"Miss freshmen ka noh?"napatingin naman ako sa lalaking biglang lumapit sa akin. Waah ang pogi 😍 Ang tangkad pa.
Kahit crush ko na agad siya, hindi ko ipinahalata. Kaya umakto lang ako ng normal.
"Yes kuya, bakit po?"nakita ko naman na natawa yung mga kasama niya. Lalo tuloy akong nagtaka, mukhang mas matatanda sila sa akin.
"Grabe bro, na kuyazone ka."natatawang sabi nung isang lalaki, lalo tuloy kumunot ang noo ko.
"Pinagtritripan niyo po ba ako? Sorry wala akong panahon para mabully ng mga senior."pagkasabi ko nun, ay agad na akong tumalikod.
Nakakaloka 1st week ko palang dito sa school na to,mukhang mabubully pa ako.
"Miss sandali."tawag nung gwapong lalaki, actually lahat sila gwapo, mas nagwapuhan lang talaga ako sa lalaking lumapit sa akin. Iba kasi ang dating niya.
"Miss sandali lang."at hinawakan niya na ang braso ko para pigilan, ewan ko pero para bang may kuryenteng dumaloy mula sa kamay niya papunta sa braso ko ng hawakan niya ako. Kaya agad akong napaatras sa kanya.
"Wag kang matakot. Gusto ko lang naman magpakilala."hindi ko maiwasan na taasan siya ng kilay.
"Bakit ka naman magpapakilala? Ano bang kailangan mo?"tanong ko.
"Gusto ko lang naman makipag kaibigan sayo. Ako nga pala si Charles, 4th year . Engineering student. Ikaw?"nakangiting pagpapakilala niya, mas lalo tuloy siyang naging gwapo dahil sa mga ngiti niya.
"Sigurado kang wala kang balak na ibully ako"paninigurado ko.
"Oo. Gusto ko lang talagang makipagkaibigan sayo."sabi niya pa.
"Jane Fajardo, 1st year,Marketing student."pagpapakilala ko na rin at nginitian siya. Wala naman atang masama na makipagkaibigan sa senior sa akin.
-----
After 5 years
"Mommy si kuya Lance oh! Ayaw makipaglaro sa akin."agad ko namang tiningnan ang 3 years old kong anak. Umiiyak na nagsusumbong siya.
"Lance bakit mo naman pinaiiyak ang baby sister mo?"tanong ko sa panganay ko. 8 years old na siya ngayon.
"Kasi mommy si Jannah gustong maglaro kami ng barbie niya, eh ayaw ko po nun."nakangusong sumbong din ni Lance. Natawa naman ako.
"Baby iba nalang ang laruin niyo ng kuya Lance mo. Pang babae kasi ang barbie, ayaw ni kuya nun."pakiusap ko kay Jannah, nakita ko naman na nag-isip siya pagkatapos ay tumango na.
"Lets play habulan kuya!"pagkasabi nun ni Jannah ay tumakbo na siya papunta sa garden kaya naman agad na siyang hinabol ng kuya niya.
Napangiti nalang ako ng makita ko na silang naghahabulan.
"Ouch."agad naman akong napahawak sa tyan ko. Malikot na talaga sila.
7 months na akong buntis. Wala na dapat kaming balak ni Charles na sundan si Jannah dahil nga may lalaki at babae na kami, kaya lang kinukulit talaga kami ni Lance na gusto niya talagang magkaroon ng baby brother.
At dahil na rin sa biyaya ni God, kambal ang pinagbubuntis ko ngayon. Kahapon nalaman namin ang gender, isang babae at isang lalaki. Tuwang tuwa kaming lahat.
Pero syempre nakakaramdam ako ng takot, kasi nga dalawa ang nasa tyan ko ngayon, pero dahil na rin sa suporta ng asawa ko alam ko malalagpasan ko rin to.
"Mahal andyan na sila."napalingon naman agad ako sa asawa ko na papalapit.
"Handa na ba ang mga pagkain?"tanong ko.
"Yup. Halika salubungin natin sila."at inalalayan niya na ako para tumayo, habang tumatagal nahihirapan na akong maglakad. Bumibigat na kasi ang kambal. Buti nalang lagi akong inaalalayan ni Charles, araw araw nararamdaman ko na mas minamahal niya ako.
"Buntiiiiis!"natawa naman ako ng tumatakbong lumapit sa akin si Liezel. Kahit kailan talaga ang hyper niya! Nasa likod niya lang ang mga kaibigan namin.
"Hoy magdahandahan ka nga, tanga ka pa naman!"sita ni Troy. Inirapan lang siya ni Liezel, kaya mas lalo akong natawa .
Sa paglipas ng limang taon,ang daming nagbago. Nakatapos kaming magkakaibigan sa pag-aaral. Ako medyo nalate lang ako ng isang taon bago makagraduate, kailangan ko kasi ipagbuntis si Jannah noon.
Si Francis at Monica ikakasal na, simula palang alam ko ng silang dalawa ang magkakatuluyan.
Si Josh naman may sarili ng business. At full support kaming magkakaibigan sa kanya.
Si Liezel ganoon din may sarili ng business, nagulat na nga lang ako isang beses ng magkaroon ng party dito sa bahay na magkakilala pala sila ni Troy, bestfriend ni Charles. Para silang aso't pusa kung mag-away. Pero pakiramdam ko sila rin ang magkakatuluyan.
Si Carl naman, masyadong busy na sa kompanya. Siya na kasi ang namamahala doon. Mayroon na rin siyang girlfriend. 2 years na nga sila. At nung huling pag-uusap namin, balak niya na daw yayain ng kasal.
At si Tracy naman,nagulat nalang ako ng isang araw bigla siyang nagpunta dito sa bahay, humingi ng tawad sa mga nagawa niya. Inamin niya rin na plinano niya yung nakita ko sila sa locker room. Sino ba naman ako para hindi magpatawad? Kaya ngayon kaibigan na rin namin siya.
"Halika na sa loob, kain na tayo."sabi ni Charles. Kaya naman sabay sabay na kaming pumasok sa loob ng bahay.
Ang dami mang nangyaring hindi maganda, heto kami masaya na. Tama sila, hindi ibibigay ni God ang isang pagsubok kung alam niyang hindi mo makakayanan. Basta kapit lang, malalagpasan lahat ng iyon. 😊😉
----WAKAS----
A/N: Dalawang story na ang natapos ko. SALAMAT sa inyo na sumusuporta sa mga gawa ko! Dahil sa inyo ginaganahan ako magsulat. Thank you sa lahat ng nag comment sa mga previous chapter 😃 Lagi ko pong inaabang mga comment niyo 😃 Ang sarap sa feeling na may nakaka appreciate ng gawa ko 😃
PS: Kung may time po kayo, please suportahan niyo rin yung isa kong story na ginagawa. "Ang Kuya Ni Crush" Story ni Liezel at Troy 😃
SALAMAT PO! 🙏🙌 HAPPY 48th Weeksary and HAPPY 11th Monthsary 😃
-June 16,2016 💜
BINABASA MO ANG
Prof ko, Ex ko (Aldub)
De TodoMayroon akong Ex , ok na sana. Naka move on na ko. Kaso biglang bumalik, ang masama Prof ko pa . Maging masaya kaya ang College Life ko kung siya ang lagi kong makikita? A/N: Hello Guys Another Aldub Story na likha nanaman ng Malikot kong Utak. Di...