2- Sir Charles

3.5K 131 3
                                    


"Good Morning Class. My name is Charles Reyes. Ang professor niyo sa Algebra." sabi niya sa harap. Ibang iba na siya sa dating Charles na kilala ko. Parang ibang tao ang nasa harap. Ang seryoso niya masyado. Medyo nag matured din yung mukha niya. Mas lalo siyang naging gwapo. Yung katawan niya mas lalong lumaki, mahahalata mo sa suot niya ang mga muscle niya sa braso.

"Isulat sa 1/8 index card yung pangalan niyo at ipasa."pagkasabi niya nun umupo na siya. Dahil nasa likod ako at bandang gilid , mukhang di niya pa ako nakikita. Shit kinakabahan ako, parang gusto ko lumabas at idrop ang subject na to!  Ano kaya magiging reaksyon niya pag nakita ako?

"Jane? wala ka bang index card?"

"Hah? Meron bakit?"

"Isulat mo na kaya yung name mo at ng maipasa na.Mukhang masungit pa naman si Sir." Ay oo nga. Kakaisip ko kasi nakalimutan ko may pinapagawa pala siya. Dali dali kong sinulat name ko sa index at ibinigay kay Liz siya na daw kasi magpapasa nung amin.

"Okey wala na ba? Isa isa kong tatawagin kayo at magpapakilala para naman makilala niyo na rin ang isat isa.

Dahil sa sinabi niya lalo akong kinabahan. Waaaaaaah 

Halos lahat natawag niya na,  kami nalang ni Lizel ang hindi pa natatawag.

"Jane nakakakaba si Sir nuh? Nakaka intimidate masyado " Tumango nalang ako kasi parang nahihirapan na ko magsalita sa sobrang kaba ko.

At mas domoble pa ata bilis ng tibok ng puso ko ng marinig ko na si Lizel na ang tinawag niya.

Yumuko ako para di niya ako mapansin. Alam ko kasi na nakatingin siya sa lugar namin dahil si Lizel na ang  nagsasalita

Charles POV

"Good Day Sir. Lizel Chua po. 17 years old."

"Kaano ano mo si Francis Chua?"tanong ko.  Mabilis kasi ako makatanda ng mga bagay bagay kaya natandaan ko na may natawag akong Francis Chua kanina.

"Twin brother ko po."nakangiti niya ng sabi.  Tumango nalang ako at nilipat ang index card sa susunod na tatawagin ko.  Ito na ang last na estudyante.

Napakunot noo ako ng makita ang pangalan nung nasa index Card.

Jane Fajardo

Pero maraming Jane Fajardo sa mundo at imposible na siya ang Jane na nasa isip ko kasi malamang nakagraduate na yun.

Huminga muna ako malalim bago ko tinawag yun.

"Jane Fajardo" nilibot ko ang paningin sa loob ng classrrom at tahimik lang silang nakatingin saakin. Walang sumasagot o tumatayo.

"Jane Fajarfo?"inulit ko ang tawag at ganun pa rin.

"Wala bang Jane Fajardo dito? Bakit may index card siya?" inis kong tanong. Ayoko sa lahat yung ganito na para akong tanga sa harap.

"Sir?"napatingin naman ako sa tumawag.

"Yea Ms Chua?"

"Sir ito po si Jane Fajardo."Sabi niya sabay turo sa babaeng nasa tabi niya na nakayuko.

"Ms Fajardo? Bakit ayaw mo magsalita?" kunot noo na tanong ko at mahahalata na sa boses ko ang inis.

At ayun dahan dahan na niyang inangat ang ulo niya .

Prof ko, Ex ko (Aldub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon