Entry #40-----> The Intuition

37 1 1
                                    

(Hellow po! Kaway naman sa mga Silent Reader Ko! Wooooh yeah! Ang layo na pala nang narating nang story ko! Gusto ko po kayong pasalamatan sa mga taong patuloy na sumusubaybay sa LIMANG PISONG MADUMI! Hahahahaha! XD Anyway, keep reading lang po!)

(JOAN's POV)

 Inayos ko yung salamin ko sa mata.

Almost 1:30pm na at wala pa akong nakikitang racer na nadating. Sabagay, medyo nasa kalagitnaan pa naman ang ruta ko kaya talagang matatagalan pa yung paghahantay namin.

Muli ko na namang inayos yung salamin ko sa mata, saka ko muling sinulyapan yung mga kalaban ko. Mataman ko uli silang inaalisa.

Hanggang sa madako na naman ang paningin ko sa isang tao na sa tuwing nakikita ko ay parang bumibigat yung pakiramdam ko.

Si Xayide...

Tahimik lang itong nagbabasa ng libro sa isang upuan na nasa tindahan. Parang may sariling mundo ito dun.

Tila wala itong pakialam sa mga nangyayari sa paligid, ganito ba talaga ang mga nerd? Masiyado niyang dinidibdib. =_=

Pero nabigla ako nang tumingin ito sa akin, hindi ko magawang iiwas yung tingin ko kasi baka isipin pa niya inirapan ko siya.

Ngunit base sa reaction nang mukha niya ay parang hindi ito nagulat na tinitignan ko siya, parang na aamaze pa ito. 

Saka ito ngumiti nang may kahulugan.

Nagsalubong naman yung kilay ko dahil sa ginawa niyang yun... anung ibig sabihin nang pagngiti niyang yun?

"Hey! You okay?"

Bigla akong napapitlag nang maramdaman ko ang kung sinong bahagyang yumugyog sa balikat ko.

Si Joshua lang pala.

"Ah! 'kaw pala Josh. Oo ayus lang ako." sagot ko sa kanya. Pero muli akong sumulyap sa kinalalagyan ni Xayide ngunit muli na naman itong nagbabasa ng libro.

"You seem bother... What is it?" narinig kong tanong sa akin ni Joshua.

Muli akong tumingin sa kanya, ay teka! Bakit ba ako kinakausap nito? Di ba kalaban namin siya? Tapos kung kausapin niya ako parang close kami?

"Yeah right! Eh ano naman sayo kung may na bother sa akin? It has nothing to do with you, anyway!" sabi ko sa kanya.

Hindi naman sa nagmamataray ako, kaya lang hindi ako sanay na kinakausap ako nitong Joshua na ito.

Sabi sa akin ni Dawn wala daw magandang lumalabas sa bibig nang halimaw na ito. He is just like a Dragon that can spit fire anytime to burn everybody!

"Yeah! I know! It's just that... parang ikaw lang yung 'matinong" pwede kong makausap." sabi nito.

Tumaas naman yung kilay ko sa sinabi niya sabay nag crossarm ako.

"Wow! The most coldess and snobber person that I've ever known, nag hahahanap nang kausap? That's new!" buong sarcastic kong sabi.

"Hahahaha!" tawa niya sabay iiling iling pa. "I know! And I also know that it was wiered for me to act like this. But there is something I want to tell you, and base on what I see you? We have same intuition on the same person."

Na we-wierduhan ko siyang tinignan.

"What do you mean?"

Pagkatanong ko nun bahagya itong tumingin sa direksiyon ni Xayide. Ginaya ko naman siya, bahagya din akong tumingin sa direksiyon ni Xayide.

"I have a bad feeling to that woman. I just... I don't know, but my guts keep telling me to stay away from her." 

Talaga? May nararamdaman din siyang ganun kay Xayide? Hmmmm... bakit ba feeling ko ang sama ko? Parang kasing binbigyan ko nang maling impression yung tao. Malay niyo ganyan talaga siya.

And That COIN Connect Us...[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon