Entry #25----->The University Week

49 2 0
                                    

(DAWN's POV)

Hey Guys! First Day na nang U week! At eto ang ang mangyayari sa buong week na ito.

First Day (Monday)

--> Opening Ceremony

      -Float Parade

      -Cheerdance Competition

Second & Third Day (Tuesday & Wednesday)

--> Sports Fest (outdoor & indoor)

      -Basketball (male)

      -Volleyball (Female)

      -Board Games

Fourth Day (Thursday)

--> Academics Competetion.

Fifth Day (Friday Night)

--> Mr & Miss PL*toot*

      -Awarding

Sixth Day (Saturday Night)

--> University Night

       -Closing Ceremony

Yan ang mangyayari sa buong week na ito ang saya noh?! Exciting! Kaya makikita niyo naman sa mga nagdaang araw na napaka busy nang mga member ko!

Dahil kakabugin namin iyang SJ Club na iyan! GO GIRL POWER!

*******

"OMO! I'm so tired! Sa tingin ko matatanggal na ang aking kaluluwa kakalakad!" narinig kong daing ni Alyssa.

"OMO ka diyan?! OMOhin ko yang mukha mu eh! Anu ka Japaneese? Ang bilis mo namang sumuko! Samantalang kanina ang yabang yabang mong mag sabi nang 'Ay sus? Ang lapit lang pala nang lalakadin natin eh!' Oh eh ano ka ngayon? Gumapang ka diyan!" sabi naman dito ni Mae anne.

"T*nga! Hindi Japaneese ang OMO Korean yun! Saka malay ko bang ganito pala kalayo ito! Kapag naman nasakay ako nang jeep malapit lang!" ganti naman dito ni Alyssa.

Ang sakit sa tenga nang dalawang ito!

Kasalukuyan kaming naglalakad papasok dito sa aming school. Katatapos lang nang mahabang lakaran para sa aming parade.

Ngayong araw na kasing ito ang opening ceremony nang aming University Week.  By Department ang pasok sa tarangkahan nang Pamantasan namin. Dahil ang University week ay labanan din nang bawat department. Labanan kung sinung department ang magaling sa cheerdance, sports fest at sa lahat. Nag aaway silang lahat kung sinu ang makakakuha nang overall trophy.

"LET'S WELCOME! THE COLLEGE OF ARTS AND SCIINCES!" tinawag nang MC ang aming department kasabay nito ang pag entrada nang buong department namin. Sabay sabay kaming sumigaw at humiyaw para isigaw ang aming department. 

Dahil sa una palang dapat ay malakas na ang sigawan!

Siyempre papahuli ba ako? Siyempre todo sigaw din ako kahit mapatid na ang litid ko! Wala lang naeexcite kasi ako kapag mga ganitong sigawan.

Matapos makapasok ang lahat nang department ay sinimulan na namin ang aming Opening Ceremony, nag dasal muna kami para hingin sa diyos ang kanyang gabay, sunod naman ang pambansang awitin at ang aming Hymn.

Tapos may mga ilang spech pa nang mga guest at nang mga opisiyal dito sa school. At kasama na din sa mag s-speech si Kurimaw.

Para tuloy nawalan akong ganang makinig habang nag sasalita siya! Pa humble! Humblelusin ko yang mukha niya!

And That COIN Connect Us...[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon