Naglalakad ako ngayon papunta sa altar suot ang wedding gown ko. Mga kamag-anak at malalapit na kaibigan lang ang tanging imbitado. Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na ikakasal na ako at sa taong mahal ko pa."Anak okey ka lang ba? Wag kang kabahan."narinig kong sabi ni Daddy. Katabi ko ang mga magulang ko habang naglalakad. Sila ang maghahatid saakin sa altar papunta kay Charles.
"Anak wag kang umiyak masisira ang make-up mo."sabi ni mommy. Nginitian ko lang sila.
Nang makarating na kami sa harap nakita ko na si Lance na karga ng daddy niya. Agad naman ipinasa ni Charles ang anak namin kila mommy.
"Hijo ikaw ng bahala sa anak namin at kay Lance."narinig kong bilin ni Daddy kay Charles. Nakakaintinding tumango naman ito.
Inilalayan na niya ako papunta sa harap at nagumpisa na ang seremonya. Hindi ko naman maiwasan alalahanin ang pag-uusap namin bago kami nakarating sa ganitong sitwasyon.
"A-anong s-sinabi mo?"hindi makapaniwalang tanong ko. Kami magpapakasal?
"Magpapakasal tayo para sa anak natin. Ibibigay ko ang apilyedo ko kay Lance at bibigyan natin siya ng buong pamilya."seryosong sabi niya. Para sa anak namin magpapakasal kami? Siguro kung alam kong mahal niya ako papayag ako pero hindi eh.
"Pero pwede mo namang ibigay ang apilyedo mo ng hindi na natin kailangan magpakasal. Ayokong ikulong ka sa isang kasal ng dahil lang may responsibilidad ka sa anak natin."at isa iyon sa rason kaya hindi ko talaga sinabi sa mga magulang ko kung sino ang tatay ni Lance dahil alam kong ipipilit nilang ipakasal saakin si Charles at ayokong mangyari yun dahil hindi na ako sigurado kung minahal ba talaga ako nito o isa lang talaga ako sa mga babae niya na pinaglaruan.
"Jane ito ang tama, ayaw mo bang bigyan ng buong pamilya ang anak natin?"bigla naman akong na corner sa tanong niya.
"S-sino ba ang nanay ang ayaw m-magkaroon ng buong pamilya ang anak niya.?"nasabi ko lang.
"Ayun naman pala. Kaya pumayag ka ng magpakasal."hindi man ganito ang pinapangarap kong magiging proposal,pumayag na ako. Tulad nga ng sinabi niya. Para daw sa anak namin.
"P-pero paano si T-tracy?"kahit na ayoko, naglakas loob na rin akong itanong. Nang tingnan ko siya nag-iwas siya ng tingin bago sumagot.
"Ako ng bahala sa kanya. Maiintindihan niya naman."nasabi niya.
"Kung makasal na tayo, wag kang mag-alala hindi ko pakikialaman ang relasyon niyo ni T-tracy."nasabi ko kahit pa ba labag sa kalooban ko.
Tiningnan niya lang ako pero hindi naman siya umimik.
-------
"Congratulation Mr and Mrs Reyes."bati sa amin ng isang bisita. Andito kami ngayon sa reception ng kasal namin. Gusto kong maging tuluyang masaya kasi kasal na ako kay Charles. Pero para bang hindi ko magawa kasi alam ko na hindi naman kami normal na magiging mag-asawa. Kaya lang naman kami nagpakasal para kay Lance sa anak namin.
"Kanina pa malalim ang iniisip mo. May problema ba?"napatingin naman ako kay Charles. Napansin niya pala.
"W-wala. P-pagod lang ako."sagot ko at pilit ngumiti.
"Mommy, Daddy!"tumatakbong palapit sa amin si Charles
"Anak wag kang tumakbo baka madapa ka."sabi ko sa anak ko at sinalubong siya.
"Mommy sabi ni Lola Carla kasama na daw natin si Daddy tumira sa bahay?"tanong ni Lance.
"Yes baby magkasama na tayo sa house. Gusto mo nun diba? Para lagi na tayong maglalaro."sabi ni Charles at kinuha sa akin si Lance.
BINABASA MO ANG
Prof ko, Ex ko (Aldub)
RandomMayroon akong Ex , ok na sana. Naka move on na ko. Kaso biglang bumalik, ang masama Prof ko pa . Maging masaya kaya ang College Life ko kung siya ang lagi kong makikita? A/N: Hello Guys Another Aldub Story na likha nanaman ng Malikot kong Utak. Di...