Epilogue

93K 1.8K 231
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Last greetings from Samuel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Last greetings from Samuel.


Typo errors are a lot.

Epilogue



Nagising naman si Samuel nang tumalikod sa kanya sa pagkakahiga si Vanessa. Alam niyang masyado pang maaga sa mga oras na iyon. Tantiya niya, siguro mga alas-singko pa lang ng umaga. Talagang tulog na tulog pa kasi ito habang katabi siya sa kama.

Umusog naman siya ng konti para mas lalong mapalapit dito. He snuggled up closer to her as he buried his face into her neck. Inamoy-amoy niya iyon. Talagang napakabango nito. He was really addicted to Vannie's smell.

Niyakap naman niya kaagad ito sa likod--wrapping his arms around her huge belly. Buti na lang talaga ay hindi pa gaano kalaki ang tiyan nito kaya nayayakap pa niya ito ng buo.

"T-The third," He heard her whispering. Pilit nitong inaalis ang mga braso niyang nakapulupot dito.

Alam niyang galit pa rin ito dahil tinawag na naman siya nitong 'the third'. Through the years they been together, kapag tinatawag siya ng ganun ni Vanessa, alam niyang nagagalit na ito.

Napabuntong-hininga na lang si Samuel. He knew she was still really mad at him because of last night.

Niyakap naman niya ito muli sa likod, kissing her neck gently, "Honey, please, I'm sorry. Huwag ka ng magalit sa 'kin." Suyo niya rito.

Bigla naman siya nitong nilingon. Vanessa was looking daggers at him and rolled her eyes. Bigla naman itong bumangon at napaupo sa kama na nakatalikod pa rin sa kanya.

"Magluluto na ako ng almusal." Masungit na sabi nito sa kanya saka tumayo. Umalis kaagad ito at tinungo ang kusina nila.

Natawa naman siya. Alam niyang nagmomood-swings na naman ito dahil sa kondisyon nito. Maselan kasi raw 'pag buntis.

Bumangon din naman siya at sinundan ito sa kusina. Nakita naman niya itong nagsisimula ng magluto ng almusal. Vannie was just wearing a floral duster. Alam niyang medyo tumaba ito ng konti dahil sa pagbubuntis. But still, he found her sexy--way more sexier before.

The Bad Boy's Club (Finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon