7

2.9K 145 20
                                    


"Buntis ka, anong plano mo?"napabuntong hininga nalang ako sa tanong ni Carl. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pagkatapos ko kasi mawalan ng malay sa canteen dinala agad ako ni Carl sa Hospital na malapit sa University na pinapasukan namin. Pagkatapos ng mga test na ginawa sa akin, nalaman nga namin na nagdadalang tao ako.

"Dapat malaman agad to ni Kuya." agad akong napalingon kay Carl pagkarinig sa sinabi niya.

"NO!"

"Huh?"

"Ayokong sabihin sa kanya."

"Siya ang tatay ng dinadala mo, karapatan niyang malaman."kunot noo na nakatingin siya saakin. Halatang hindi sang ayon sa sinabi ko.

"Para ano? Masaktan ulit ako? Paano pag ikaila niya na siya ang tatay? Paano kung talikuran niya ang responsibilidad? Tama ng niloko niya ako. Ayokong madamay ang magiging baby namin."umiiyak na paliwanag ko kung bakit ayokong sabihin kay Charles ang kondisyon ko.

"Hey wag ka ng umiyak, makakasama sa baby mo."Sabi ni Carl at inabutan ako ng panyo, siya na rin ang nagpunas ng mga luha ko.

"M-maipapangako m-mo ba sa akin na hindi mo sasabin sa kuya mo ang kondisyon ko?"matagal bago siya sumagot halatang pinag-iisipan ang magiging sagot.

"Carl?"

"Fine hindi ko sasabihin kay kuya. Pero promise mo sa akin na iingatan mo ang ang sarili mo at ang baby na nasa tyan mo."

"Promise."

"Pero hindi magtatagal lalaki ang tyan mo. Mahahalata na ng lahat. Paano mo sasabihin sa parents mo? Yung pag-aaral mo paano na?" Biglang tanong ni Carl. Doon ko lang naalala kung paano ko ba sasabihin sa parents ko.

"Siguro tapusin ko muna ang sem na to, tutal dalawang buwan nalang, end na ng semester. Di pa naman mahahalata ang tyan ko kaya walang magtatanong .At sila mommy at daddy paniguradong magagalit sila pag nalaman nila pero kilala ko sila, alam kong susuportahan nila ako."nakangiti kong sagot sa tanong ni Charles.

At tama nga ang hinala ko. Nagalit sila ng malamang buntis ako. Pagkauwi ko rin kasi ng gabing iyon sinabi ko kaagad sa magulang ko na buntis ako. Hindi rin kasi ako sanay na magtago ng secreto sa kanila. Nagalit sila lalo na si daddy, hindi daw nila alam kung anong pagkakamali nila sa pagpapalaki sa akin at nabutis ako ng ganoon kaaga.Hinanap rin nila kung sino ang ama ng dinadala ko. Pero nagmatigas ako na di sabihin sa kanila. Kilala ko sila, alam ko na gagawa sila ng paraan para panagutan ako ni Charles. At di ko maatim na gawin nila yun.

Isang linggo din nila akong di pinapansin. Nasasaktan ako sa ginagawa nilang parang di ako nakikita. Pero alam ko naman na kasalanan ko.

"Kamusta na kayo ng parents mo?"tanong ni Carl. Nakaupo kami sa ilalim ng puno sa may garden para mag-aral . Lagi na talaga kaming magkasama. Bukod sa pareho kami ng schedule, di niya talaga ako iniiwan kahit na wala kaming klase. Sabi niya para na rin daw mabantayan ako dahil nga sa kondisyon ko. Minsan tinutukso kami ng mga blockmates namin, yung iba naman ang tingin sa akin malandi dahil alam nilang ex boyfriend ko si Charles na kapatid ni Carl at iniisip nila na may namamagitan sa amin ng huli. Di ko nalang pinapansin dahil ayoko na rin ng gulo.

"Ganun pa rin. Nasaktan ko sila kaya di maiiwan na magalit sila. Pero umaasa pa rin ako magkakayos agad kami. Ngayon ko sila kailangan," Nakangiting sabi ko sa kanya at tinutok na ang tingin ko sa librong hawak ko. At ganun na rin ang ginawa niya.

Bigla akong napaangat ng tingin ng maramdaman kong may nagmamasid sa amin. Pero wala naman akong nakita.

"Bakit? May problema ba?"tanong ni Carl. Nakatingin na rin siya sa tinitingnan ko.

"W-wala. Para kasing may nagmamasid sa atin kanina. Pagtingin ko wala naman. Guni guni lang siguro." Nakangiti kong paliwanag sa kanya.

Mabilis lumipas ang mga araw at last 2 weeks na ng semester ngayon.

Nagkaayos na rin kami ng mga magulang ko at napatawad na nila ako.Nung nakaraan nga lang kasama ko pa si Mommy at Daddy para magpacheck up. Tuwang tuwa sila ng na ultrasound ako. Nakita na kasi nila yung magiging apo nila. Kahit pa napakaliit palang iyon. Hindi na rin nila ako pinilit na sabihin ang pangalan ng tatay ng magiging anak ko.

"Jane okey lang ba na sa bahay nalang natin tapusin yung isang requirement natin sa Biology. Final touch nalang din naman yun."sabi ni Carl. Magkagroup kasi kami sa isang project.

"A-ahm a-ano k-asi..."

"Wag kang mag-alala wala si kuya doon. Gabi na kung umuwi yun ngayon. Alam mo naman graduating na kaya mas busy siya."nakangiti siya habang sinasabi yun. Tumango na rin ako bilang pagsang-ayon. Nakakahiya na rin kasi kung tatanggi pa ako.Eh halos siya na nga lahat ng gumawa ng project namin tapos kung lilipat pa kami ng location mahihirapan pa kami maglipat ng mga materials.

Sa nakalipas rin na mga araw di kami nagkikita o nakakasalubong man lang ni Charles. Huling nakita ko siya ay noong sa canteen pa ng nawalan ako ng malay. Siguro katulad ko umiiwas na rin siya na makita ako. At alam ko naman na masaya na sila ng babae niya.

Andito kami sa Sala ng bahay nila Carl. Nililigpit na namin ang mga materials na ginamit namin para sa project na ginawa namin ng may biglang nag salita sa likod namin.

"Andito pala sa bahay namin ang ex girlfriend ko."Agad akong napatayo pagkarinig sa boses na iyon. Aaminin ko namiss ko ang boses na iyon lalo na si Charles.

"Kuya."hinawakan agad ako ni Carl sa braso ng tangka akong lapitan ni Charles.

"Mukhang totoo nga ang balita sa campus na may namamagitan sa inyo "hindi ko inaasahan ang sinabi ni Charles. Mukhang nakainom rin siya.

"Kuya umakyat ka na sa taas. Nakainom ka."mahinahong sabi ni Carl sa kuya niya.

"Noong una hindi ako naniniwala na may namamagitan sa inyo kasi alam ko na hindi mo papatulan ang KAPATID ko pero mukhang nagkamali ako ng akala."Nakatingin siya sa akin habang sinasabi iyon. Nasasaktan ako sa sinasabi ni Charles pero hindi ko alam kung bakit andito pa rin ako nakatayo sa harap niya at mukhang nag-aantay pa ng mga masasakit na salita na manggagaling dito."

"Kuya bisita ko si Jane kaya wala kang karapatan na sabihan siya ng ganyan."halata na rin sa boses ni Carl na galit na siya at di niya nagugustuhan ang mga sinasabi ng kuya niya.

Ngunit hindi ito pinansin ni Charles at hinablot pa ang braso ko. At hindi ko inaasahan ang susunod niyang sasabihin.

"Hindi ba kita na satisfy ng may mangyari sa atin kaya naghanap ka ng iba? At sa kapatid ko pa talaga! SABIHIN MO JANE! MAS MASARAP BA SIYA?!"Hindi ko na napigilan at nasampal ko siya.Hinablot na rin siya ni Carl at sinuntok ito. Hindi ko na sila pinansin at agad na akong tumakbo palabas ng bahay nila.

Akala ko masakit ng malaman na niloko niya ako , na makita siyang may kahalikang iba. Pero may mas isasakit pa pala yun. Ang masabihan ng ganun ng taong minahal mo ng sobra. Hindi ko inaasahan na may magsasabi sa akin ng ganun lalong lalo na, na manggagaling sa kanya

Iyak ako ng iyak habang naglalakad palabas ng subdivision nila. Buti nalang may taxi na biglang huminto sa tapat at agad siyang sumakay.

Sinabi ko lang sa taxi driver kung saan ako magpapahatid .Hindi pa rin tumitigil ang luha ko kahit na sinasabi ko sa sarili ko na dapat tumigil na dahil makakasama iyo sa baby.

Agad akong napatingin sa phone ko ng mag ring. Tumatawag si Carl pero hindi ko sinagot. Nagtext nalang ako na pauwi na ko at wag ng mag-alala.

Nakauwi ako ng safe sa bahay. Ng gabi ding iyon buti nalang at tulog na ang parents ko kaya hindi ako nakitang umiiyak.

Habang nakahiga sa kama , nakapagdesisyon ako.

Lalayo ako at ang magiging anak ko.

------

A/N: Sorry po kung halos 2 months di nakapag update. Nabura kasi ung una kong gawang draft.Di ko agad na publish kasi nasa province ako walang Wifi. Nahirapan ako mag-isip ulit ng isusulat.

Pls Vote po kung nagustuhan niyo at Comment.  Para po malaman ko kung may nagkakagusto bang magbasa ng story ko  Salamat po: )

Prof ko, Ex ko (Aldub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon