Entry #63-----> The Basketball

34 1 0
                                    

DAWN's POV

Hindi ako mapakali ngayong umagang ito.

Hanggang ngayon na bobother padin ako sa kung anong nangyari kay Cenon kahapon.

Tapos dumagdag pa itong darating na CAS week.

Napili kasi ang GG club para magperform sa last day nang CAS week.

At kailangang bawat isa sa amin ay mag present nang kahit ano.

At two weeks nalang before CAS week. Kaya kailangan ko na itong masabi sa kanila.

Maya maya pa ay nakita ko si Joan at Cenon na naglalakad sa hallway.

Tahimik lang silang naglalakad kaya mabilis ko silang nilapitan.

"Uy! Cenon! Joan!" tawag ko sa kanila. Kaagad naman silang lumingon sa akin. "Anong nangyari kahapon? Ayos ka na ba?" mabilis kong tanong kay Cenon.

Ngumiti naman ito. "Oo naman! Keribels lang! Na shock lang ako kahapon kaya hindi kinaya nang braincells ko, kaya ayun nag inarte. Pero madam okay na akis!" sabi naman nito.

I felt relief nang sinabi niya yun. Buti naman akala ko kung ano nang nangyari sa kanya.

Kaya sumabay na ako sa kanilang maglakad papuntang classroom.

Sa ngayon isa nalang ang kailangan kong gawin. Ang sabihin sa kanila ang tungkol sa magaganap sa CAS week.

--------------

Habang nag didiscuss si Miss Perry ay bigla nalamang kaming nabulabog nang isang malakas na ingay na nagmumula sa kanyang cellphone.

Mukhang nakalimutan na namang isilent ni Miss Perry yung phone niya.

Nang lapitan ito ni Miss Perry para patayin ay tila ba bigla itong natigilan.

May kung anong nakita ito sa kanyang phone na ikinatigil niya.

Maya maya pa ay nagbago ang ekspresiyon nang mukha nito. Tila bigla itong nagalit.

"That jerk! Talaga bang hindi niya ako titigilan?" sabi niya saka ito nagmamadaling lumabas nang classroom.

Kaya itong chissmosang si Rancee ay biglang nilapitan yung cellphone na nasa desk.

At tila maging ito ay nagulantang sa nakita.

"Guys! Look oh!" saka niya ipinakita yung picture na nasa screen nang cellphone.

Lahat kami ay napasinghap sa nakita namin.

Tumambad kasi sa amin yung picture na magkasama sila Miss Perry at Sir Timothy. They look madly in love in that picture. Ang sweet sweet nilang tignan. Pero parang mas bata bata pa sila sa kuhang iyun.

May nakakaptiyon pa ngang.

"I will win you back."

Teka? May nakaraan ba silang dalawa?

"Guys! Tignan niyo oh! Mukhang aawayin ni Miss Perry si Sir Timothy!" sigaw ni Sierra na nakatingin sa labas nang bintana.

Kaya lahat kami ay napatingin din sa bintana.

Naabutan kong parang nagtatalo yung dalawa sa baba. Kitang kita namin kung paano awayin ni Miss Perry si Sir Timothy.

Well hindi namin marinig yung sinasabi ni Miss Perry kasi nasa third floor kami tas sila nasa quadrangle.

Maya maya pa ay biglang nagtilian yung mga classmate ko sa mantalang ako ay automatikong nanlaki ang mga mata dahil sa biglang ginawa ni Sir Timothy.

And That COIN Connect Us...[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon