Entry #30----->The Most Violent Changes

52 2 0
                                    

(DAWN’s POV)

Second Day na nang University Week ng School namin!

It means Sports Fest day na! Isa rin ito sa mga nakaka excite na araw ngayong U week.

Napaka raming activities ang magaganap sa araw na ito. Basketball, Volleyball at maging ang mga indoors game tulad ng mga boardgames.

At ang nakakatuwa pa nito ay may mga members akong talagang matatapang na nakilahok sa ilan sa mga activities na ito.

Gusto ko silang suportahan sa mga napili nilang salihan, gusto kong iparamdam sa kanila ang suporta ko sa kanila kaya lang….

Kaya lang…

Parang kasing wala akong gana ngayong pumunta ng school, natatakot kasi akong Makita doon si Joshua. At hindi ko alam ang magiging kilos ko pag nagkita kami.

Pilit ko na ngang kinakalimutan yung nangyari sa amin kahapon sa tingin ko nga mababaliw na ‘din ako sa kakaisip ng ibang bagay para lang makaiwas sa tanawing iyun. Sana lang may matalinong scientist na makaimbento ng Amnesiainator para sa mga katulad ko na gustong makalimot.

Haaay! Kaya eto ako… tirik na tirik na ang araw pero nakahilata parin sa kama nakatulala sa dingding na para bang wala talagang balak na gumalw o kumilos man laang.

Alam niyo yung feeling na gusto mong pumasok na ayaw mo? Ang gulo no? Ganyang kagulo ngayon ang pag iisip ko.

Narinig kong tumutunog yung cellphone ko, ibig sabihin may natawag mula duon. Malamang sila Alyssa itong tumatawag sa akin itatanong siguro nila kung may balak ba akong pumunta ng school.

Kaya tamad na tamad kong kinuha yung cellphone ko sa aking tagiliran.

Hindi ko na pinagkaabalahan pang tignan kung kaninong number yung natawag, kasi nga malamang sila Alyssa nga yung natawag at saka diba nga tinatamad ako.

“Ellow?” walang gana kong sagot.

Ilang Segundo kong hinintay na may sumagot sa kabilang linya.

Ang tagal namang sumagot nito? Anu? Nahihiya lang?

Bubulyawan ko na sana nang sawakas ay sumagot nadin ang tao sa kabilang linya.

“Uhmm… Hello Dawn? It’s me Josh. I aaa… I’m outside of your house. Can you go outside? Please? I need to talk to you.”

Bigla akong napabangon sa kinahihigaan kong kama.

WHAT?! Jusmiyo! Nasalabas lang ng bahay ko? Yung taong gusto kong iwasan ngayong araw? Ay nasa labas ng bahay ko?

Teka anung gagawin ko? Haharapin ko ba siya o paalisin ko?

Pero binaba na niya yung phone!

Eh kung hindi ko nalang kaya labasin? Aalis naman agad yun eh pag hindi ako lumabas? Tama! Maikli lang naman pasensiya nun! Bayaan ko nalang siya dun!

*tok tok tok!

Biglang may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

“Anak! Gab? Gising ka naba? Gumising ka na diyan! Nandito si Joshua sa baba, inaantay ka! Pinapasok ko na at mainit sa labas.” Narinig kong sabi ni papa.

“OH MAY GOD!” bulalas ko.

Hanubayan! Nakakainis si papa Bakit niya pinapasok?

Grrrrr! Panu ko na ngayon matatakasan ang lalaking ito?

Letter A: Tumakas gamit ang bintana?

Nyek! Ayaw! Takot ako sa heights! Masiyadong mataas yung kinalalagyan ng kwarto ko!

And That COIN Connect Us...[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon