"K-kanina ka pa ba d-dyan?"tanong ko kay Lizel. At ng tumango siya para ba akong tinakasan ng kaluluwa ko. Ibig sabihin narinig niya ang lahat."Naiwan ko kasi yung folder ko kaya bumalik ako. S-sorry."paliwanag ni Lizel at nag peace sign pa.
Nang makuha niya na yung folder na sinasabi niya, agad ko na siyang hinatak palabas.
"Oy Jane dahan dahan naman sa hatak."sabi ni Lizel. Nang medyo nakalayo na kami doon ko lang siya binitawan.
"So ano? Magtititigan nalang ba tayo dito?"tanong ni Lizel. Napabuntong hininga naman ako. Wala talagang sekreto ang hindi nabubunyag.
---------
"Oy Jane at Lizel saan niyo ba balak kaming dalhin?"narinig kong tanong ni Francis.
"Basta."sagot ni Lizel. Andito kami ngayon sa sasakyan ko kasama sila Monica,Lizel,Francis at Josh.
"Nako bat naman kasi ngayon niyo pa naisipan mag joy ride. May practice pa ako ng basketball."reklamo ni Josh.
"Hoy Josh manahimik ka nga. Pwede ka naman magpractice bukas."sabi ni Lizel.
"Alam mo kayong dalawa para kayong may alam na hindi namin alam."sabi naman ni Monica na ang tinutukoy ay ako at si Lizel.
Naang makapasok na kami sa loob ng subdivision mas lalo akong kinabahan.
"Andito na tayo."sabi ko at lumabas na ng sasakyan. Ganun din ang ginawa nila.
"Kaninong bahay to? Ang laki naman."narinig kong tanong ni Fracis.
"Bahay to nila Jane."sagot naman ni Lizel.
"Wow bigtime ka pala Jane. Ang laki ng bahay niyo."sabi ni Josh. Kung makapagsalita akala mo hindi anak mayaman.
"Tara pasok tayo."aya ko sa kanila.
Nang makapasok na kami sa loob ay sinalubong agad kami ni Mommy.
"Oh Hija may mga bisita ka pala."sabi ni Mommy.
"Mga kaibigan ko po."sabi ko at isa isa silang pinakilala.
"Kayo pala ang kinukwento ni Jane na mga bago niyang kaibigan. Oh siya ipaghahanda ko muna kayo ng meryenda."sabi ni mommy.
"Ma si Lance po?"tanong ko.
"Nasa taas hija, baka pababa na yun. Panigurado narinig ka niyang dumating na."sabi ni mommy at umalis na.
"Grabe Jane ang bait naman ni Tita Sonia."sabi ni Lizel. Sasagot na sana ako ng makita ko ng pababa si Lance ng hagdan.
"Mommy!"salubong ng anak ko at niyakap ako ng mahigpit.
"Anak mo?"napatingin naman ako sa mga kaibigan ko na sabay sabay na nag tanong maliban kay Lizel.
"Oo."sabi ko ng nakangiti.
"Mommy sino po sila?"tanong ni Lance.
"Sila ang mga new friends ni Mommy. "at isa isa din silang pinakilala.
Makikita mo sa mga mukha nila na may pagtataka. Kaya naman pinasunod ko muna si Lance sa Grandma niya at inaya ang mga kaibigan ko sa Garden para naman maikwento ko sa kanila ang LAHAT.
"So anak niyo ni Sir Charles si Lance?"hindi makapaniwalang tanong ni Francis.
"Oo"sagot ko.
"At hanggang ngayon hindi pa rin alam ni Sir na may anak kayo?"tanong naman ni Josh.
"O-oo."sagot ko ulit.
"Grabe nakakaloka naman yung rebelasyon mo."sabi ni Monica.
"Nako kung makikita ko yang Tracy na yan, hahatakin ko talaga ang buhok niyan."sabi naman ni Lizel. Kanina habang nasa school kami na kwento ko na kay Lizel ang lahat at ganun din ang reaksyon niya para kay Tracy.
"Pero hindi ba kasalanan din ni Sir Charles kasi nakita mo siyang nakipaghalikan sa Tracy na yun. Kaya nga hiniwalayan mo siya kasi pakiramdam mo niloko ka lang niya "biglang sabi ni Josh.
"Hoy Josh Shut up ka na nga lang. Pinapasama mo yung image ni Sir Charles."sabi ni Lizel.
"Sige ipagtanggol mo si Sir Charles." Sabi ni Josh.
"Oy kayong dalawa magtigil nga kayo , lalo niyong pinapagulo ang utak ng kaibigan natin."saway ni Francis.
"Sinasabi ko lang naman to para wala na akong itagong sekreto sa inyo."sabi ko sa kanila.
"Nasabi mo na sa amin. Kailan mo balak sabihin kay Sir Charles ang tungkol kay Lance."biglang tanong ni Monica. At lahat kami natahimik. Para bang inaantay ang isasagot ko.
"Alam mo friend payong kaibigan lang. Dapat sabihin mo na kay Sir Charles ang tungkol kay Lance. Habang mas maaga mas maganda. Gusto mo bang sa iba pa niya malaman ang tungkol sa anak niyo."seryosong payo ni Lizel. Nang tingnan ko ang mga kaibigan ko sabay sabay silang tumango bilang pagsang-ayon.
------
"Sigurado ka na ba?"narinig kong tanong ni Carl sa akin.
"Oo. Ito ang tamang gawin. Kahit na ba hindi maganda ang nangyari sa amin ni Charles, karapatan niyang malaman ang totoo."sabi ko at pilit inaalis ang kabang nararamdaman.
Nasa sasakyan kami ni Carl kasama ang anak ko. Nakapagdesisyon na akong sabihin ang totoo kay Charles.
"Mommy saan po ba tayo pupunta?"narinig kong tanong ni Lance.
"Baby diba gusto mo ng makita ang Daddy mo? Pupuntahan na natin siya."sabi ko sa anak ko. At nakita ko namang na excite siya na makita ang daddy niya.
"Andito na tayo."Sabi ni Carl at bumaba na kami ng sasakyan niya.
Kinuha niya rin sa akin si Lance at siya na ang nagkarga.
Habang naglalakad papasok sa loob ng bahay nila, lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Nag-aalala ako sa magiging reaksyon ni Charles. Sana matanggap niya ang anak namin.
Nang makarating kami sa dining room. Nakita kong kompleto na sila at nagkukwentuhan."Mommy asan po yung daddy ko?"malakas na tanong ni Lance.
Biglang tumahimik ang paligid at lahat na ng atensyon nila ay nakatingin na amin lalo na kay Lance na karga ni Carl.
-----
Charles POV
"Asan na ba si Carl? Excited na akong makilala ang bisita niya. Nako mukhang mag-aasawa na ang bunso ko. Sabi niya kasi matutuwa daw ako sa kung sino man ang ipapakilala niya."narinig kong sabi ni Mommy.
"Nako naman Carla masyado ka atang excited? Malay mo naman kaibigan lang talaga ang dadalhin dito ni Carl."sabi naman ni Daddy na ikinasimangot ni Mommy.
"Hoy Harrold masama bang umasa na mag-aasawa na ang anak kong bunso? Nako gusto ko na talagang mag karoon ng apo. Ito kasing panganay mo, pinakawalan pa si Jane. Eh di sana ngayon may apo na ako."sabi ni mommy at inirapan pa ako. Psh mga babae nga naman -_-
"Mommy kung hindi naman kami naghiwalay ni Jane, imposibleng magkaroon agad kayo ng apo sa amin. Ang bata pa po ni Jane para mag-asawa at magkaroon ng anak."sabi ko. 20 years old pa lang kasi si Jane.
"Ewan ko sayo. Nako wag ko lang talaga mababalitaan na mabuntis mo yang girlfriend mong hipon. Kakalbuhin talaga kitang bata ka."pagpapatuloy ni Mommy.
"Hipon?"nakakunot noo na tanong namin ni Daddy?
"Kain katawan tapon ulo. Narinig ko lang yun kay Mae. Haha."tukoy niya sa pinsan kong teenager.
"Carla iwas iwasan mo na nga na mag feeling teenager."sabi ni daddy kay mommy. Sasagot pa sana si mommy ng bigla kaming may narinig na nagsalita.
"Mommy asan po yung daddy ko?"sabay sabay kaming napalingon sa nagsalita.
At isang batang lalaki ang may ari ng boses. Pamilyar sa akin yung mukha nung bata. Para bang nakita ko na siya.
Karga ito ni Carl at nasa tabi naman nito si Jane.
"Good Evening po"bati nung bata at ngumiti. Bigla namang napatingin ito sa direksyon ko.
"Ikaw po ba ang daddy ko Mister?"turo sa akin ng bata.
"H-ha?"ano daw?
BINABASA MO ANG
Prof ko, Ex ko (Aldub)
De TodoMayroon akong Ex , ok na sana. Naka move on na ko. Kaso biglang bumalik, ang masama Prof ko pa . Maging masaya kaya ang College Life ko kung siya ang lagi kong makikita? A/N: Hello Guys Another Aldub Story na likha nanaman ng Malikot kong Utak. Di...