Charles POV
"Grabe bro! Ang tanga mo!"tiningnan ko ng masama si Troy! Alam ko naman, kailangan pang ipamukha sa akin. Nakwento ko na kasi sa kanya ang pag-aaway namin ni Jane at yung mga nalaman ko.
"Oo na. Kasalanan ko na! At dahil sa pagiging tanga ko, wala ngayon ang mag-ina ko."naiinis talaga ako sa sarili ko. Kung ano ano pa nasabi ko na masasakit na salita kay Jane, dahil lang sa maling akala. Nasaktan ko ang taong mahal ko.
"Eh bakit hindi mo kausapin? Para magkaayos na kayo."
"Paano ko makakausap? Eh hindi nga sinasagot mga tawag ko. Tapos ayaw rin akong harapin tuwing nagpupunta ako sa bahay nila. Hindi rin siya pumapasok sa school."ayaw niya talaga akong makausap. Lahat na ng paraan para iwasan ako, ginawa niya na.
"Bro kung mahal mo talaga siya, gagawa ka ng paraan. Hindi yung susuko ka na at magpapakalasing nalang."iiling iling pa siya.
"Hindi ako sumusuko. Pinapalamig ko lang ang ulo niya. Kilala ko si Jane, hanggat masama ang loob niya sa isang tao hindi niya talaga haharapin."at napatunayan ko yan nung mga panahon na nagkakaroon kami ng tampuhan. Hindi niya talaga ako pinapansin hanggat hindi lumalamig ang ulo niya.
"Psh ang gulo niyo talagang dalawa. Ilan taon na ang nasasayang niyo!"pagkasabi niya nun ay tumayo na siya.
"Oh saan ka nanaman pupunta?"
"Uuwi na ako. Mag-isip ka nalang ng paraan kung paano mo mapapaamo asawa mo."pagkasabi niya nun ay umalis na siya. Naiwan nalang ako mag-isa at nag-isip nga ng paraan paano ba ako mapapatawad ni Jane.
------------
Jane POV
"Mom, Dad mauuna na po kami."paalam ko sa parents ko. Uuwi na kasi kami ni Lance sa bahay.
"Sigurado ka ba hija? Baka paiyakin ka nanaman ng asawa mo."kunot noo na sabi ni Dad. Natawa naman ako. Nakwento ko na kasi sa kanila ang nangyari.
"Hon hindi maiiwasan yun. Ikaw nga ilang beses mo rin akong pinaiyak noon."natatawang sabi ni Mommy kay Daddy.
"Syempre iba yun. At concern lang ako sa anak natin, hindi ko siya pinalaki para lang paiyakin ng kung sino."seryosong sabi ni dad.
"Alam mo naman na kapag nagmahal hindi maiiwasan na masaktan, kasi kung hindi mo mararanasan iyon aba hindi yan love."natatawang sabi ni Mommy."Hindi ka ba natutuwa na nakita na ng anak mo ang lalaking para sa kanya?"
"Natutuwa. Hindi mo lang miaalis sa akin ang mag-alala para sa anak natin at para na rin kay Lance."
"Dad wag po kayong mag-alala. Okey naman na po ako, may roon lang talaga kaming hindi pagkakaintindihan ni Charles. Kaya nga uuwi na kami ni Lance para makapag-usap na kami ng asawa ko. Wala po kasing mangyayari kung magtatago ako dito sa inyo. Matanda na po ako kailangan ko ng magdesisyon para sa sarili ko. Hindi na po pwede na palagi akong aasa sa inyo."nakangiti sabi ko kila daddy at mommy.
"Hindi na ikaw ang baby princess ko."naiiyak na sabi ni Daddy na ikinatawa namin ni Mommy.
"Lance mag paalam ka na kila Grandma at Grandpa."bilin ko sa anak ko at agad niya namang sinunod.
Dahil hindi naman kalayuan ang bahay namin sa bahay ng magulang ko ay nakarating kaagad kami.
Pagkapasok namin ni Lance ng bahay nasalubong agad namin si Manang Rosa.
"Hija buti umuwi na kayo."natutuwang salubong ni Manang sa amin at kinarga pa si Lance.
"Manang asan po si Charles?"tanong ko. Wala pa kasi ang sasakyan niya sa garahe.
"Pumasok hija, wala nga sanang balak kaya lang tumawag si Madam. May kailangan daw asikasuhin sa school. Pero pauwi na yun."tumango lang ako.
"Manang kayo po muna ang bahala kay Lance, pakibihisan nalang po at baka rin nagugutom. Pakibigyan nalang ng makakain."bilin ko at umakyat na sa taas. Pakiramdam ko pagod na pagod ako. Magpapahinga muna ako, mamaya pa naman siguro dadating si Charles.
Pagkabukas ko ng pinto ng kwarto namin ni Charles, hindi ko inaasahan ang maaabutan ko...
------
A/N: Last Chapter nalang at Epilogue 😂 Salamat sa patuloy na nagbabasa at nag aabang ng update ko. Maikli lang po talaga to 💜 Aldub you po 💋✌

BINABASA MO ANG
Prof ko, Ex ko (Aldub)
De TodoMayroon akong Ex , ok na sana. Naka move on na ko. Kaso biglang bumalik, ang masama Prof ko pa . Maging masaya kaya ang College Life ko kung siya ang lagi kong makikita? A/N: Hello Guys Another Aldub Story na likha nanaman ng Malikot kong Utak. Di...