Entry #56----->The Date?

27 1 0
                                    

CENON's POV

Siguro nagtataka din kayo kung bakit naitanong sa akin ni Dawn kung bakit hindi kami nagpapansinan ni yabang no?

Wala lang naman.

Hindi ko lang siya feel kausapin. Bakit ba? Chos!

Joke lang no!

Siya naman itong may kasalanan eh! Naiinis na kasi ako sa kanya! Hindi kasi lahat nang biro niya nakakatuwa!

Kung minsan kasi may limitasiyon din ang pasensiya ko sa kanya.

Mas mapapaaga pa ata ang pag punta ko sa heaven dahil sa hayup nayun eh!

Hanggang ngayon nangingilabot padin yung katawan ko dahil sa ginawa niya.

Hinding hindi ko siya mapapatawad!

Oo nirape niya ako! Pinagsamantalahan niya ang pagkababae ko! Winarak niya ang... ang... ang kinabukasan ko! Huhuhuhu!

Charing lang!

Siyempre hindi yun noh!

Panu ba naman kasi hinagisan niya ako nang bulati. Takot pa.man din ako dun kaya ayun nang pumasok yun sa blouse ko saka sumuot sa loob nang bra ko halos himatayin na ako sa sobrang takot ko.

Umiyak kaya ako nang sobra nun. Kapag ganung mga sitwasiyon pa man din agad na darating yung kuya---este si Ate para patahanin ako.

Kaya lang wala na siya kaya wala nang magpapatahan sa akin.

First time ko uli ma miss yung kapatid ko. First time kong hanap hanapin siya kaya nga nung nag walk out ako nag kulong ako sa kwarto ko saka ko inalala yung mga moment namin nung kapatid kong yun.

Tapos yung walangyang mayabang nayun hindi man lang nag sorry sa akin.

Kaya mag mula nung araw nayun hindi ko na siya pinansin. Kapag nagkakasalubong kami dito sa bahay iniisip kong hindi ko siya nakikita.

Bahala na siya sa buhay niya! Kiber ko sa kanya!

Sabagay okay na din ito. Nakakapagod din namang makipag espadahan nang salita sa mayabang nayun.

Kakain nalang ako!

Nasa kusina kasi ako para gumawa nang midnight snack ko.

Dahil sabado bukas at wala kaming pasok mag pupuyat nalang ako. Mag momovie marathon ako. Hehehe.

Pero biglang napunit yung pagbubunyi ko nang dumaan si yabang sa likod ko.

Tinignan ko siya at nakatingin din siya sa akin.

Hmmm! Yummy naman nito ni yabang! Naka boxer siyang kulay navy blue at hapit na hapit yun sa katawan niya kaya kita tuloy yung umbok niyang pwet. Tas naka sando lang siya at fit din yun sa katawan niya. Kitang kita tuloy yung mga banat niyang muscle.

Pero wala akong pakialam sa ganda nang katawan niya ngayon. Kiber? Naaalibadbaran ako sa kanya.

Kaya mabilis ko siyang inirapan.

Saka ko pinagpatuloy yung ginagawa ko.

Nagluluto kasi ako nang pancit canton. Hehehe. Sarap kaya nito.

Naramdaman ko ang paglapit nito sa kinaroroonan ko.

Tumabi ito sa akin saka nito binuksan yung lalagyanan nang mga baso.

Baka iinom lang siya.

Ay! Ano bang pakialam ko kung anong gagawin niya. Bahala siya sa buhay niya.

Habang hinahalo ko yung pancit canton ay ramdam ko ang panaka naka nitong pagsulyap sa akin.

Mula sa pagkuha niya ng baso hanggang pagpunta nito sa refrigerator, sa pagsalin nito nang tubig hanggang sa paglagok niya nang tubig panay padin ang pagtingin tingin niya sa akin.

And That COIN Connect Us...[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon