Typo errors are a lot.Chapter 18
"Ako na ang bagong asawa ng Daddy mo kaya ako na rin magiging bagong mommy mo!"
"Kailanman, hindi kita magiging mommy! At hindi ako susunod sayo!" Sigaw ni Sam kay Jolina nang minamaltrato na naman siya nito. Wala kasi doon ang Daddy nya kasi busy ito sa mga political meetings. Ngayon ang naiwan lang sa bahay ay si Jolina, siya at mga kasambahay nila. But the maid chose to not to interfere them kasi tinatakot ito ni Jolina na tatanggalin ang mga ito sa trabaho.
"Ah, ganun ha!" Bigla na lang siya nitong tinulak kaya naman napadapa na lang sa sahig si Samuel.
"Aray! Arayy!!!!" Sigaw ni Sam habang namimilipit sa sakit habang hinahampas ni Jolina ng sinturon ito sa likod.
"Yan ang dapat sa mga batang hindi sumusunod sa mga nakakatanda!" Anito habang pinaghahampas pa rin siya ng sinturon.
"AHHH!!" Mas lalo pang sumigaw si Samuel nang makaramdaman siya ng napakainit na bagay sa likod niya. Pinaso siya ni Jolina ng isang plantsa sa likod niya.
---
"Anak, Sammy, anong nangyari sayo?" Tinanong kaagad ni Ignacio si Sam nang makita niya itong may mga pasa sa braso. Kakarating lang kasi nito galing sa meeting.
"Daddy.. Binugbog-"
"Yang anak mo, honey," Napatigil naman si Sam nang biglang sumulpot sa likod niya si Jolina, "Napakakulit. Laro kasi ng laro ayan, nadapa. Pinagsabihan ko na pero hindi nakikinig sa kin. Naku, pinapasakit ng batang yan ang ulo ko."
"Sam," Awtomatikong nag-iba ang tono ng boses ng Daddy ni Sam sa kanya, "Diba sabi ko sayo, sundin mo kung anong sinasabi ng Mommy Jolina mo? Ayokong nagiging makulit ka tapos mapapahamak lang sarili mo. Dahil na rin diyan, binibigyan mo ng sakit sa ulo ang Mommy mo."
"Hindi ko siya mommy! Kabit lang siya! Kabit mo siya! Sinaktan mo si Mommy daddy!" Sam was out of control.
"Samuel!" Nabigla naman silang lahat nang biglang sinampal ni Ignacio ang anak kaya napatigil ito sa kakasigaw.
"Rumespeto ka sa mga nakakatanda mo!"
Naikuyom na lang ni Sam ang mga kamay niya at kaagad umalis. Even his dad is on Jolina's side. Kahit siya mismo na kadugo nito ay hindi naniniwala sa kanya, his dad failed him.
"Samuel!"
"Samuel, anak, I'm sorry. 'D-Di sinasadya ni Daddy yun.."
Nilingon naman ito ni Samuel. He was looking at his dad with rage, "Simula ngayon, hindi na kita Daddy! Ayoko ng maging Daddy kita kailanman!"
---
Napatigil naman si Sam sa paghahanda ng almusal niya sa bachelor's pad niya nang biglang tumunog ang doorbell. He scowled. Sino bang pupunta sa pad niya sa mga oras na iyon? It was not even 8 in the morning. At wala siyang maalala na may pinapunta siyang bisita o tagalinis man lang sa mga oras na iyon.
Sam then opened the door and saw an unfamiliar man. The man was obviously in his late 50's at nakasuot din ito ng corporate suite.
"Who the fuck are you?" He asked him rudely. Wala siyang pakialam sa mga courtesy calls, he doesn't even know this man.
"I'm Attorney Daniel Autencio, ako ang ipinadala ni Mrs. Jolina Rivera. You're Mr. Samuel Ignacio Rivera the third, right?" Panimula nito kaagad sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Club (Finished)
Novela Juvenil(Finished) A fraternity headed by a ruthless Samuel Ignacio Rivera III. A story about a club on how they meet their downfall. A club for filthy, rich, ruthless and rotten group of young men. Messing with them will be dangerous.