CHARLES POV
"S-si Tracy tumatawag"hindi ko inaasahan yung sinabi ni Jane. Matagal na kasing hindi nagpaparamdam si Tracy pagkatapos ng ilang beses kong hindi sagutin mga tawag niya.
"Jane magpapaliwanag ako."sabi ko sa kanya. Ayoko kasi na mag-isip siya ng hindi maganda.
"Wala kang dapat ipaliwanag. Sa umpisa pa lang sinabi ko na sayo na hindi ko pakikialaman ang relasyon niyong dalawa."sabi niya habang sinasalubong ang tingin ko. Wala akong makitang emosyon sa mga mata niya.
"P-pero.."hindi ko alam pero nasasaktan ako sa tingin niya at sa sinasabi niya.
"Alam ko naman na sa umpisa palang kaya tayo nagpasal ay dahil kay Lance kaya wala ako sa lugar para pakialaman ka. Hindi ko kayo papakikialaman ni Tracy, basta siguraduhin mo lang na hindi to malalaman ni Lance."tuloy tuloy na sabi niya.
Walang salita na kinuha ko yung cellphone ko at susi ng kotse. Lumabas ako ng bahay na hindi siya nililingon. Bahala siya kung ano ang isipin niya.
------
JANE POV
Nang lumabas siya ng kwarto, doon na pumatak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Ang hirap magpanggap na okey lang sayo ang lahat. Masakit sobrang sakit.
Buong magdamag akong nag-antay kay Charles. Pero inabot na ako ng madaling araw ay wala pa rin siya. Siguro kasama niya na si Tracy. At ang dyos lang ang may alam kung ano ng ginagawa nila. Maisip ko pa lang parang nadudurog na ang puso ko.
------
CHARLES POV
"Nakakagago lang kasi, ginagawa ko ang lahat para mag work ang kasal namin. Para bumalik kami sa dati. Pero ng dahil sa tawag na yun? Iisipin niya na may namamagitan pa rin sa amin ni Tracy? Tang-ina bro! Ganon ba kababa tingin niya sa akin? Makikipagrelasyon sa iba kahit na kasal na?!"paglalabas ko ng sama ng loob ko kay Troy. Isa sa matalik kong kaibigan.
"Bro pwede mo naman kasi sabihin sa kanya ang totoo."payo niya. Andito kami sa condo niya. Dito ako tumuloy pagkatapos nung nangyari kanina.
"Paano? Eh nagtuloy tuloy na siya magsalita kanina. At kung ikaw ang nasa lugar ko, at makita mo kung paano niya sabihin yun ng walang emosyon. Tingnan ko lang kung hindi ka masaktan."naiinis na sabi ko at inisang lagok yung iniinom ko.
"Alam mo bro may mali ka rin kasi. Bakit kasi hindi ka nagpropose ng maayos kay Jane, nagdahilan ka pa na kaya gusto mo magpakasal kayo dahil lang may anak kayo. Malamang yun ang iisipin niya. Tang ina bro ang shunga mo rin kasi. Bakit kasi hindi mo nalang sinabi na "Jane mahal pa rin kita at dahil may Lance na rin tayo ngayon, pwede na ba tayong magpakasal. Will you marry me?" Ganon lang bro! Eh di sana wala kang problema ngayon!"payo ni Troy.
"Eh hindi naman kasi ganoon kadali yun! Kilala ko si Jane, hindi naman yun basta maniniwala kapag ganun ang sinabi ko. Kaya nga naisipan ko na idahilan si Lance kasi alam ko na papayag siya kaagad."frustrated na sabi ko.
"Oh dahil sa naisip mo na dahilan, mukhang nakatatak na sa isip ni Jane na kaya mo lang siya pinakasalan dahil may anak kayo. Good luck nalang sa love life mo bro."sabi niya at tinapik tapik pa ang balikat ko.
"Ano gagawin ko?"parang batang nagtatanong sa kanya.
"Matalino ka diba? Pag-isipan mo ang sagot sa tanong mo."pagkasabi niya nun ay iniwan niya na ako at pumasok na sa kwarto niya. Tang-ina kaibigan ko ba talaga yun?
Uminom nalang ako mag-isa hanggang sa hindi ko namalayan, nakatulog na pala ako sa sobrang kalasingan.
-----
Jane POV
Algebra class ngayon at wala pa si Charles. Hindi ko alam kung papasok ba siya. Nang umalis kasi ako kanina ng bahay, ay hindi pa rin siya dumadating. Sinubukan ko naman tawagan kanina pero nakapatay ang phone niya. Siguro busy kay Tracy.
"Jane bakit wala pa si Sir Charles? Hindi naman yun nalilate ah. Absent ba?"bulong ni Liezel sa akin.
Sasagot na sana ako ng pumasok si Charles ng classroom.
"Good Morning Class."seryosong bati niya.
Nag-umpisa na siyang magturo, lahat ng mga blockmates ko nakikinig na. Kaya kahit nahihirapan ako, sinubukan ko rin makinig. Minsan nahuhuli ko siya napapatingin sa direksyon ko, pero kapag nakikita niyang nakatingin ako, agad din siyang umiiwas.
"Okey thats all for today. Class dismissed."pagkasabi niya nun ay agad na rin siyang lumabas. Halatang iniiwasan ako.
-----
"Jane nag-away ba kayo ni Sir Charles?"napalingin naman ako kay Liezel ng tinanong niya yun. Andito kami ngayon sa School Garden. Tapos na kasi ang klase namin.
"Oo nga. Bakit parang may iba sa inyong dalawa? Tapos nalate pa siya kanina? Hindi niya naman ugali yun ha."tanong naman ni Francis.
"H-hindi naman kami nag-away."simpleng sagot ko at pinagpatuloy ang pagbabasa sa libro na hawak ko.
"Jane halata naman sayo na may problema ka."-Monica
Kaya naman kinwento ko na sa kanila yung nangyari kagabi. Hindi ko napapansin na umiiyak na pala ako.
"Jane oh panyo."abot sa akin ni Joshua.
"Salamat."
"Alam mo dapat pag-usapan niyo yan ni Sir. Hindi naman pwede na mag-iwasan lang kayo. Baka mahalata ni Lance, matalino pa naman ang bata. "Sabi ni Liezel.
"Ano sasabihin ko? Eh siya tong bigla nalang umalis kagabi ng bahay, wala man lang paalam."
"Eh baka naman hindi niya nagustuhan yung sinabi mo?"biglang tanong ni Francis.
"Wala namang mali sa sinabi ko ah. Dapat nga magpasalamat pa siya sa akin kasi hindi ko siya pinipilit na hiwalayan si Tracy "pagdadahilan ko.
"Alam mo pinaka effective na dapat gawin niyo, mag-usap. Lahat ng bagay bagay na gumugulo sa isip niyo dapat pag-usapan. Kasi walang mangyayari kung hindi malinaw ang mga pangyayari. Paano magwowork ang kasal niyo? Kung ganyan kayo."-Monica.
At ng tingnan ko sila, lahat sila tumatango. Sang-ayon sa mga sinabi ni Monica.
Mukhang tama sila. Kailangan namin mag-usap ni Charles. Linawin ang mga bagay bagay na gumugulo sa isip namin.
BINABASA MO ANG
Prof ko, Ex ko (Aldub)
RandomMayroon akong Ex , ok na sana. Naka move on na ko. Kaso biglang bumalik, ang masama Prof ko pa . Maging masaya kaya ang College Life ko kung siya ang lagi kong makikita? A/N: Hello Guys Another Aldub Story na likha nanaman ng Malikot kong Utak. Di...