Entry #10 ---->The Acquatance Party (part 2)

52 3 0
                                    

[A/N: Eto padin po yung time na nakanta pa si Aleng ng I'd Rather]

(JOHN's POV)

Kaming dalawa nalang ni JJ ang naiwan dito sa table namin, at kanina pa kami tinitignan ng mga babae. Hinihintay siguro ng mga ito na yayain namin silang isayaw, pero wala ako sa mood magsayaw ngayon. Nababadtrip kasi ako eh! 

Iwanan ba namn kami ng gagong iyon dito! Tssss! Tumayo ako sa upuan ko at nagpaalam kay JJ na ngayon ay sinunggaban na ng isang babae, para kumuha saglit ng maiinom dun sa counter.

Nung nasa counter na ako, umorder ako duon ng red wine. Nang biglang may lumapit sa akin,  "Hoy! Yabang andito kalang pala! Tara sayaw tayo!" muntikan ko nang maibuga yung iniinom kong wine sa sobrang pagka bigla.

Agad ko itong hinarap"P*tcha! Anu ba! Muntikan ko nang maibuga yung iniinom ko ah!" asik ko sa nangbigla sa akin. Sino ba ito? Naka mask kasi siya eh!

"Oy! Bawal kang mgalit sa akin! Baka nakakalimutan mo yung deal natin!" sabi nito mukhang kilala kona kung sino ito si Bakla!

Agad naman akong huminahon. Bwisit! Nakita pa ako nito! Ngayon kailngan kong magbait  baitan sa baklang to! Bumalik uli ako sa pag inom ko dun sa red wine "I'm not in the mood to dance." sabi ko. There's no way na makikipag sayaw ako sa baklang ito at ganton pa ang tugtog baka kung ano pa ang isipin ng iba.

"Eeeh! Sige na! Saglit lang naman eh! Sige ka, haharapin mo yung magiging parusa mo!" pananakot niya sa akin. 

T*ngina napaka kulit nitong baklang ito eh! Nung isa pang gabi ako nagtitimpi dito eh! kung hindi lang talaga nito nalaman yung kinatatakutan kong bagay eh!

Kaya eto wala akong nagawa, nagpatianod ako sa kanya hanggang sa dance floor. Inilagay niya yung kamay ko dun sa bewang niya at tsaka niya ipinulupot yung kmay niya dun sa batok ko. T*ngina wala! Nakakailang naman! Sana walang nakakakita sa akin, malaking pasalamat ko nalang at naka mask ako.

Nandidiri ko siyang tinignan, nakatingin lang ito sa akin. Shit! Sana hindi uli ako mapagsamantalahan nitong baklang ito.

Kaya sa iba ko nalang ibinaling yung attention ko.

"Uy! Sorry na! Binibiro ka lang naman eh!" sabi nung biglang dumaan sa tabi namin, si Frank ito ah! At may sinusundan itong babae.

"Layuan mo nga akong manyak ka!" sigaw nung babae kay Frank. Mukhang may naharass itong si cuttie boy ah!

"Naiilang kaba sa akin?" biglang nagsalita si bakla. 

"Obviuos ba?" sabi ko sa mababang tono pero may galit.

Nag sigh ito. At nagulat ako ng bigla siyang kumalas sa akin. "Sorry ah! Hindi kita dapat pinilit, heto na kasi ang huling Acquatance party natin at hindi ko pa naranasang maisayaw. Sige kalimutan muna yung deal natin, pero wag kang mag alala hinding hindi kona gagamitin sayo ang weakness mo!" sabi niya saka ito tumalikod.

Parang nalungkot ako dun sa sinabi niya at lahat ng kabadtripan ko sa kanya ay biglang nawala. So wala pa pala itong first dance. P*tcha! Bakit ba nakakaramdam ako ng guilt?

Kaya walang kaano ano'y hinawakan ko agad yung kamay niya at hindi ko alam ang pumasok sa isip ko at hinila ko siya papunta sa akin at agad kong isinabit ang kamay niya sa aking batok at inilgay ko ang aking mga kamay sa kanyang bewang.  

Gulat na gulat ito sa ginawa ko. "N-Naumpisahan na natin eh, kaya ipagpatuloy na natin  ˺-˺ " I said without looking at her.

Yumuko ito. "Yabang salamat ah! *sob"

And That COIN Connect Us...[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon