"Jane kung kaibigan mo si Carl noon pa. Ibig sabihin matagal mo na rin kilala si Sir Charles kahit hindi pa natin ito nagiging professor."biglang sabi ni Josh.Nag-isip muna ako ng isasagot ko sa tanong ni Josh.
"H-ha? Oo. Schoolmate ko rin siya noon. 1st year college ako nun, at 4th year naman siya. Tulad mo kilala rin siya sa school kasi kasali rin siya sa basketball team ng school."sabi ko kahit medyo kinakabahan ako.
"Eh bat hindi mo man lang nakwento sa amin?"biglang tanong ni Francis.
"Ano kasi h-hindi naman kami close. Kung baga si Carl lang talaga ang kaibigan ko. Diba nga ang suplado niya."hindi ko alam kung nahahalata ba nila yung kaba na nararamdaman ko.
"Sabagay. Para naman kasing ang hirap maging kaibigan ni Sir Charles. Laging suplado. Buti nalang gwapo kaya dagdag sex appeal ang pagsusuplado."sabi ni Liezel.
"Pero sigurado ka talaga na magkapatid si Carl at Sir Charles?"tanong ulit ni Monica. Para bang di talaga makapaniwala.
"Hahaha oo sure na sure ako."sabi ko at nag change topic na kami. Buti na lang kasi kung magtatanong pa sila baka mabuko nila ang sekreto ko.
----------
"Hey may problema ba ?"napatingin ako kay Carl. Andito siya ngayon sa bahay para dalawin sana si Lance ang kaso hindi niya naabutan dahil kakaalis lang nito, sinama kasi ni mommy sa mga amiga niya. At dahil wala akong klase ngayon nakipagkwentuhan muna ako sa kanya.
"Ahm ano kasi."hindi ko alam kung paano uumpisahan. Hindi niya pa rin kasi alam na magkaibigan na ulit kami ng kapatid niya.
"Hey? Okey ka lang? May gusto ka bang sabihin?"sunod sunod na tanong ni Carl.
"T-tungkol kay Charles."sabi ko.
"Ano meron kay kuya? Pinahihirapan ka ba?"nag-aalalang tanong ni Carl. Kung alam lang nito na medyo bumabalik na si Charles sa dati niyang ugali. Hindi na to masyadong nagsusungit sa klase. Minsan naman gabi palang tatawag na to para sabihin sa akin na mag advance study ako sa mga topic na ididiscuss niya kinabukasan. Pag may hindi ako maintindihan tatawagan niya ako sa skype para maturo sa akin ng maayos. Pero hanggang doon lang ginagawa niya.
"Hindi niya ako pinahibirapan. Actually okey na nga kami."sabi ko at inaantay ang magiging reaksyon niya.
"Kayo na ulit?"tanong niya.
"No! Hindi kami nag kabalikan. I mean okey na kami. Kasi magkaibigan na ulit kami."sabi ko at ngumiti sa kanya. Matagal bago siya nagsalita ulit kaya kinabahan ako.
"Mali ba naging desisyon ko?"nag-aalalang tanong ko.
"Hindi mali ang desisyon mo. Pero dahil pinapasok mo ulit sa buhay mo si kuya Charles. Handa ka na rin bang papasukin si kuya sa buhay ni Lance?"tanong ni Carl at tiningnan ako ng mabuti. Ako naman ngayon ang hindi kaagad naka-imik. Handa na ba ako na malaman ni Charles na may anak na siya sa akin ?
"Pinag-iisipan ko ng mabuti kung dapat ko na bang sabihin sa kanya. Sa totoo niya gustong gusto ko ng sabihin kay Charles ang tungkol kay Lance pero natatakot lang talaga ako sa magiging reaksyon niya."paliwanag ko sa kanya.
"Kung ano man ang maging reaksyon ni kuya, tandaan mo lagi akong andito para sayo."nakangiting sabi ni Carl.
"Salamat talaga Carl at lagi kang nasa tabi ko. Isa ka talagang tunay na kaibigan."madamdaming sabi ko sa kanya. Simula noong nagkaroon kami ng problema ni Charles, laging nasa tabi ko si Carl at hindi ako iniiwan. Sadyang ako lang tong selfish at tinalikuran ang pagkakaibigan namin.
"Hanggang pagiging kaibigan nalang ba ako?"mahinang sabi ni Carl.
"May sinasabi ka ba?"tanong ko. Hindi ko kasi na intindihan.
"Wala. Sige mauuna na ako. Babalik nalang ako next week para dalawin si Lance."paalam nito. Kaya naman hinatid ko na siya sa labas.
Nang makaalis na si Carl ay bumalik na ako sa loob pero hindi pa ako nagtatagal ay biglang tumunog ang door bell.
"Sandali lang."sigaw ko. Sunod sunod kasi ang pag door bell.
"Hi."bungad ng lalaki na nasa labas ng gate.
"C-charles? Anong ginagawa mo dito?"bigla namang bumilis tibok ng puso ko pag kakita sa kanya.
"Dinadalaw ka."nakangiti siya at inabot sa akin ang isang bugkos ng carnation. Napangiti naman ako pagkakita sa bulaklak. Favorite ko kasi iyon.
"Ahm hindi mo ba ako papapasukin?"nataranta naman ako sa tanong niya. Nagdadalawang isip ako kung papapasukin ba siya. Baka kasi biglang dumating si Mommy at Lance.
Sa huli pinapasok ko na rin siya at dinala sa garden. Kung sa loob kasi ng bahay baka makita niya ang picture ni Lance. At kilala ko sa Charles masyado siyang matalino para hindi magtanong.
"Ahm saglit lang ha kukuha lang ako ng maiinom"paalam ko sa kanya. Pero bago ako dumiretso sa kusina pumunta muna ako ng kwarto para kunin ang phone ko at matawagan si Mommy. Sinabi kong wag muna uuwi. Nung una nagtataka siya pero sinabi ko na pagkauwi niya na lang ko ipapaliwanag. Bumababa rin ako kaagad.
"So napadalaw ka?"tanong ko sa kanya.
"Sa dalawang buwan kasi natin na pagiging magkaibigan hindi pa talaga tayo nagkakausap ng personal puro sa tawag at skype lang kaya naisip ko na puntahan ka nalang."tama siya. Hindi pa talaga kami nakakausap ng kami lang talaga sa personal.
"Saan mo naman nakuha ang address ko?"tanong ko.
"Sa records ko."nakangiting sabi niya.
"Dapat kanina pa ako nandito ang kaso naunahan ako ni Carl."nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Ibig sabihin kanina ka pa nasa labas ng bahay?"paninigurado ko at tumango naman siya.
Nagkwentuhan lang kami katulad ng ginagawa namin pag magkausap sa cellphone.
"Pwede bang magtanong?"Biglang tanong niya.
"Nagtatanong ka na."pangbabara ko sa kanya. Na kinatawa niya.
"Kung nasa school tayo hindi mo ko magagawang barahin."sabi niya na ikinangiti ko.
"Malamang baka masungitan mo pa ako. Ano ba gusto mong itanong?"
"Lagi bang dumadalaw si Carl sayo?"hindi agad ako nakasagot sa tanong niya. Bakit parang may iba sa tono ng pagtatanong niya? Para bang nagseselos?

BINABASA MO ANG
Prof ko, Ex ko (Aldub)
RandomMayroon akong Ex , ok na sana. Naka move on na ko. Kaso biglang bumalik, ang masama Prof ko pa . Maging masaya kaya ang College Life ko kung siya ang lagi kong makikita? A/N: Hello Guys Another Aldub Story na likha nanaman ng Malikot kong Utak. Di...