FLASHBACK
CHARLES POV
"Bro mauuna na ako, inaantay na kasi ako ni Terrence sa parking lot."paalam ni Troy, bestfriend ko slash team mate ko din. Katatapos lang kasi ng practice namin ng basketball. Next week na kasi ang laban namin sa ibang school.
"Sige bro. Aayusin ko nalang ang gamit ko. Magkikita pa kasi kami ni Jane mamaya."nakangiting sabi ko.
"Asus inlababo ka talaga sa freshmen student na yun."pang-aasar niya.
"Ewan ko sayo. Maghanap ka nalang din kasi ng totoong girlfriend. Para naman hindi na ang kapatid mo ang lagi mong kasabay umuwi."
"Bro ano akala mo sa mga naging girlfriend ko, peke?"natatawang sabi niya.
"Ang ibig sabihin ko, yung pang seryosohan na! Hindi na yung pang kama nalang! Gagraduate na tayo bro! Magbago ka na"
"Alam mo Charles balak ko naman talaga yun, ang kaso hindi ako gagaya sayo na mag hahanap ng girlfriend ay yung bata pa. Minor pa si Jane bro."iiling iling na sabi niya. Simula palang ng relasyon namin ni Jane ay lagi niya ng sinasabi yan. Hindi sa ayaw niya kay Jane, kung tutuusin ay gusto niya nga ang ugali ng huli. Kaya lang lagi niya sinasabi na sana daw ay yung kasing edad ko nalang. Masyado daw kasing bata si Jane para sa akin.
"Troy 3 years lang ang age gap namin ni Jane. Kung makapagsalita ka naman akala mo sobrang tanda ko na para sa kanya. At kapag naramdaman mo na kasi ang love, wala ka ng kawala! Kahit ba ilang taon pa ang agwat niyo."nakangiting sabi ko. At bigla ko nalang naalala si Jane, yung mga ngiti niya sa akin tuwing magkasama kami.
"Ah basta ako ayokong mag girlfriend ng mas bata sa akin. Sasakit lang ulo ko."sabi niya at naglakad na palabas ng locker room.
"Nako wag kang magsalita ng tapos!"iiling iling na sabi ko.
Tapos na akong magligpit ng gamit ko at naghahanda na para lumabas ng marinig kung bumukas ang pinto. Kaya naman nilingon ko.
"Tracy.."siya ang huling naging girlfriend ko bago naging kami ni Jane. Nagtagal din kami ng 3 months.
"Charles pwede ba tayong mag-usap."
"Wala tayong dapat pag-usapan Tracy."seryosong sabi ko. Lumapit siya sa akin kaya naman napa atras ako.
"Please Charles pumayag ka ng makipagbalikan sa akin. Promise hindi ko na aawayin lahat ng babae na lumalapit sayo. Hindi na rin ako makikipag-usap kay Jerome."pagmamaka-awa niya. Pero umiling lang ako.
Ako kasi ang nakipaghiwalay sa kanya. Nagsawa na kasi ako na lahat na lang ng lumalapit sa akin na babae ay aawayin niya, masyado rin siyang spoild brat, hindi umaayon sa edad niya ang kinikilos niya. At ang Jerome na tinutukoy niya ay ang isa ko pang team mate. Isang beses nakita ko sila na magkasama sa isang mall. Doon na ako nagdesisyon na makipaghiwalay na.
"Ano ba ang gusto mong gawin ko ha?!"sigaw na niya.
"Tracy matagal ng tapos ang relasyon natin. Mag move on ka na."Mahinahon pero seryosong sabi ko.
"Sino ba pinagyayabang mo ha? Yung freshmen na girlfriend mo?! Pareho natin alam na kapag sawa ka na sakanya! At nakuha mo na ang gusto mo! Hihiwalayan mo rin siya katulad ng ginawa mo sa mga past relationship mo!" Makikita mo ang galit kay Tracy habang sinasabi yun.
"Iba si Jane. Mahal ko siya. Hindi siya katulad ng iniisip mo."sabi ko at tinalikuran na siya para sana umalis na, pero bago pa ako makalabas ay hinawakan na niya ang braso ko, at hindi ko inaasahan ang susunod niya ginawa.
Hinalikan niya ako. Hindi ko alam pero hindi ko kaagad siya naitulak ng ginawa niya yun. Pinakiramdaman ko ang halik. Pero wala akong naramdaman kahit ano, hindi katulad noong panahon na kami pa.
BINABASA MO ANG
Prof ko, Ex ko (Aldub)
Ngẫu nhiênMayroon akong Ex , ok na sana. Naka move on na ko. Kaso biglang bumalik, ang masama Prof ko pa . Maging masaya kaya ang College Life ko kung siya ang lagi kong makikita? A/N: Hello Guys Another Aldub Story na likha nanaman ng Malikot kong Utak. Di...