Entry #68----->The After Shock

4 0 0
                                    

DAWN's POV

"Hoy Dawn!"

"Bakit?"

"Waaaaaaah!!! Zombie!" Tili agad ni Aleng nang humarap ako sa kanya.

"Honey pie! Bakit ka sumisi--- Waaaaaaah!!! Halimaw!!" Biglang reak din ni JJ nang makita niya ako.

Parehas PA sila nang hitsura.

Pero ako parang wala lang kasi wala talaga ako sa mood ngayon... Wala akong gana sa lahat parang nanghihina akong gumawa o kumilos.

Kasi hanggang ngayon hindi PA din mawala sa isip ko yung pagtatapat sa akin Kurimaw ng feelings niya.

At hanggang ngayon tinatanong ko PA din yung sarili ko kung bakit ako tumakbo.

Bakit nga ba ako tumakbo?

"Baby tart? Bakit ganyan ang itsura ni Dawn?" Tanong ni JJ.

"Hindi ko alam Choco cake. Baka natalo Na naman ni Joshua."

Biglang nagpantig yung tenga ko nang marinig ko ang pangalan ng Kurimaw Na yun.

Agad Kong tinignan yung dalawa. "Anong sabi mo?"

Agad namang natakot yung dalawa sa Akin.

"W-WALA PO MAAM!" Sabay PA nilang bigkas.

"B-Baby pie dapat Hindi mo Na sinabi yun." Sabi ni JJ Kay Aleng.

"Babe buttercup Hindi ko naman sinasadyang eh." Tila naiiyak Na sabi ni Aleng.

"Dawn? Anu Na naman yan at nanakot ka Na naman?" Biglang sulpot ni Kuku sa tabi ko.

Tila maging ito ay nagulat sa itsura ko kasi napaatras PA Ito at nanlaki PA ang Mata.

"Hoy Dawn Gabriel Florence! Anong nangyayari sayu? Naka shabu ka ba? Mukhang High Na high ka diyan ah!" Sabi sa akin ni Kuku.

Wala sa loob Kong muling ibinalik ang attention ko sa aking ginagawa. Na Hindi ko naman alam kung ano ba itong ginagawa ko basta pinupunit ko lang yung mga diyaryong ito.

"Wala lang Ito... Sige lang wag niyo nalang akong pansinin." Walang gana Kong sabi sa kanila.

"Dawn? Yung totoo? Anong problema? May nangyari ba sa inyo ni Sunny kahapon? OMG! Don't tell me... Na... Nareject ka?" Agad Na sabi Kuku.

"Hindi no! Hindi PA nga ako nagtatapat sa kanya eh." Sabi ko Na Hindi inaalis ang attention ko dun sa diyaryo.

"Oh? Eh ano bang nangyari at napakatamlay mo ngayon?" Giit PA din ni Kuku.

Napabuntong hininga muna ako. "Si Kurimaw kasi eh." Bigla Kong nasabi.

Agad akong napahinto sa sinabi Kong yun.

"Si Joshua?" Nagtatakang tanong ni Kuku. "Teka? Anong ginawa ni Joshua?"

Agad akong napatingin sa kanya, saka ko din tinignan yung dalawang magjowa Na nakikinig din sa amin.

Jusme!!! Bakit ko nasabi yun??? Hindi dapat nila malaman yun Na yung Kurimaw nayun ang dahilan nang pagkakaganito ko.

Agad Kong ibinalik Kay Kuku ang tingin ko. "Ah! Wala. Wala. Wag niyo nalang pansinin yung sinabi ko." Palusot ko sa kanila.

"Ah guys iwan niyo nga muna kami ni Dawn. Please?" Biglang sabi ni Kuku sa mga taong nandito sa kwarto. Lahat naman ay sumunod.

Maya Maya PA ay kami nalang dalawa ni Kuku ang nandito.

"So... Do you mind if you tell me what Joshua did to you?" Sabi niya sa akin.

Agad kong itinigil yung pagkalikot ko dun sa diyaryo. Para akong nakaramdam ng panghihina.

And That COIN Connect Us...[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon