Entry #20----->The Farewell, Shiboli Type

47 3 0
                                    

(DAWN's POV)

Natapos na yung kidnappan at nahuli na yung mga gangster, salamat talaga sa Batang Gangster na iyon kung hindi dahil sakanya baka napahamak na kami.

Hindi namin sinabi sa mga pulis ang tungkol sa kanya, basta sinabi nalang namin na may mysterious guy na biglang tumulong sa amin at pinag bubugbog yung mga gangster na iyan.

"Babes! Buti naman at ayos kalang! Alalang alala talaga ako na baka may mangyari sa inyo!" narinig ko ang boses ni Kyle sa di kalayuan.

Agad akong tumingin duon at nakita kong agad itong sinuntok nang marahan ni Angely. "Ikaw kasi eh! Napaka babaero mo! Pati mga kamag anak ng gangster pinatulan mo!"

"Sorry na Babes! Kaya nga nagbabagong buhay na eh!" dipensa naman ni Kyle.

"So, Their already in a relationship huh?!" biglang may nagsalita sa likod ko. Na siya namang lalong nagpagalit sa nararamdaman ko.

"Stop talking to me, Joshua!" sabi ko, nang hindi siya nililingon. Baka kasi kung ano ang magawa ko sa kanya.

"What are your being upset about?  Aren't you happy na masaya nadin ang bestfriend mo?" hindi nito pinansin yung sinabi ko, dahil patuloy padin itong nagsalita.

Inis ko siyang hinarap."Are you Deaf? Akala ko ba matalino ka? Pero bakit hindi mo maintindihan ang sitwasyong ito? Si Angely ay memeber ko! Si Kyle ay member mo! At ang ang ating club ay magkaaway! At magkaaway din tayong dalawa! Hindi mo ba nagegets ang point ko?" pagpapaintindi ko sa kanya. Saka ko marahang dinuri duro yung gilid nang dibdib niya gamit yung hintuturo ko.

"I get your point! Pero wala tayong magagawa! Hindi naman natin pwedeng hadlangan yung nararamdaman nilang dalawa! Ano?! Magpapaka contrabida tayong dalawa sa relationship nila? How can you so mean to stop that beautiful happiness? Besides, sa una palang they have nothing to do with our fight! Tayo mismo ang nag involve sa kanila dito! Kaya wag kang maging selfish Dawn!" galit nadin ang ekspresiyon nito. Pero wala akong pake!

"So sinasabi mo din ba na hayaan kolang mainlove ang mga member ko sa mga member mo? At ano? Ano pa ang rason nila para mag stay sa Club ko? Alam mo at alam ko na hater ang GG Club ko pagdating sa SJ Club mo! So in the end, aalis sila hanggang sa mawalan na akong nang member! Tapos ano? Isusuko ko nalang sa iyo itong coin na ito at magpapakasal na lang ako sa  rude, egoistic, chauvinist heartsless guy na kutulad mo? I'm sorry pero hindi pa ako baliw para hayaang mangyari iyon!" this guy was so predictable!

Akala niya ba na hindi ko magegets ang pinaplano niya? Hindi pa ako hibang para isuko ang lahat lahat sa kanya!

"GOD! Dawn! You're the one who's missing the point here! You were thingking too much! So what?!  Your gonna end up your friendship just because of that coin? That's bullsh*t!" para akong binuhusan nang malamig na tubig dahil sa sinabi niyang iyon. Tama siya naisip kona dati iyon, handa ko bang ipagpalit ang freindship namin nang dahildito sa five peso coin na ito?

"Dawn...."

Bigla ulit may nagsalita sa likuran ko, boses iyon ni Angely. Nakita kong sumulyap sa likod ko si Joshua.

"Joshua, pwede ko bang kausapin saglit si Dawn?" pakiusap ni Angely kay Joshua, agad naman itong umalis at pumunta na ulit ito sa mga kasama niya kanina. Pero galit padin yung ekspresiyon nito at halatang nagtitimpi lang.

"Dawn pwede ba taoyng mag usap?" tanong niya sa akin.

Agad ko naman siyang hinarap, nakatalikod kasi ako sa kanya.

And That COIN Connect Us...[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon