Entry #32-----> The Rumble Jumble Event

57 3 0
                                    

(ALYSSA's POV)

University Week 3rd Day....

Nandito ako ngayon sa Donya Abing's Cafe para i-meet ang isang tao na nag request ng isang araw ko.

Si JJ...

Balak ko sana siyang tanggihan noong gabing niyaya niya ako, pero ang sabi niya may importante daw siyang sasabihin sa akin. Besides, bago pa ako makapag reak agad, kumaripas na siya ng takbo palayo sa akin.

tsss... =_=

ugali eh no..

Wala man akong idea sa kung ano mang importanteng sasabihin niya. Still, I shouldn't come here.

So nabuo na sa isip ko na aalis na lang ako dito bago pa siya dumating.

Kaya tumayo na ako at nang paalis na ako may bigla nalang humarang sa daraanan ko.

"HEP! San ka pupunta?"

Napahinto naman agad ako agad na namilog ang aking mga mata ng mapagsino ko kung sino yung nagsalita.

Si John Jerick...

His wearing blue t-shirt under his red polo, tinernohan niya din ito ng blue jeans at isang pares ng branded na sapatos. It's like he is going into a date.

A date? With whome?

Malamang kay Jharelle. Sino ba ang girlfriend niya dito?

Pero kung ganun? Kung may date sila ngayon... bakit niya ako niyaya ngayong araw na ito?

Teka... naguguluhan ako.

"I said san ka pupunta? Ba't aalis ka kaagad?" tanung uli nito sa akin.

"Ah... Uhmmm... Ano kasi eh, ano ba yung sasabihin mo sa akin?"

Naku! kailangan ko na agad tapusin itong pag uusap na ito. Na aawkwardan kasi ako eh.

Pero sa halip na sagutin nito yung tanong ko. Ngumiti lang ito saka nito hinawakan yung isa kong kamay.

"Tsss. Later ko nalang sasabihin. Sa ngayon samahan mo muna ako." sabi nito saka ako nito hinila palabas ng Donya Abing's Cafe.

"Teka! San ba tayo pupunta?"

"Basta!"

Hanggang sa nakarating kami sa school namin.

"Anung gagawin natin dito?" nagtataka kong tanong sa kanya.

"Edi siyempre, eenjoyin natin ang U week!" masaya nitong sabi. "Tara!"

Saka niya uli ako hinila dun sa mga booth ng school namin. May mga bazaar din kasi dito sa school namin. Parang piyesta nga lang dito eh!

Ako naman ay talagang naguguluhan sa mga ikinikilos ngayon ni JJ.

Alam mo yung pakiramdam na sa sobrang confussion mo ay wala ka nang magawa kundi ang sumunod na lang sa kanya?

At saka anu ba itong ginagawa niya? Bakit niya ba ako kinakaladkad? Hindi ba't my date sila ngayon ni Jharelle?

"TEKA NGA LANG!" malakas kong sabi. Saka ko pinilit na bawiin sa kanya yung kamay ko. Napahinto tuloy kami dito sa gitna ng maraming tao.

"Bakit mo ba ako dinala dito? Akala ko ba may importante kang sasabihin? At saka hindi mo naman ako PA para samahan kita sa kung saan mo gusto!" galit kong sabi sa kanya.

Anung akala niya sa aming dalawa? Close ba kame? Ni hindi nga kame mag kaibigan eh!

Pero sa halip na matakot ito sa akin, ngumiti lang ito.

And That COIN Connect Us...[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon