Entry #15 ----->The Bet-in-Game

43 3 0
                                    

(DAWN's POV)

"Hoy! Shuta kang babae ka! Haliparot! Mang-aagaw! Kaka Imbiyerna ka! Akala ko ba wala kayong relasyon ni Kyle? Pero bakit magkasama kayong dalawa kahapon at kung makakapit ka sa braso niya para kang linta!"

"HOY! Hindi ko gusto ang tabas ng dila mong bakla ka! Ang lakas ng loob mong sugurin ako dito at muramurahin ako! Eh! Ano naman sayo kung magkasama kami ni Kyle? Bakit ano kaba niya? Girlfriend kaba niya?"

"Impakta kang babae ka! Humanda ka sa akin! KYAAAAAAA!"

Pagakyat ko sa hagdan sa department namin may narinig na agad akong nag sisigawan sa corridor. Tapos biglang nag sigawan yung mga nagkukumpulang tao sa di kalayuan. Mukhang may away ah!

"Lojies! Lojies!"

"Tol! Pusta ako dun sa bakla! Mananalo yan! Expert ang mga bakla sa sabunatan! Kaw sino ang manok mo diyan?"

"Tsss! Pusta ako dun sa babae! Mukhang tibo eh! Kaya mas malakas iyan! Iyan ang manok ko"

Ay putcha tong mga batang ito! Gawin ba namang sabungan yung away? Imbis na awatin!

"Ay! Ayan nasa sahig na sila nagsasabunutan!"sigaw nung babae.

Na curious tuloy ako kung sino yung nag aaway. Ang aga aga ito ang bubungad sa akin? Mukhang sa pagkakarinig ko pinag aawayan ata nila si Kyle. Yun talagang babaerong iyon! Pati tibo at bakla pinapatulan!

Palapit na ako nang makita ko si Cenon na lumabas dun mula sa kumpulan ng mga tao at nung makita ako agad itong tumakbo papunta sa akin. Wearing those worried face.

"Madaam! Madali! Nakikipag cat fight si bestfriend mo!"agad nitong balita sa akin. Kaya agad ako nitong hinila at pinilit na sinugod ang kumpulan ng tao papasok dun sa gitna.

Pag pasok namin sa gitna. There. makikita mo ang dalawang taong nagsasabunutan nagtatadyakan at naguumpugan sa sahig.

"Angelie!"sigaw ko tas sabay sugod dun sa dalawa para awatin.

Pero...

*PAK

Nasipa lang ako. Tumalsik tuloy ako kaya agad akong tinulungan ni Cenon na makatayo. "Madaam! Ayos kalang? Ako din naganyan eh!"

So bakit di niya ako pinigilan?

Tinignan ko yung mga tao sa paligid lahat sila tuwang tuwa sa nag aaway. Parang isang kakaibang palabas na ngayon lang nila nakita kaya hyper na hyper yung sigaw nila.

Grabe naman itong mga ito! Wala bang gustong umawat sa mga ito?

"WHAT IS HAPPENING HERE?!"

Halos dumagundong ang boses na iyon sa buong department namin.

At parang my isip ang mga studyanteng nakiki usi. na bigyang daan ang sumigaw.

Ang DEAN!

At kasama nito ang dalawang prof. at maauthoridad silang naglakad papunta dun sa dalawang nag sasabunutan na ngayon ay nagfreeze sa sobrang pagkabigla. Taray nga eh! Taas pa ang kilay niya!

"Both of you! Up!"malakas na utos nung DEAN pagkalapit dun sa dalawa.

Para namang mga batang sumunod ang mga ito. Agad silang naghiwaly at tumayo saka ito humarap sa dean.

Hindi sila makapag salita. Halatang hiyang hiya sila sa mga inasal nila.

"Come to my office!" ma authoridad na utos ng dean. Saka ito tumalikod.

And That COIN Connect Us...[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon