After 1 month
"Charles paano ba to sagutin? Ang hirap naman kasi ng problem na binigay mo."naiinis na tanong ko sa asawa ko. Andito kami ngayon sa kwarto namin. Siya nag checheck ng mga test paper ng mga estudyante niya, ako naman gumagawa ng homework ko sa Algebra. At inis na inis ako kasi hindi ko makuha paano isolve yung isang problem. Sa nakalipas na isang buwan ganito na ang naging routine namin. Pagkatapos makipaglaro kay Lance, pupunta na sa kwarto. Siya para gawin yung kailangan niyang gawin, ako naman para gumawa ng homework at aralin ang mga magiging lesson kinabukasan.
"Hindi mo kasi iniintindi yung tinuturo ko."medyo naiinis na sabi niya,di ko siya masisisi kasi kanina pa ako dito sa problem na to, at nakailang beses na siya magpaliwanag pero hindi ko talaga magets.
"Kasalan ko ba na napakahirap mo magbigay ng homework? Ang layo sa binigay mong problem kanina sa school.!"naiinis ko na rin na sagot sa kanya. Bakit kasi may mga professor na ang dali ng binibigay na problem sa school, kaya pakiramdam mo alam mo na kung paano. Pero kapag nagbigay na ng homework napakahirap na! Masasabi mo nalang sa sarili mo. Tinuro ba to? -_-
"Madali lang naman kasi, hindi mo lang iniintindi. Subukan mo mag focus kapag pinapaliwanag ko sayo."sabi niya at lumapit na sa akin para ipaliwanag ulit kung paano yung formula gawin. At dahil sobrang lapit niya nanaman sa akin, nahihirapan nanaman ako mag focus!
Jane umayos ka utang na loob! Pang limang beses niya na yan itinuturo sayo, subukan mo naman intindihin! Wag ka paapekto sa kanya kahit na ba sobrang lapit na ng mukha niya sayo, na parang ang sarap na sunggabang ng halik.! WTF erase erase!
"Ayan nanaman hindi ka nanaman nakikinig sa akin."salubong ang kilay na sabi niya sa akin. Napansin niya pala na di nanaman ako nakikinig.
"E-eh kasi ang lapit mo sobra sa akin. N-naiilang ako."sabi ko sakanya. Nang tingnan ko siya, aba nakangiti ang loko!
"A-ano nginingiti ngiti mo?!"sabi ko sa kanya.
"Hindi mo naman sinabi na nadidistract ka kapag ang lapit ko sayo, kaya hindi ka makapag focus sa tinuturo ko."sabi niya at pinipigilan matawa.
"H-hoy lalaki wag ka nga assuming. Hindi lang ako sanay na ang lapit mo masyado. P-pwede naman lumayo ng konti." Sabi ko lang at umiwas na ng tingin.
"Bakit? Dati naman nung girlfriend palang kita, tuwing tinuturuan kita kahit sobrang lapit ko pa, yung tipong halos magkapalit na ang mukha natin. Hindi ka naman nagrereklamo? Bakit ngayon? Naiilang ka? "sabi niya at halatang nang-aasar na.
"Iba yun noon, sa ngayon."seryosong sabi ko.
"Oh bat ang sungit mo na. Binibiro lang kita."sabi niya.
"Ewan ko sayo. Puro ka kasi biro "
"Ito naman masyadong seryoso, sorry na. Tara tuturuan na kita, hindi na rin ako masyadong lalapit para di ka na mailang." sabi niya at mukha naman seryoso siya kaya lumapit na ako. At nag-umpisa na siyang magturo ulit. At sawakas nainitindihan ko na kung paano isolve ng tama, natapos ko na rin yung homework ko.
"Salamat"sabi ko. Nginitian niya lang ako at bumalik na sa ginagawa niya.
-----
"Aba gumagaling ka na sa Math Jane!"narinig kong sabi ni Francis. Nasa Canteen kami magkakaibigan. Wala na kasi kaming klase ngayon.
"Paano hindi? Eh magaling sa Math ang asawa."sabi ni Liezel na ikinatawa nila.
"Lizel baka may makarinig sayo."saway ko.
"Sorry."sabi niya at nag peace sign pa sa akin.
"Oh paano? Kila Jane tayo ngayon, tutal maaga naman natapos klase natin."biglaang sabi ni Josh.
BINABASA MO ANG
Prof ko, Ex ko (Aldub)
RandomMayroon akong Ex , ok na sana. Naka move on na ko. Kaso biglang bumalik, ang masama Prof ko pa . Maging masaya kaya ang College Life ko kung siya ang lagi kong makikita? A/N: Hello Guys Another Aldub Story na likha nanaman ng Malikot kong Utak. Di...