Entry #22----->The Necklace

56 4 0
                                    

(ALYSSA's POV)

Nandito ako ngayon sa Donya Abing's Cafe, malapit sa school namin, bagong bukas lang ito nung isang buwan.

At dahil nga sa malapit ito sa Pamantasan karamihang customer dito ay puro estudyante.

At isa na ako dun.

Mamaya maya pa ang practice namin sa cheerdance kaya magpapalipas muna ako nang oras dito.

Umorder ako nang  choco-coffee shake. Isa lang yung coffee shake na may choco tidbits. Para magising at ganahan ako mamaya sa practice hanggang mamayang gabi na naman kasi ito.

Pumwesto ako dito malapit sa glass window nang cafe para makita ko yung mga nangyayari sa labas.

Nang mapansin ko ang isang pamilyar na mukha na tahimik na nalamon sa isang sulok.

Tsss! Si PG!

Napaka patay gutom talaga! Tignan mo to napakaraming inorder na pagkain akala mo mauubusan nang pagkain!

Nevermind ko na nga lang siya! Kakal kalin ko na lang ang bag ko kesa tignan ang PG na yan.

Habang kinakalkal ko ang aking bag napansin ko ang isang secrete pouch sa loob nito. Ano ba uli laman nito? Kaya binuksan ko yun at agad na kinapa yung laman nun.

Isang malamig at matigas na parang bakal ang aking naramdaman.

Agad kong hinugot yun. Isang Necklace!

Teka! Ang necklace na ito ay...

Ito yung necklace na pinersonalize ni JJ ah! Nung kame pa!. Pair necklace ito isang fork at isang spoon.

Sakin yung fork sa kanya yung spoon.

Agad kong sinulyapan si JJ. Mataman na tong nakatingin sa akin at dun sa hawak kong kwintas. Tapos may kung ano itong nilabas sa kanyang kwelyo ng kanyang damit.

At mula duon inilabas niya yung kapares nitong fork necklace ko. Duon ko lang nalaman na hanggang ngayon tinatago at suot suot padin niya iyon.

And then suddenly naalala ko yung mga panahong kami pa at kung paano kami nagkakilala.

...flash back

It's been a years since all of that happened.

Enrollan nun sa Pamantasan at nakapila ako sa registrar para magbayad.

"Uhmm... Miss? Ito ba ang pila sa registrar?" isang lalaki ang biglang kumulbit sa akin mula sa likuran ko.

Nung mga panahon na yon medyo payat pa si JJ.

Ang gwapo naman nito! Ang cute cute pa niya! Iyan agad ang interpretation ko sa kanya.

"Uhmm. Oo." sagot ko sa kanya.

Ngumiti ito sa akin bago ako tumalikod sa kanya.

"Aah! Salamat po!" narinig kong sabi niya sa akin.

Eeeeh! (>////<)

Kinikilig na ako sa kanya nung mga panahong iyon kasi piling ko tinitignan niya din ako mula sa likod ko.

Ang akala ko yun na yung huling pagkikita namin.

pero... 

Yun lang ang akala ko....

Dahil Iisang course lang pala ang kinuha namin at kung sinuswerte ka nga naman eh classmate ko pa siya!

Piling ko ako na ang pinaka masayang babae nun. Kase crush na crush ko na siya nun. Diba ganun naman tayo? Masaya tayo pag lagi nating nakikita si crush? Palaging may motivation sa pag pasok sa school.

And That COIN Connect Us...[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon