Typo errors are a lot.Chapter 20
"Ate!!"
"Oh, bakit ka nandito?" Nagulat naman si Vannie nang bigla siyang sinalubong ng kapatid niyang si Sophie nang dumating na siya sa bahay. Hindi niya aakalain na madadatnan niya ito doon kasi nasa ospital pa ito, binabantayan ang Mama nila.
"Pinauwi muna kami ni Mama Ate," Her 7-year-old sister answered. "Saka, bakit.." Napatingin naman ito kay Sam na kasama niyang dumating ngayon sa bahay—though the guy was still wearing his corporate suit, "Bakit kasama mo siya?" Sophie was eyeing her suspiciously.
"Uh.."
Paano ba niya sasabihin dito? Pagkatapos kasi mangyari ang lahat ng iyon sa hotel nito, napagpasyahan niyang gamutin ang pasang natamo ni Sam dahil sa pagsuntok niya sa mukha nito sa bahay. Wala kasi itong first aid kit doon. Alam niyang masyadong napalakas ang pagsuntok niya sa mukha nito kaya pumutok ang labi nito.
Well, she was so pissed off. She thought Samuel Ignacio was trying to humiliate—pero nagbibiro lang pala ito. Buti nga hindi niya ito nasakal.
"I brought some pizza, kiddo." Bigla namang sumabat si Sam sabay abot dito sa pizza. Bago kasi sila umuwi, dumaan muna ang lalake sa isang pizza house.
Tinanggap naman ni Sophie ang pizza, she looked excited, "Gusto ko 'to! I like you na, kuya!" Kaagad naman itong tumakbo papunta sa dining room nila, "Kuya Lawrence! May dalang pizza sina ate!"
Hindi tuloy maiwasang matawa ni Vannie sa inasal ng kapatid, paborito kasi ng mga ito ang pizza. Sumunod naman silang dalawa ni Samuel dito papunta sa kusina.
"Kuya Adrian, may dalang pizza sina Ate."
Napatigil naman sina Vannie at Sam nang makita si Adrian na nakaupo sa dining table habang naglalaro ng chess ang kapatid niyang si Lawrence. Masaya pa itong nakikipaglalaro sa nakababatang kapatid.
"Saan?" Lumingon naman ito sa kanila at napatigil din nang makita silang dalawa.
"A-Adrian, n-nandito ka pala." Nilapitan naman kaagad ni Vannie ang nobyo at kaagad niyakap. "Bakit ka ba nandito?"
Adrian then chuckled, "Binisita ko kasi Tita Alma kanina sa ospital tapos ako na sumama sa pag-uwi ng mga kapatid mo rito sa bahay. Pinapauwi na kasi sila kasi may pasok pa bukas. Ang Papa mo muna ang bahala sa pagbabantay ni Tita." Sagot naman nito. Napansin naman niyang binibigyan nito ng sama ng tingin si Samuel.
"Bakit siya nandito?" Nakakunot-noong tanong nito sa kanya.
Napansin naman ni Vanessa na nakikinig din sa kanila ang dalawa pa niyang kapatid, "Lawrence, Sophie, sige na, matulog na kayo. Maaga pa pasok niyo bukas." Sabi niya sa mga ito. Ayaw niyang makisali ito sa pag-uusap nila. Lalo na ang kapatid niyang si Sophie.
"Ate naman e, yung pizza." Reklamo ni Sophie sa kanya.
"Bukas na, sige na, Lawrence, matulog na kayo." Padabog na naglakad naman ang dalawa at umakyat papunta sa mga kwarto ng mga ito. Alam kasi ng mga ito ang mangyayari kapag hindi nito sinunod ang mga sinasabi niya.
Tuluyan na ngang umalis ang dalawang kapatid niya sa dining room. Ngayon, silang tatlo na lang an naiwan doon.
"Sinuntok ko kasi siya." Simpleng sagot ni Vannie dito na hindi nililingon man lang si Sam sa likod niya. This is really awkward. "Kaya dinala ko siya rito para gamutin ang pasang natamo niya sa kin."
"Oh, ganun ba? Ako ng gagamot sa pasa niya." Adrian suddenly said.
"H-Ha?" Hindi naman inexpect ni Vanessa na sabihin nito iyon. Napapansin din niyang nakikipagtagisan ito ng tingin kay Samuel.
![](https://img.wattpad.com/cover/47375148-288-k950650.jpg)
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Club (Finished)
Ficção Adolescente(Finished) A fraternity headed by a ruthless Samuel Ignacio Rivera III. A story about a club on how they meet their downfall. A club for filthy, rich, ruthless and rotten group of young men. Messing with them will be dangerous.