"Mommy!"napangiti agad ako ng makita ko ang anak ko. Buong araw ba naman na di ko siya nakita. Nakakapanibago ang pumasok ulit sa school.
"Kamusta baby? Nagpakabait ka ba kay Grandma?"
"Yes mommy."sagot ng bibo kong anak.
"Ito na baby ang pasalubong ko sayo."inabot ko sa kanya ang Fries na galing sa Mcdo. Favourite niya kasi yun.
"Thank you mommy."
"Your welcome baby, sige na magplay ka na ng toy mo "sabi ko sa kanya.
"O anak kamusta 1st day sa school?" napatingin naman ako kay Mommy na kakarating lang.
"Ok lang mommy. Masaya na nakakapanibago."Nakangiti kong sagot sa kanya.
"Tumawag ang daddy mo, bukas na ang flight niya pabalik."
"Napaaga po ata ang balik ni dad."Dapat kasi sa saturday pa ang dating niya. May business trip kasi siya.
"Alam mo naman ang daddy mo, miss niya na ang apo niya. Di na yun sanay na nawawala ng matagal."Napangiti ako sa sinabi ni mommy. Mahal na mahal ng parents ko si Lance. Noon nga na umamin ako sa kanila na buntis ako, nung una syempre nagalit sila pero saglit lang. Sinuportahan nila ako. Siguro bukod sa nag iisang anak lang ako, gusto na rin nila na magkaroon ng baby dito sa bahay.
"Thank you mommy " nakangiti kong sabi sa kanya.
"Para saan?"takang tanong ni Mommy.
"Para po sa lahat.Sa magmamahal niyo sa akin ni dad at pagmamahal na rin kay Lance."
"Anak ka namin kaya mahal ka namin, si Lance apo namin kaya mahal rin namin."nakangiti si Mommy habang sinasabi yun.
"Sige mommy akyat na po ako sa taas. Magbibihis lang po ako."
"Bumaba ka agad pagkatapos mo, ihahanda ko na ang dinner "
"Opo."
Katatapos ko lang patulugin si Lance, at papunta na ko ng kwarto ko ng masalubong ko si Mommy.
"Anak pwede ba tayo mag-usap?"
"Sige po. Maaga pa naman."
Andito kami ngayon sa sala.
"Tungkol saan po ba pag uusapan natin?"tanong ko.
"Nak may problema ka ba? Kanina kasing kumakain tayo parang ang lalim ng iniisip mo."Napatingin agad ako kay mommy pagkasabi niya nun.
"Ma wala po."nakangiti kong sagot sa kanya.
"Anak kilala kita, alam ko na may bumabagabag sayo."Dapat lang siguro na sabihin ko na agad kay Mommy.
"Yung daddy po kasi ni Lance, nagkita ulit kami kanina."
"Talaga? Saan? Alam niya na ba na may anak siya sayo?"
"Hindi po. Professor ko po siya sa isang subject."hindi agad nakapagsalita si Mommy.
"Ma?"
"Anak? Okey ka lang ba? Gusto mo ba lumipat ng school?"natawa naman ako sa sinabi ni Mommy.
"Seriously ma? Gusto mo lumipat ako ng school?"
"Biro lang anak. Pero wala ka bang balak na sabihin sa kanya ang totoo?"
"Natatakot ako.Paano pag di niya matanggap si Lance? Di lang si Lance masasaktan pati na rin ako."
"Eh paano naman pag natanggap niya?"Tanong rin ni Mommy.
"Baka kunin niya sa akin si Lance. Di ko kaya yun mommy."Naiiyak kong sagot.
"Anak sapalagay mo ba mapapayagan namin yun ng daddy mo? Ang akin lang naman lumalaki na ang apo ko, tatlong taon na siya. At naghahanap na ng daddy."Tama si mommy, naghahanap na ng tatay si Lance pero lagi kong sagot sa kanya na wala pa ang daddy niya. Di ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Buti nalang bukas wala akong subject na Algebra. Di ko siya makikita.
School
Kasama ko ngayon si Lizel papuntang Gym. Tatambay daw muna kami dun, 1 hour pa kasi bago yung PE subject namin.
"Sana naman hindi mahirap PE natin. Ayoko talaga nun. Nakakapagod."Reklamo ni Lizel.
"Ano ka ba ok ngayon eh. Mababawasan mga fats mo sa katawan kasi papawisan ka talaga."sagot ko sa kanya.
"Sabagay pero nakakapagod talaga yun. Sana nga lalaki prof natin , yung gwapo din tulad ni Sir Charles."Natigilan ako pagkabanggit ng pangalan ni Charles.
"May problema ba?"
"W-wala"
"Crush mo rin siguro si Sir Charles nuh? Kaya siguro kahapon di ka agad makatayo nung tinawag pangalan mo kasi nahihiya ka " Pang-aasar sakin ni Lizel.
"Ako? Hindi ah. At prof natin yun ano ka ba."
"Ito naman! Wala naman masama kasi Crush lang naman.At mukhang di naman nalalayo edad niyo"Kita mo tong babaeng to, ako pa ang napagtripan.
"Ewan ko sayo. Tara na nga."At hinatak ko na siya papuntang Gym. Medyo kabisado ko na yung lugar dito kasi kahapon ipinasyal ako dito ni Lizel para daw di ako maligaw .
Pagkarating namin ni Lizel sa Gym ang daming tao. Mukhang nanonood ng nag papractice ng basketball.
"Bakit ang daming tao? Mukhang practice lang naman yan ng basketball."tanong ko kay Liz.
l
"Ganun talaga. Ang dami ba namang gwapo sa player ng basketball team marami ang gustong manood. At si Josh talaga ang inaabangan nila. Alam mo na. ""So dahil lang sa mga gwapo kaya ang daming gustong manood? psh"
"Tara nood din tayo " At hinatak na niya ako sa kumpulan ng tao.
Sakto naman dating namin dun, tapos na pala yung laro. Haha
"Ay ano ba yan. Di ko man lang nakita maglaro si Josh"inis na sabi ni Liz.
"Okey lang yan. Ano ka ba."
"Jane!"Nagulat naman ako ng may marinig akong tumawag sa pangalan ko. Pero baka di naman ako yung Jane na tinatawag kaya di ko pinansin.
"Tara na nga upo nalang tayo."Aya sakin ni Lizel.
"Jane!"This time nilingon ko na yung tumatawag sakin. Nakita ko si Josh na papalapit.
"Kanina pa kita tinatawag di mo ako pinapansin. Akala ko tuloy di mo na ko kilala."sabi niya sakin nung nasa harap ko na siya.
"Ay sorry Josh. Akala ko kasi ibang Jane yung tinatawag."Nakangiti kong paumanhin sa kanya.
"Okey lang.May next class ka pa ba?"
"Meron pa. PE last na to ngayong araw."sagot ko.
"Ahem."Si Liz yun. Nung tingnan ko siya para bang sinasabi niya na ipakilala ko siya.
"Ah Josh si Lizel pala, kaibigan ko. Liz si Josh."pakilala ko sakanila.
"Hi Lizel nice to meet you."nakangiting sabi ni Josh. Hilig niya talagang ngumiti eh nuh.
"Same."-Liz
"Ahm pwede ko ba kayou invite kumain sa Canteen? Libre ko."
"May next subject pa kasi kami."sagot ko. Naramdaman ko naman na siniko ako ni Lizel kaya napatingin ako sa kanya. Aba nilakihan pa ko ng mata.
"Okey lang. Antayin ko nalang kayo dito."-Josh
"Sige "pagpayag ko na rin. Nakakahiya naman kung tatanggihan.
Nagpaalam na kami ni Lizel para pumunta sa next subject namin. Napag-usapan rin namin na sa Canteen nalang kami magkikita.
A/N: Dapat kahapon ko pa to ipopost ang kaso sumama ako sa pinsan ko Mamanhikan. Nakakagutom pala yun? Haha BTW Congrats Bibi girl natin. Nanalo siya! Sulit pagod at puyat natin sa pag boto! Ang saya lang. Nakakaproud 😊😍
BINABASA MO ANG
Prof ko, Ex ko (Aldub)
RandomMayroon akong Ex , ok na sana. Naka move on na ko. Kaso biglang bumalik, ang masama Prof ko pa . Maging masaya kaya ang College Life ko kung siya ang lagi kong makikita? A/N: Hello Guys Another Aldub Story na likha nanaman ng Malikot kong Utak. Di...