(Finished)
A fraternity headed by a ruthless Samuel Ignacio Rivera III.
A story about a club on how they meet their downfall.
A club for filthy, rich, ruthless and rotten group of young men.
Messing with them will be dangerous.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Hon, aalis muna ako, ha? Si Mama kasi, magpapasama kasi sa 'kin sa pagbili ng furniture. I already told you about this, right?" Rinig na rinig naman ni Sam ang malumanay na boses ng asawa niya. He was still really sleeping on their bed. Ni hindi nga niya alam kung anong oras na but it's okay. Sunday naman kaya parehas silang dalawa ni Vanessa na walang trabaho.
"Hmm..." He sleepily groaned. He heard his wife giggling and kissing his forehead.
"Ikaw muna bahala sa mga bata, Daddy ha. Mag-ingat kayo rito." Naramdaman naman niyang tumayo na ito at naglakad na papunta sa may pintuan ng room nila.
"Wifey." Tumagilid naman siya paharap dito. He forced to open his eyes and smooched his lips. Ngumuso siya rito na may sound effect pa. Natawa naman si Vanessa at kaagad nilapitan siya.
His wife quickly gave the kiss he requested, "Ang tanda mo na, the third, malandi ka pa rin," Napailing naman ito, "Sige na. Ikaw na bahala sa mga kids. Ingat kayo dito."
Tuluyan na nga itong nakaalis sa kwarto nila. Sam just smiled and closed his eyes again. Sa tingin naman niya ay maaga pa naman.
"Dy!!!"
"Dy, gising na! Wake up ka na!"
Hindi naman siya nakatulog nang biglang may tumalon-talon sa kama niya. Hindi lang iyon, narinig din niyang tumatahol ang aso nilang si Choco.
"Fourth! Choco! Dali, bigyan natin si Daddy ng good morning kiss!"
Then he felt his two children and their dog showering him kisses. Natatawang nagising na lang si Samuel dahil sa ginagawa ng mga ito. Sometimes, he really wished his kids weren't that hyperactive - minsan kasi ay kahit gusto niyang matulog at makapagpahinga ng matagal dahil sa trabaho niya - bigla na lang siyang kukulitin ng mga anak niya.
"Alright, alright. Gigising na si Daddy." He surrendered as he properly sat on the bed. Tinignan naman niya ngayon ang dalawa na tumatawa pa rin. He just smiled. Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang ay kinakarga pa niya ang dalawa sa mga bisig niya - now they've grown up so much, his eldest daughter, Venice Kyrielle who is now 9 and Samuel Ignacio the fourth, 3.