Jane POV
"Grabe ang tanga-tanga ko. Umasa nanaman ako."nasabi ko nalang kay Carl pagkatapos kong umiyak sa kanya at mag labas ng sama ng loob.
"Akala ko talaga pagkatapos ng lahat ng nangyari noon, mawawala na yung nararamdaman ko."pagpapatuloy ko. Pero si Carl tahimik lang.
"Carl? Wala ka man lang bang sasabihin? Kanina ka pa walang imik."simula kasi kanina ay hindi na siya umimik. Pero halata namang nakikinig siya.
"Ano gusto mong sabihin ko? Na mahal ka pa niya kaya umasa ka lang diyan. Kasi pagsubok lang to at sa huli kayo pa rin talaga ang magkakatuluyan?"seryosong sabi niya.
"Carl naman eh! Bat nagsusungit ka ngayon? Ang labo mo naman."nasabi ko nalang. Alam mo yung seryoso ako sa sinasabi ko tapos siya babanat ng ganun?
"Ikaw ang malabo. Walang nagsabi sayong umasa. Sa umpisa palang sinabi na ni kuya na kung pwede kayo ulit maging MAG-KAIBIGAN. Hindi niya sinabi na umasa ka at magkakaroon kayo ulit ng second chance."pagkasabi niya nun, naiyak nanaman ako. Ang sakit na pinagduldulan pa yung mali mo.
"Tapos ngayon iiyak iyak ka. Mga babae nga naman. Kayo mismo ang gumagawa ng paraan para masaktan."tuloy tuloy pa rin na sabi niya. Akala mo hindi nakakasakit ng damdamin.
"Oo na mali ko na!"sabi ko na di pa rin tumitigil ang iyak.
"Oh tapos ngayon ngangawa ka dyan."sabi niya pa.
Hindi ko nalang din siya pinansin at umiyak na lang ulit. Yung luha ko hindi na maubos ubos.
"Oh"kahit nakakasama ng loob yung sinabi niya, tinanggap ko pa rin yung inaabot niya.
"S-salamat"sabi ko.
"Lagi nalang ba ako magiging taga-abot sayo ng panyo tuwing umiiyak ka dahil kay kuya?"sabi niya. Naalala ko noong umiiyak din ako dahil sa kuya niya, inabutan din niya ako ng panyo.
"K-kaya nga nagpapasalamat ako kasi lagi kang andyan sa tuwing umiiyak ako. K-kailangan ko kasi talaga ng mapaglalabasan ng sama ng loob.
CARL POV
Lagi nalang ba akong magiging labasan ng sama ng loob ni Jane sa tuwing umiiyak siya dahil kay kuya?
"Jane kung sasabihin ko bang gusto kita maniniwala ka?"bigla ko nalang natanong.
"H-ha?"hindi lang talaga manhid to si Jane. Bingi rin -_-
"Wala. Balak mo pa rin ba sabihin kay kuya ang tungkol kay Lance?"Pag-iiba ko ng usapan. Nakwento niya kasi kanina na balak niya ng sabihin kay kuya ang tungkol sa anak nila, naudlot lang dahil bigla ng dumating si Tracy.
"Hindi ko alam."sagot niya. Mukhang mahihirapan ako mapapayag siya na maipakilala si Lance kay kuya. Bakit naman kasi dumating pa yung Tracy na yun. Kailangan ko ng mag-isip ng ibang paraan.
CHARLES POV
"Charles ano ba! Bakit naman inimbitahan mo pa si Tracy! Sumama tuloy ang loob ni Jane." Inis na inis na sabi ni Mommy. Andito kami ngayon sa loob ng Opisina ni Daddy sa loob ng mansyon. Nagsi-uwian na yung mga bisita, buti nalang napilit ko si Tracy na umuwi na.
"Mommy hindi ko po inimbitihan si Tracy, ni hindi ko nga alam na uuwi na siya ng Pilipinas."nagbakasyon kasi ito sa Europe ng tatlong buwan.
"Eh sadyang makapal pala talaga ang mukha ng babaeng yan. Mag pupunta sa party na hindi naman invited."simula ng ipakilala ko si Tracy kay mommy hindi niya na talaga ito nagustuhan. Ang layo sa naging reaksyon niya ng ipakilala ko si Jane.
"Carla maghunos dili ka nga."sabi ni daddy kay mommy.
"No. Hindi ko mapapalagpas ito. Napahiya si Jane dahil sa inakto ng Tracy na yun! Sabi ko na nga ba simula ng ipakilala mo sa akin yang babae na yan! Wala talagang magandalang maidudulot sa buhay mo."
"Ma hindi ko rin nagustuhan yung nangyari kanina sa party pero hindi ko naman pwedeng bigla nalang itulak si Tracy at sabihin na umalis na siya."sagot ko.
"Kung umpisa pa lang kasi nakinig ka na sa akin na hiwalayan mo yang Tracy na yan, eh di sana wala kang problema ngayon!" at hindi na ako umimik pa at lumabas nalang. Aminado akong mali ako doon. Dahil alam ko namang sa umpisa palang na hindi ko mahal si Tracy pero ano magagawa ko? Siya ang andyan nung mga panahon na iniwan nalang ako basta ni Jane. Kaya naman ngayon na gusto ko ng makipaghiwalay sa kanya, siya naman ang pilit na humahabol sa akin. Ayaw akong pakawalan.
"Ang gago mo kasi Charles!"naiinis kong sabi sa sarili ko.
Sinusubukan ko na rin tawagan si Jane pero hindi niya naman sinasagot. Alam kong masama ang loob niya sa akin.
----------
Jane POV
Para akong lantang gulay habang naglalakad papasok sa unang subject ko ngayon. At kung minamalas ka nga naman. ALGEBRA pa. Naisip ko ngang hindi nalang muna pasukan pero baka ano ang isipin ni Charles pag ginawa ko yun.
"Hoy Jane para kang tanga."napalingon naman ako sa nag salita.
"Bakit?"walang ganang tanong ko. Nasa harap ko ngayon sila Lizel,Francis at Monica. Si Joshua kasi iba ang classroom kaya wala'
"Anong bakit? Kanina pa ako nagkukwento ikaw naman tulaley lang!"sabi ni Lizel.
"Sorry may iniisip lang."sabi ko.
"May problema ka ba? "Tanong ni Monica.
"Mali ang tanong mo Monica kasi lahat ng tao may problema. Dapat ang tanong mo, Ano o Sino ang problema mo?"sabi ni Lizel at tiningnan ako ng diretso sa mata.
Ang hirap naman nito. Hindi ko masabi ang problema ko sa mga kaibigan ko kasi hindi naman nila alam ang tungkol kay Charles. Tago pa more ng secret Jane -_-
"Nako wag niyo munang pilitin si Jane baka hindi pa siya ready mag kwento."sabi ni Francis. Medyo naguilty naman ako kasi sila nasasabihan ako ng problema at sekreto nila. Samantalang ako puro lihim lang ang ginagawa.
"Okey lang ako. Wag kayong mag-alala." Sabi ko lang sa kanila. Maya maya pumasok na rin si Charles sa classroom. Nag-umpisa na siyang magturo. At naiilang ako kasi sa tuwing titingnan ko siya ay lagi ko siyang nahuhuling nakatingin rin sa akin.
Kahit naghihirapan ako, pinilit ko pa rin intindihin yung mga tinuturo niya.
"Okey class dismissed. "Sabi niya. Pinilit kong bilisan yung pag-aayos ng gamit ko para makalabas na agad.
"Ms Fajardo maiwan ka."sabi na nga ba at gagawin niya to.
"Sir may next class pa po ako."sabi ko at tumayo na.
"Oy maiwan ka daw sabi ni Sir. Kami ng bahala kay Maam Torres magsabi pag hinanap ka."sabi ni Liezel. Andito pa rin kasi sila sa loob ng classroom.
"Okey "sabi ko nalang. Baka kasi mahalata nila na ayoko talaga magpaiwan.
Nang makalabas nila silang lahat at kami nalang ni Charles ang naiwan doon na ako nagsalita ulit.
"Sir ano po ba ang sasabihin niyo? Kung hindi po to related sa grades ko, mauuna na po ako."sabi ko at tiningnan siya sa mata.
"Jane tungkol to kay Tracy -"
"Wala kang dapat ipaliwanag kasi wala naman akong pakialam. Matagal ng tapos yung atin Charles. Kung saan o kanino ka pa masaya, masaya na rin ako."sabi ko at pilit pinapatapang ang boses.
"Pero Jane.."
"Siguro mas maganda na rin na itigil na natin yung kalokohan na maging magkaibigan ulit. Okey na yung Professor kita at estudyante mo ako. Hanggang doon nalang. Kasi imposible talagang kalimutan natin yung nangyari noon."tuloy tuloy na sabi ko sa kanya.
"Sige Jane sabihin mo sa akin ngayon. Ano bang nangyari noon? Bakit bigla mo nalang akong i-iniwan?"sabi ni Charles. At hindi ko inaasahan na itatanong niya ulit yun.
Ngayon hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
"Jane."sabay kaming napatingin ni Charles sa nagsalita.
"Lizel..."
BINABASA MO ANG
Prof ko, Ex ko (Aldub)
DiversosMayroon akong Ex , ok na sana. Naka move on na ko. Kaso biglang bumalik, ang masama Prof ko pa . Maging masaya kaya ang College Life ko kung siya ang lagi kong makikita? A/N: Hello Guys Another Aldub Story na likha nanaman ng Malikot kong Utak. Di...