Entry #8 -----> The Deal

70 3 0
                                    

(CENON's POV)

. . . sabi nila one way trip lang ang life kaya dapat enjoyin ang buhay at kung makita mo ang mga bagay na makakapagpasaya sayo do grab it no matter what. . .

Charot! Bakit bigla akong nagdrama!

Anyway, mga friend, nandito ako ngayon sa GYM kasama sila President at si yabang naiwan kami para maglinis ng mga kalat, mga ginupit na papel, plastic at kung anun ano pa. Remember nung nag away kami ni John eto ang parusa namin.

(_~~)----------(~~_)

Yan ang titigan namin ni yabang. Galit padin ako sa yabang na ito dahil sa pagkuha niya sa burger ko kaya nandito kami ngayon sa sitwasyong ito!

"Okay! I'll be back as soon as I lock the offfice. So don't start a fight kung ayaw niyong dagdagan ko ang inyong deduction" sabi ni president tsaka ito naglakad palayo sa amin palabas ng GYM.

"Whatever!" sabi ko sakanya tsaka ko kinuha yung walis tambo at dustpan at nagsimula na akong maglinis.

"I'can't believe this!" frustrated namang sabi ni yabang tas narinig kong kinuha niya yung sako tsaka ito nagpulot ng mga basura.

"Kung hindi mo lang sana ginetchiwa yung burger ko edi sana hindi lang tayong dalawa ang nag lilinis dito!" parinig ko sa kanya.

"Kung hindi mo lang sana ako iningget ng burger mo edi sana wala tayo dito in the first place!" balik pagpaparinig niya sa akin. Teka! Wait! Anung pinag sasabi nang yabang na ito na ininggit ko siya? Adik ba ito?

"What did you mean na ininggit kita?" clueless kong tanong sakanya tsaka ko inistop yung pagwawalis ko at hinarap ko siya.

Tumigil din ito sa ginagawa niya at tsaka din ako hinarap nito. "Well, I caught you looking at me then  nung nakita mong nakatingin ako sa iyo bigla kang umiwas ng tigin tsaka mo kinagat yung burger na iyon as if you teasing me! And that time I'm very hungry!" Halos nanggagalaiti nitong sabi sa akin.

WHAT! HE really caught me praising his body! Pero okay lang, at least iba ang interpretation niya dun.

"H-Hindi ko namang intensiyong inggitin ka ah!" dipensa ko naman.

"Hindi intensiyon, hoy bakla wag mo akong gaguhin! Alam kong alam mo na ginamit mo ang sitwasyon kong iyon para makaganti ka sa akin!" pang aakusa pa niya sa akin.

Inis na inis na ako sa lalaking ito! Simula pa nung una ko siyang nakilala talagang nakulo ang dugo ko sa kanya. Kaya nga sumali ako sa GG Club dahil sa tulong nito makakaganti na ako sa kanya!

Kaya sa sobrang inis ko nasabi ko ang bagay na hindi ko dapat nasabi. Ang katotohanan. "Hoy, Yabang! Hindi ko naman talaga intensiyong inggitin ka malay ko bang iyon ang iisipin mo sa pagtingin ko sa iyo ng mga oras na iyon! Samantalang kaya lang ako nakatingin sayo kasi ang tinitignan ko ay yung maganda mong katawan!"tsaka ko biglang tinakpan ng mga kamay ko yung bibig ko.

SHIT! Nadulas ako!  ( >////< )

Nabigla naman ito sa confession ko. Then a playful smile curve in his lips and DAMN! That was so sexy!

 "Really? You were fantasizing my body? Are you. . . May gusto ka ba sa akin? Sabi na nga ba eh! May pagnanasa ka sa akin eh!  Pero I'm sorry hindi ako napatol.!" tsaka ito bumunghalit ng tawa.

Piling ko binaril ako dun ni yabang! "Hoy! Wala akong gusto sa iyo!" pero di ito nakikinig sa akin bagkus tawa lang ito ng tawa.

And That COIN Connect Us...[ON GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon