"Mommy!"agad naman akong napatingin kay Lance na tumatakbo papunta sa akin.
"Andito ka na pala. Hinatid ka ba nila Lola mo?"tanong ko habang karga karga ko na siya . Kararating ko lang kasi galing school.
"No mommy. Sinundo po ako ni Daddy. Kasama na rin namin si Yaya Rosa."
"Asan ang daddy mo?"tanong ko.
"Nasa room niyo po."sagot niya. Sakto naman na lumabas sa kusina si Manang Rosa.
"Magandang gabi Hija."bati ng matanda. Matagal ko na rin kilala si Manang kahit noon pa na boyfriend ko si Charles at talagang mabait ito.
"Magandang gabi rin Manang, kanina pa po ba kayo?"tanong ko at ibinaba na si Lance. Agad naman itong tumakbo paakyat sa taas.
"Kanina pa kami, nakaluto na nga ako dinner. Tara kain ka na."
"Sige po. Magpapalit lang ako."paalam ko at umakyat na rin.
Nang makapasok na ako sa kwarto nakita ko si Charles at Lance na naglalaro sa may kama.
"Bumaba na kayo, nakaluto na si Manang ng dinner, mamaya na kayo maglaro ."sabi ko sa kanila at agad naman silang tumigil sa ginagawa nila.Papasok na sana ako sa walk in closet ng magsalita si Charles.
"Bakit ngayon ka lang? Ang alam ko pag ganitong araw hanggang alas tres ka lang."hindi ko inaasahan yung sinabi niya. Hindi ko alam na alam niya pala ang schedule ko.
"May tinapos lang ako na homework sa library para wala na akong gagawin dito."nakasanayan ko na kasi yun. Naisip ko kasi na kapag dito pa ako gagawa ng homework or magrereview baka hindi na ako magkaroon ng oras sa anak ko. At ayoko naman na mangyari yun.
"Sa susunod mag text ka man lang kung hindi ka kaagad makakauwi."pagkasabi niya nun, binuhat niya na si Lance at bumaba na.
"Problema nun? Bat ang sungit?"nagkibit balikat nalang ako. Baka naman pagod lang.
-------
"Mommy may baby brother na po ba ako?"biglaang tanong ni Lance habang kumakain kami, kaya naman pareho kaming nasamid ng Charles pagkarinig sa sinabi ng anak namin. Si Manang Rosa naman natawa lang.
"A-anak ano ba yang sinasabi mo?"tanong ko ng makabawi ako. Si Charles naman inaanatay sumagot si Lance.
"Kasi po mommy, sabi ni lola Carla kaya daw po doon ako sa kanila natulog kagabi kasi gagawa daw kayo ni daddy ng baby brother ko."sagot ni Lance na para bang wala lang yung sinabi niya. At hindi ko alam bakit pakiramdam ko nag-init buong mukha ko, ng tingnan ko naman si Charles halatang nagpipigil ngumiti. Jusko anak, kung ano ano sinasabi sayo ng lola mo!
"Mommy Daddy may baby brother na po ba ako? Nakagawa na po ba kayo? Kailan ko makikita?"sunod sunod na tanong ni Lance. Nako anak kung makapagtanong ka para bang laruan lang ang hinahanap mo!
"Baby hindi pa kami nakakagawa ng baby brother mo, pero kung gusto mo na, sabihin mo sa mommy mo!"agad ko namang tiningnan na masama si Charles. Isa pa to! Kanina ang seryoso ngayon naman biglang makikisali sa pangungulit ng anak niya.
"Magtigil nga kayong mag-ama kumain na kayo."sabi ko nalang.
"Mommy gusto ko po ng baby brother, gawa na po kayo ni daddy. Para po may kalaro na ako."pangungulit pa ni Lance at mukhang walang balak kumain hanggat hindi nakakakuha ng sagot sa akin.
"Oo nga mommy, gawa na tayo ng baby brother para may kalaro na si Lance. Diba baby?"gatong pa ni Charles at nakipag apir pa sa anak namin! Sinipa ko nga !
"Ouch!"daing niya at tiningnan ako. Tinaasan ko nga ng kilay.
"Bakit daddy?"tanong ni Lance kay Charles.
"Wala baby."sagot niya at ngumiti pero halatang nasaktan sa sipa ko.
"Anak hindi basta basta ang paghingi ng baby brother,hindi yan parang laruan na pag gusto mo, ay basta nalang ibibigay sayo. Pinagdadasal yun baby, kung gusto mo talaga magkaroon ng baby brother, ipag pray mo kay Papa God "malumanay na sabi ko sakanya. At mukha namang naiintindihan niya ang sinasabi ko kaya napatango tango siya.
"Naiintindihan mo ba anak?"tanong ko kay Lance.
"Opo."sagot niya at pinagpatuloy na ang pagkain. Nang tingnan ko si Charles ay nakatingin rin pala siya sa akin. Nginitian niya ako, at may emosyon akong nakikita sa mata niya pero hindi ko naman masabi kung ano iyon.
----"Ang layo mo na sa Jane na kilala ko noon."agad naman akong napatingin kay Charles ng sinabi niya yun. Kapapasok ko lang ng kwarto namin at naghahanda na para matulog ng magsalita siya. Katatapos ko lang kasi patulugin si Lance.
"Hah?"di ko kasi maintindihan yung sinabi niya.
"Hindi na ikaw yung Jane na kilala ko noon. Hindi ka na yung may pagka-isip bata na girlfriend ko na kapag may gusto, yun ang dapat masunod. Matured ka na mag-iisip ngayon.."seryosong sabi ni Charles.
"Ano bang sinasabi mo?"nagtatakang tanong ko. Bigla nalang kasi nagsasalita ng kung ano.
"Kanina kung paano ka magpaliwanag kay Lance. Nakita ko kung paano ka nag mature."sabi niya at nginitian pa ako.
"Siguro yun ang epekto ng pagiging nanay. Nagiging mature na mag-isip. "paliwanag ko.
"Salamat"biglaang sabi niya pagkatapos ako titigan.
"Para saan?"
"Sa pagpapalaki ng maayos kay Lance. Kahit wala ako, nakayanan mo mapalaking matalinong at mabait na bata ang anak natin."sabi niya habang nakatingin pa rin sa akin, naiilang na umiwas ako ng tingin. Ang hirap makipagtitigan sa gwapo!
"Kung hindi dahil sa magulang ko siguro sumuko na ako. Kaya utang na loob ko sa kanila na hindi nila kami pinabayaan ni Lance"sabi ko at naalala ko yung mga sakripisyo nila mommy at daddy nung mga panahon na nahihirapan ako magbuntis, andyan sila at hindi kami pinabayaan ng anak ko.
Mahabang katahimikan ang namamagitan saamin kaya medyo naiilang ako.
"Mommy gagawa na ba tayo ng baby brother para kay Lance?"biglang sabi ni Charles. Siguro para maalis yung pagiging awkward. Binato ko nalang siya ng unan na agad kong nahawakan. Pero dahil mabilis siya, nakailag siya.
"Isa ka pa! Nakikisali ka sa anak mo. Manang mana sayo sa kakulitan mo!"sabi ko at nahiga na.
"Pogi naman."sabi niya at tumawa pa. Hindi naman na ako umimik, kasi totoo naman na nagmana sa kagwapuhan niya ang anak namin.
Hindi ko napapansin, nakangiti na pala ako.
--------
CHARLES POV
Gagawin ko ang lahat para bumalik kami sa dati ni Jane. Para mag work ang kasal namin. Patutunayan ko sa kanya na tama ang desisyon niya na magpakasal sa akin. Sisiguraduhin ko na magiging masaya ang mag-ina ko sa piling ko.
BINABASA MO ANG
Prof ko, Ex ko (Aldub)
RandomMayroon akong Ex , ok na sana. Naka move on na ko. Kaso biglang bumalik, ang masama Prof ko pa . Maging masaya kaya ang College Life ko kung siya ang lagi kong makikita? A/N: Hello Guys Another Aldub Story na likha nanaman ng Malikot kong Utak. Di...