3- Secret

3.4K 135 10
                                        


"Sir ito po si Jane Fajardo."alam mo yung ang ang sarap kutusan ni Liz. Nako naman 1st day palang sa school ganito na agad.

Dahan dahan akong nag angat ng tingin at sinalubong yung tingin niya. Nung una mahahalata mong nagulat rin siya. Pero saglit lang yun at bumalik agad sa pagiging poker face.

"So Ms Fajardo? Bakit ang tagal mong tumayo?"nakatingin siya sakin, mata sa mata. Alam mo mo yung tingin niya? Parang isa lang talaga ako sa mga estudyante niya. Di mo makikitaan ng tuwa sa muli naming pagkikita? Pero bakit ko ba yun iniisip? Eh tapos na ang lahat sa amin. Apat na taon na ang nakakalipas.

"Sorry Sir."

"Ok ipakilala mo na sarili mo."Himinga muna ako ng malalim bago ako nagsalita.

"Jane Fajardo 20 years old, transferee po ako."nakayuko kong sabi. Ewan pero hindi ko matagalan na titigan siya sa mga mata..Para bang pag tinitigan mo siya sa mata hinahalukay ang pagkatao ko. Ganun pa rin talaga epekto niya sakin. Akala ko pag nagkita kami balewa nalang siya. Hindi ko to napaghandaan. Buong akala ko di na talaga kami magkikita.

"So 20 years old ka na, bakit 2nd year college ka palang?"Nagulat ako sa tanong niya. Akala ko pag nagpakilala na ko, papaupuin niya na ko tulad ng iba.

"Nag stop po kasi ako sir."

"Bakit?"Ano to? Bakit kailangan niya pang magtanong?

"Sorry Sir, personal po kasi."sagot ko at umupo na. Nagulat man siya sa inasta at sinagot ko. Di nalang siya nag salita. Tumalikod na siya at inayos yung gamit niya

"Okey dahil first day ng class ngayon, at orientation lang naman. Bukas na tayo mag uumpisa mag lesson. Pwede niyo gawin kung ano ang gusto niyo pero walang lalabas ng room." seryosong sabi niya, akala ko aalis na siya pero hindi, umupo siya at may sinusulat na. Bigla siyang napatingin sa akin kaya naman nahuli niyang nakatingin ako. Agad naman ako umiwas ng tingin.

"Jane 20 ka na pala? hindi halata sayo. Parang magkasing edad lang tayo."biglang sabi ni Liz.

"Oo." nakangiti kong sagot sa kanya.

"Gusto ko sana magtanong sayo kung bakit ka nag stop pero dahil mukhang wala kang balak sabihin okey lang."

"Sorry hah."sabi ko sa kanya. Siguro pag mas nagkakilala na kami masasabi ko rin sa kanya.

Hindi sa tinatago ko, sadyang ayoko lang muna sabihin yung mga personal na bagay.

"Okey time na.Mas maganda mag advance na kayo sa pag aaral sa mga magiging lesson natin. Para ready na kayo. Ayoko ng estudyante na papasok lang para tumanga sa klase ko."pagkasabi niya nun umalis na siya. At nakahinga naman ako ng maluwag nung wala na siya.

Canteen

"Grabe nakakapagod ng walang ginagawa Hahahahaha" kalahating araw ko pa lang nakakasama si Liz pero parang ang tagal na namin magkakilala. Hyper talaga siya.

"Akala ko ba sasabay satin yung kambal mo kumain?"tanong ko. Sabi niya kasi sasabay daw si Francis kumain sa amin.

"Ewan ko ba dun. Yaan mo yun malaki na yun kaya na nga niyang gumawa ng bata Hahaha"

"Pasaway ka talaga. Ano ba kakainin mo?" Tanong ko.

"Sandwich lang sakin at juice, ikaw?"

"Ganun na lang din." sagot ko.

"Ako nalang mag oorder."sabi ni Liz

"Sige at inabot ko yung bayad ko "Humanap na ko mauupuan. Sa may bandang dulo may bakante kaya dun na ko pumwesto. Madali lang naman to mahahanap ni Lizel.

Habang nakaupo ako naramdaman ko naman na nakatingin sakin kaya napatingin ako sa may table na nasa harap ko.

Si Charles andun kasama yung dalawa pang professor. Di man lang siya nag abalang umiwas ng tingin kahit alam niya ng nakatingin ako. Di ko alam parang may magnet yung mata niya di ko maiwas tingin ko. Naramdaman ko naman na nagvibrate yung phone ko kaya dun na ko umiwas ng tingin at tiningnan yung phone ko.

Si Mommy ang tumatawag kaya sinagot ko agad yung phone ko.

"Hello Mommy?"sagot ko sa kabilang linya.

"Mommy !!!!"narinig kong imiiyak yung nasa kabilang linya. Si Lance ang nasa kabilang linya.

"Hello baby? Asan si Grandma? Bakit ka umiiyak?" nag aalalang tanong ko.

"Mommy uwi ka na pls. i miss you na po."napabuntong hininga naman ako sa sinabi ni Lance.Naririnig ko na umiiyak pa rin siya..Di kasi yan sanay na wala ako at matagal na di nakikita.

"Baby diba napag usapan na natin to? Papasok na si mommy sa school kasi diba sabi ni Grandma gusto niya makapagtapos ako sa school?"paliwanag ko sa kanya.

"Opo. Pero what time ka po uuwi?"medyo tumahan na siya sa pag iyak.

"Mga 4 baby andyan na si mommy. Dadalhan kita ng pasalubong kaya wag ng umiyak. Dapat good boy ka kay grandma hah."bilin ko sa kanya.

"Opo. Good bye mommy. I love you."napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Good bye baby I love you "sabi ko.

"Oy jane sino yang baby na yan? May pa I love You ka pa ah " nagulat naman ako sa nag salita. Si Liz yun. Dala niya na rin yung pagkain.

"Hah? Wala. Tara kain na tayo."sabi ko nalang. Napatingin naman ako sa kabilang table at wala na si Charles.

Sa busy ko sa pakikipag usap sa ANAK NAMIN di ko napansin na nakaalis na pala siya sa kabilang table.

Prof ko, Ex ko (Aldub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon