Entry #6 -----> The Eye Glasses

66 3 0
                                    

(JOAN's POV)

Limang araw na kaming nag dedesign sa GYM, dahil bukas dapat tapos na ito para makapag pahinga na kame.

Buti nalang may mga nagvolunteer na mga studyante para tumulong sa amin kaya malaki na ang naimprove ng GYM at karamihan dito ay puro babae. Na obvious namang may ulterior motive na makita ang mga member ng SJ Club.

"Hihihi! Ang gagwapo nila noh! Lalong lalo na si Kyle! Grave nakaka laglag tipan siya!" impit na tili ng isang babae sa di kalayuan.

"No! Mas gwapo si John! Nakita ko na nga ang abs niyan eh!" mukhang manyak pa ata itong babaeng ito.

"Hindi kaya! Mas gwapo si Kristof! Kahit Snob siya! Gwapo pa din siya!" di namang papaawat na sabi ng isa pa.

"Mga Gaga! Si Joshua ang tunay na description ng kagwapuhan!" singit pa nang isa na parang pinasabog ang nguso sa sobrang pula ng labi.

"Sus! Wala yang mga gwapong iyan sa cute kong si JJ! Dinalhan ko kaya siya ng lunch kanina and gues what he thank me with his adorable eyes!" Parang nangangarap pang sabi ng isa.

"Hay naku! mga girls! kung Cute lang ang pag uusapan talo ang mga iyan kay Frank!" sabi pa ng kadarating lang na babae na puro stripe ang damit. tssss!

Ayaw ko na ngang makinig sa mga ito! Kaya sa iba ko naman ibinaling ang aking pandinig.

"Hoy! Bakla! (A/N: Maangas po yung pagsabi niyan ni John!) Anong sinasabi mong pangit ng pagkakadesign ko dito sa stage? Ang astig kaya! Bagay na bagay sa theme natin!" narinig kong sigaw ni John.

"Hoy! Yabang! Binibigyan lang naman kita ng ideas ko! Napaka chaka kasi ng pagkakalagay mo diyan sa tarpoulin! Hindi pa pantay!" depensa naman ni Cenon.

"Hoy! Bakla! Sino ang sinasabihan mong yabang?" galit na sabi ni John.

"Hoy! Yabang! Sino ang sinasabihan mong bakla?" siyempre di din papatalo tong si Cenon.

Tsssss! Wala akong panahong makinig sa bangayan ng mga ito! Halos araw araw naman silang ganyan! 

"Hoy! JJ! Tumulong ka naman sa amin! Kain ka ng kain diyan eh!" si Aleng yan ah! Sa kanila ko naman ibinaling ang aking pandinig.

"Eh nagugutom na ako eh! Saka kanina pa ako gawa ng gawa!" sabi naman ni JJ sabay subo dun sa cupnoodles.

"Yeah! Napagod ka sa pagbubuhat sa karton na iyon  na ang laman lamang ay mga colored papers!" sermon ni Aleng kay JJ.

"At least may ginawa! Eh Ikaw? Kanta ka lang ng kanta diyan! Ang pangit naman ng boses mo!" sagot naman dito ni JJ.

"Hoy! Anong sinasabi mong pangit ang boses ko? Kaya nga isa ako sa mga kakanta dahil maganda ng aking boses!" depensa naman ni Aleng.

"Ewan ko sa iyo! Basta ako kakain!" sabi nalang ni JJ sabay subo uli dun sa cupnoodles niya.

"Hmp! Bahala ka nga diyan!" Pagsuko nalang ni Aleng sabay walkout.

Haaay! Same din sila... =_________=

"OH MY GOSH! HOY LALAKE! BAKIT MO HINIGAAN YANG PINAGHIRAPAN KONG DRAWING!" O_____O Grabe halos matanggal ang mga tutuli ko sa tenga ng marinig ko ang sigaw ni Mae anne.

Nagising si Kristof at pupungas pungas pa itong tumayo mula sa pagkakahiga sa isang cartolinang puti na may drawing. "Tsss! Ang ingay mo!" sabi nito tapos naglakad na ito palayo habang hinihimas nito ang kanyang tainga.

And That COIN Connect Us...[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon