Aaaw! Tignan mo nga naman George! Para talaga silang pinag biyak na niyog! Magkahawig na magkahawig!" narinig ko bigla ang boses ni Aintie Violy kaya agad akong kumawala sa pagkakayakap ko kay Yuwe.

And That COIN Connect Us...[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon