22

3.1K 160 19
                                    

Jane POV

"Maganda hapon."agad akong napalingon sa nagsalita.

"Tito Carl.!"bati ni Lance sa tito niya at agad na tumakbo papunta doon.

"Hindi naman halata na namiss mo ako."natatawang sabi niya at binuhat agad ang pamangkin. Lumapit na rin siya sa pwesto ko para batiin.

"Buti naisipan mo pumasyal, huling kita ko sayo ay noong kasal namin ni Charles."sabi ko sa kanya ng umupo siya sa tabi ko.

"Naging busy lang. Mukhang hindi lang si Lance nakamiss sa akin ah. Pati na rin ikaw."pang-aasar niya.

"Ewan ko sayo. Kapag dumadalaw kami sa mansyon tuwing sunday, wala ka naman doon. Akala ko nga iniiwasan mo ako."biro ko. Nakasanayan kasi namin na magpunta sa kanila tuwing sunday. At every Saturday naman ay sa bahay naman. Para lagi pa rin nakikita ni Lance ang mga lolo at lola niya.

"Sus bakit naman kita iiwasan. Nagkakataon lang talaga."sabi niya kaya natawa naman ako kasi parang ang defensive niya.

"Asan pala si kuya?"pag-iiba niya ng usapan.

"Nasa school pa. Siguro mamaya ay andito na yun."sabi ko.

"Tito Carl lets play basketball. Marunong na po ako kasi tinuruan ako ni Tito Josh at Tito Fracis."sabi ni Lance at hinatak na ang tito niya. Kaya naman naiwan ako sa may sala, naisipan ko na antayin nalang si Charles. Kailangan na kasi namin mag-usap. Hindi pwede na nag-iiwasan kami.

Siguro kalahating oras na akong nakaupo doon ay hindi pa rin dumadating si Charles. Kaya naman naisipan ko nalang na puntahan sa garden ang mag tito.

"Kayong dalawa tama na nga yan. Magpahinga na muna kayo.!"sigaw ko sa kanila.

Agad naman silang tumigil. At sabay sabay na kaming nagpunta sa dinning area para makapagmeryenda.

"Manang pakipalitan naman po ng damit si Lance , pawis na pawis na po kasi."bilin ko kay Manang Rosa at agad naman niyang sinunod. Kaya kami nalang ni Carl ang naiwan.

"So ano ba pinagkakaabalahan mo at parang lagi kang busy?"tanong ko habang kumakain kami.

"Busy ako sa kompanya,alam mo naman na 2 years from now mag re-retire na si Dad. Kaya kailangan makabisado ko na ang pasikot sikot kung paano mapalakad ng maayos."

"Kaya naman pala. Pero bukod sa kompanya wala ka bang ibang problema?"tanong ko. Mukhang nagtataka siya sa tanong ko kaya salubong ang kilay na tiningnan niya ako.

"What do you mean?"

"Nakwento kasi ni Mommy Carla na madalas ka daw umuwi ng lasing nung mga nakaraang linggo. Kaya naisip niya baka may problema ka."

"Si mommy talaga."iiling iling na sabi niya at tinapos na ang pagkain. Mukhang walang balak magkwento.

"Oy Carl magkwento ka naman. Ano ba problema mo? Promise di ko ikukwento kay mommy. Atin lang dalawa."pilit ko.

"Wala akong problema. Pareho lang kayo ni mommy na makulit."mukhang naiirita na siya.

"Sus siguro babae problema mo nuh? Nabasted ka ba?"pangungulit ko pa rin. At wala akong balak tumigil hanggat hindi nalalaman problema niya.

"Okey fine. Tama ka babae ang problema ko."napipilitang sagot niya.

"So may nililigawan ka na pala at mukhang binasted ka."panghuhula ko.

"Hindi ko siya nililigawan."na curious naman ako sa sinabi niya.

"Wait naguguluhan ako. Baka gusto mong linawin."bumuntong hininga muna siya bago nagsalita.

Prof ko, Ex ko (Aldub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon