4-Flashback

3.5K 134 8
                                    

"Troy nakita mo ba si Charles?"tanong ko sa team mate ng boyfriend kong si Charles.

May sakit kasi siya kahapon kaya di siya nakapasok, nagpunta ako sa bahay nila at . . Bigla akong namula sa naisip ko.

Alam ko na di dapat namin yun ginawa pero nadala na kami. At mahal ko siya at mahal niya ako. Alam ko na siya na talaga ang makakasama ko sa future.

A head ng tatlong taon sa akin si Charles . Graduating na rin siya. 8 months na kaming mag boyfriend at girlfriend. Sabi nga nila ang playboy daw dati ni Charles pero simula ng ako ang maging girlfriend niya tumino na daw Syempre nakakaproud yun sa part ko.

"Nasa locker room siya Jane. Alam ko patapos na yun."nagpasalamat na ko sa kanya at nagpunta ng locker room. Ibibigay ko kasi sa kanya yung niluto kong afritada. Favourite niya kasi yun.

Nakangiti ako habang naglalakad papuntang locker room ng mga varsity.

Ang kaso dahan dahan nawala yun ng makita kong may kahalikan siya. At kilala ko kung sino yun. Si Tracy ex girlfriend niya. Gusto ko silang sugurin pero di ko magawa. Di ako makaalis sa pwesto ko. Nararamdamdaman ko na tumutulo yung luha ko.

"Hey"biglang may humatak sa akin. Tuloy pa rin ako sa pag -iyak. Di mawala sa isip ko yung nakita ko.

"Panyo oh."inabot ko yung panyo na inilahad saakin. At doon ko nakita kung sino yung nagbigay ng panyo.

"Carl?"kapatid siya ni Charles. Blockmates ko rin.

"Bakit di mo nilapitan?"tanong niya.

"D-di ko kaya ."sabi ko nalang habang nagpupunas ng luha.Pero itong lintik na luha ko di maawat.

"So ano gagawin mo? Nakita mo si kuyang may kahalikang babae at ex girlfriend niya pa "

Di ako makasagot. Ano ba dapat kong gawin?.

"Ewan"sagot ko.

"Psh"

After nun hinatid na niya ako sa bahay namin. May mga text at tawag na rin sa phone ko na lahat galing kay Charles. Pero lahat yung di ko sinasagot. Galit ako sa kanya at mas lalong galit ako sa sarili ko. Nag pauto ako sa isang senior sa akin, sa isang playboy. At binigay ko sa kanya ang lahat. Ang tanga tanga ko. Sana nakinig ako sa mga sinasabi ng mga nasa paligid ko na lolokohin lang daw ako ni Charles.

Tatlong araw akong di pumasok. Nagmumukmok lang ako sa kwarto ko. Buti nalang wala ang parents ko kasi nasa business trip. Kung hindi magtataka sila sa akin.

Pabalik balik rin si Charles sa bahay para kausapin ako pero hindi ko siya hinaharap. Tanging katulong lang namin ang kumakausap sa kanya. Alam ko nag aalala na siya sa akin. Pero ano magagawa ko? Nasaktan ako! Niloko niya ako. Pinagmukhang tanga.

Nung naisipan ko ng pumasok. Para akong ewan na lutang. Alam ko rin na anytime makikita ko si Charles pero hanggat maaari iniiwasan ko na mag punta sa mga pinupuntahan niya.

"Kamusta ka na?"napatingin ako kay Carl na nagsalita.

"Okey lang."nakangiti kong sabi sa kanya pero alam ko sa sarili ko na hindi ako Okey.

"Alam mo bang ilang araw ng mainit ang ulo ni Kuya Charles?"hindi ako sumagot sa sinabi niya.

"Ayaw mo ba sabihin sa kanya kung ano nakita mo?"

"Para saan pa? Para lalong masaktan? Para lalong bilugin ulo ko?"

"Bahala ka. Basta pag kailangan mo ng kausap andito lang ako."

"Carl."

"Bakit"

"Wag mo sabihin sa kuya mo yung nakita ko sa locker room ah."tumango siya pagkasabi ko.

Naglalakad ako papunta sa library ng may biglang humatak sa akin.

"Ano ba?!"inis kong sabi. Pabango palang niya alam ko na kung sino.

"Mag-uusap tayo!"sa boses niya palang alam mo ng galit rin siya.Pero hindi ako magpapasindak sa kanya.

"Bitawan mo nga ako!"inis kong sabi sa kanya. Pero siya dedma lang tuloy tuloy sa paghatak sa akin. Minsan ang hirap din magkaroon ng boyfriend na palyer bukod sa malaki ang katawan, pati ikaw napaglalaruan. Hays

Nung nakarating na kami sa school garder dun niya na ko binitawan. Ang bilis ng paghinga niya at alam ko na hindi yun dahil sa paglalakad ng mabilis. Dahil yun sa pagpipigil ng galit. Ikaw ba naman taguan ng girlfriend mo ng halos dalawang linggo.

"Bibigyan kita ng dalawang minuto para magpaliwanag bakit mo ko pinagtataguan."nagpipigil niyang sabi sa akin. Pero hindi ko siya pinansin. Nakipagtitigan lang ako. Bahala siya sa buhay niya.

"BULLSHIT!"Nagulat ako sa sigaw niya kaya medyo napaatras ako. Mukhang nasagad na talaga siya.

"ANO BANG PROBLEMA JANE? GINAGAWA MO NA AKONG TANGA KAKAHAGILAP SAYO! GALIT KA BA SA AKIN DAHIL SA NANGYARI SA ATIN?"Nakasigaw na siya. At nagpapasalamat ako na dinala niya ako sa lugar na to dahil walang makakarinig sa amin kahit magsisigaw siya. Nakita kong namumula na ang mukha niya sa galit. Pero wala na akong pakialam.

Naiiyak na rin ako kasi naalala ko nanaman yung eksena sa locker room. Kung paano siya makipaghalikan sa Tracy na yun.

"Jane walang mangyayari kung tatayo ka lang diyan para titigan ako. Ano bang problema?"Huminahon na ang boses niya pero yung paghinga niya mabilis pa rin.

"Break na tayo "yun lang nasabi ko pagkatapos ko siyang titigan. Ayoko na. Buo na ang desisyon ko. Makikipaghiwalay na ako sa kanya.

"Ano?"kunot noo na tanong niya sa akin. Alam ko na narinig niya yun .

"Ayoko na. Break na tayo. Wala akong mapapala sayo. Gagraduate ka na, maiiwan ako dito. Di rin tayo magtatagal dahil magkakaroon lang tayo ng problema sa schedule natin."sabi ko habang nakatingin sa kanya. Oo hindi ito ang dahilan kaya ako makikipaghiwalay sa kanya. Pero di ko kaya sabihin sa kanya ang totoong rason. Baka pag nagpaliwanag siya mas lalo lang ako masasaktan kasi alam ko binibilog niya lang ang ulo ko.

"Babe? wag ka naman magbiro! Di ako natutuwa."

"Sorry pero seryoso ako at buo na ang desisyon ko. Dapat nga matuwa ka pa mabibigyan kita ng chance magmahal ng iba. Yung kasing edad mo. Aalis na ko" sabi ko at tumalikod na. Pero di pa ko nakakahakbang niyakap niya na ko.

"Ano bang sinasabi mo? Mahal kita. Ikaw lang minahal ko ng ganito. At alam ko na mahal mo ako. Kung yung nangyari satin ang iniisip mo. Pananagutan kita sa oras na makagraduate ako. Please Babe wag mo naman gawin sakin to. I love you . Mahal na mahal kita" umiiyak na rin siya. Gusto kong maniwala sa sinasabi niya pero may parte sa akin na ayaw maniwala. At parang sirang tape na paulit ilit ko nakikita na may kahalikan siya.

"Tama na Charles" inalis ko na ang yakap niya sa akin. Tapos umalis na sa lugar na yun. At dun na tumulo yung luhang kanina ko pa pinipigilan.

Prof ko, Ex ko (Aldub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon