Typo errors are a lot.Chapter 46
"Kamusta yung assignment mo, Sophie? Okay na ba?"
"Oo, ate. Tinuruan din kasi kami ng teacher namin kung paano gagawin yun."
Rinig na rinig naman ni Samuel ang pag-uusap nina Vanessa at sa mga kapatid nito sa may dining room ng pad niya. Kakagising lang kasi niya at nang magising siya, hindi na niya nadatnan ang tatlo sa kama.
He even thought they already left his pad after the sleepover that happened last night. He suddenly smiled. She didn't leave him.
"Yung project mo, Lawrence? Nagawa mo na?"
"Sus, ako pa. Tapos na."
Nakikita naman niya ang tatlo na nasa dining table. Vannie's two siblings were eating their breakfast. Si Vanessa naman ay nagkakape lang. Nakabihis na rin ang dalawang bata ng mga school uniform nila. May nakahanda rin mga pagkain sa mesa--it was some bacon, hotdogs, and fried eggs. May fried rice ding nakalapag sa gitna.
Hindi tuloy maiwasan ni Samuel na mas lalong mapangiti habang inoobserbahan ang mga ito--especially Vanessa when she really looked like a caring mother to her kids.
At gaya rin ng mga kapatid nito, nakabihis na rin ito.
Napansin naman siya ni Vannie. She also smiled at him, "Morning." She greeted, "Kumain ka na."
Napansin din siya ng dalawang kapatid nito. Lawrence quickly waved at him.
"Tamang-tama Kuya Sam," Anito, "Kumain ka na kasi masarap pa yung niluluto ni Ate." Pilyong sabi nito sa kanya at natawa na lang si Vanessa.
Nilapitan naman kaagad ni Samuel si Vanessa. He quickly kissed her cheek when he got near her. Damn. She really smelled good.
"Hoy!" Natatawang hinampas ni Vanessa si Sam sa balikat matapos ang ginawa nito.
"Eww!" React naman ni Sophie matapos ang ginawa ng lalake. Talagang nandidiri pa ito.
"Makiki-ew na rin ako kay Sophie," Lawrence said in horror.
"Ganyan ko kasi kamahal ang Ate niyo," Sam laughingly replied as Sophie just shrieked. 'Ew' ito ng 'Ew' sa kanilang dalawa ni Vanessa. Umupo na rin si Samuel at sinabayan ang mga ito sa pagkain.
"Ate, hindi na kita love kung magkakaroon na ako ng nephew o niece!" Maya-maya'y sabi ni Sophie sa kanila, "Gusto ko ako pa rin ang baby sa family!"
"Pilyong bata ka," Napailing na lang si Vanessa, "Kanino mo ba narinig ang mga 'yan?"
"Kay Kuya Sam!" Tinuro pa nito si Samuel, "Sabi niya kapag daw magkatabi kayong matulog, magkakaroon na ako ng baby niece o nephew. Ayoko Ate, gusto ko, ako pa rin ang baby mo." Nagpout pa ito. Hindi naman maiwasan ni Vannie na manlaki ang mga mata niya sa sinasabi nito. Habang si Lawrence naman ay tumawa-tawa lang.
"Hoy, Rivera!" Pinandilatan niya ito, "Kung anu-ano na lang pinagsasabi mo sa kapatid ko!"
Sam raised his hands in the air, chuckling, "Hey, I was kidding. Hindi ko alam na seseryosohin niya ang mga sinabi ko."
"Sus, kunwari ka pa Ate e!" Sumabat naman si Lawrence na tumawa-tawa pa rin, "Gusto mo naman!" At nag-high-five pa ito kay Sam. Talagang vibes na vibes na ang dalawa.
Inirapan niya lang ni Vannie ang mga ito at itinuloy lang ang pag-inom ng kape niya.
Tumigil na rin si Sam sa pagtawa at nagsalita, "Anong oras ba pasok niyo? Ihahatid ko na kayo. Magbibihis lang ako pagkatapos nating kumain." Anito sa kanila.
![](https://img.wattpad.com/cover/47375148-288-k950650.jpg)
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Club (Finished)
Teen Fiction(Finished) A fraternity headed by a ruthless Samuel Ignacio Rivera III. A story about a club on how they meet their downfall. A club for filthy, rich, ruthless and rotten group of young men. Messing with them will be dangerous.