Entry #27-----> The Psych Lab

41 2 0
                                    

(ALYSSA's POV)

Ala una na pero hindi padin namin nakikita si Dawn. Nag simula akong maghanap sa fourth floor pababa sa thirdfloor. Nang hindi ko makita sa fourthfloor si Dawn ay bumababa na ako sa thirdfloor sa department namin.

Pagbaba ko nang hagdan sakto namang nakita ko si Louie na naakyat mula sa secondfloor papunta dito sa thirdfloor.

"Any luck?" tanung nito sa akin. Nung magkalapit kaming dalawa.

"No! Wala siya sa Fourthfloor, pero hindi ko pa nechecheck itong thirdfloor. Ikaw? Wala kabang nakitang clue sa baba?" kasi mukha namang hindi nito nakita si Dawn sa baba, kaya baka lang may nalaman siyang may nakakita dito.

"I didn't find her, but I heared that someone saw her the she is go up in this floor." sabi nito sa akin.

So means baka nga nandito lang si Dawn sa thirdfloor! Kaya agad na kaming naglakad sa hallway nitong department namin at inisa isa naming buksan ang bawat room.

Nang hindi ko sinasadyang makakita nang dalawang taong naghahalikan pagbukas ko sa pangatlong pinto sa loob nang kwartong iyun.

"Ay sorry!" bulalas ko. Nu bayan! Dito pa nag tutukaan ang dalawang ito! Walang bang pang pulang building ang mga ito? Poor!

"Alyssa!" isasara ko na sana yung pinto nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyun na tumawag sa aking panglan.

Agad naman akong lumingon duon na sana ay hindi ko na ginawa. Dahil nakita ko si JJ, kasama niya si Jharele, and they were about to kiss! No! They were kissing before I open the door, at natigil lang iyun nang bigla akong umentrada.

Parang may kumikirot sa aking puso sa nakikita ko, sa isang iglap parang hindi kona maramdaman ang mga paa ko at napako nalang ako dito sa kinatatayuan ko. Hindi ko inaaahan ito ah! Bumalik na pala ang girlfriend niya?

"Alyssa! What are you doing here? Nakita muna ba siya dito?" lumapit bigla sa akin si Louie at napatigil din ito nang sumilip siya sa loob nang room.

"Kuya?" mabilis akong napatingin kay Louie.

Kuya? Kuya niya si JJ? No wonder kung bakit magkahawig silang dalawa. tapos saka ko binalik ang nagtataka ko nang tingin kay JJ.

Tahimik lang na nakamasid si Jharele. Samantalang si JJ naman ay biglang mabilis na naglakad papunta sa amin, at bigla nitong hinawakan ang aking kamay saka niya ako hinila palabas nangkwartong iyun, palayo kay Louie.

Pilit kong ikinakawala ang aking kamay sa kanya, pero mahigpit ang pagkakahawak niya duon. nang bigla kong naramdamang may humawak sa isa kong pang kamay bigla ako nitong hinila. Ang sakit na tuloy nang mga braso ko!

Napatigil naman sa paglalkad si JJ, at agad na humarap sa kung sinu man ang humihila sa kabila kong kamay.

"Kuya, let go of her! Nasasaktan siya!" narinig kong sabi ni Louie, matigas ang boses niya at halatang pinipigilan nitong magalit.

"No! You let go! Akala mo ba hindi ko alam ang mga binabalak mo? Panu ka nakarating dito nang hindi alam nina mama at papa?!" baling naman dito ni JJ.

Nagtatagisan sila nang tingin samantalang ako naman ay ayaw pa nilang pakawalan, nasasaktan na ang mga kamay ko ah! Grabe! Maglaro ba naman nang tag of war ang dalawang ito.

"Kuya nagbago na ako! I've learn my lesson! Kaya nga ako nagpunta dito para ipakita sa iyo na sencere ako sa paghingi nang tawad sa iyo Kuya! At para sabihin ko din saiyo ang tatoong nagyayari dito! Lahat nang ito ay kagagawan ni Jharele! She's being tricked us from the start! Kuya maniwala ka sa akin! Nagsasabi ako nang totoo!" pag amin dito ni Louie.

And That COIN Connect Us...[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon