"Jane pwede ba tayong maging magkaibigan ulit? Kalimutan natin yung mga nangyari noon." Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kay Charles. Para bang biglang unurong ang dila ko sa sinabi niya. Kami magiging magkaibigan ulit?
"Jane?"untag sa akin ni Charles ng di ako umimik . Humugot muna ako ng malalim na hininga bago sumagot.
"Tayo magiging magkaibigan ulit? Parang ang hirap ata nun. Siguro ang magkaibigan pwede pang maging Lovers. Pero ang Ex Lovers magiging magkaibigan? Malabo ata yun."lalo na may anak tayo na di mo pa alam . Pero siyempre di ko na yun dinagdag.
Ano ba naman kasi ang biglang pumasok sa utak ni Charles at kung ano ano ang iniisip. Okey naman na ako sa pagsusungit niya sa akin. Tutal normal lang din naman yun bilang professor ko siya.
"Bakit hindi natin subukan? Maging magkaibigan lang naman ulit ang hinihingi ko sayo. Hindi ko naman sinasabing makikipagbalikan ako ."hindi ko alam pero para bang biglang may kumurot sa puso ko dahil sa sinabi niya. Ang gaga ko kasi, para bang inaasahan ko makikipagbalikan siya? Eh friendship lang naman ang gusto niya.
Nag-isisp muna ako saglit bago sumagot.
"Fine. Friends?"at inabot ko ang kamay ko para makipagkamay.
"Friends."at tinanggap niya ang kamay ko. Ngumiti din siya na aaminin ko, na miss ko makita. Dahil nga sa pagiging seryoso niyang professor pati pagngiti ata nakalimutan ng gawin.
"Pero hanggangat nasa school tayo, student-teacher ang tratuhan natin. Para hindi tayo machismis ng kung sino."sabi ko at binawi na ang kamay ko. Mukhang nasasarapan ata siyang hawakan ako sa kamay. Haha ang assuming ko.
"Okey. Pero kung may hindi ka maintindihan sa mga lesson ko, pwede mo akong lapitan. Katulad ng dati."nakangiti niyang sabi sa akin. At ito nanaman ako, tuwang tuwa makita ang mga ngiti niya. Hays Jane ang gulo ng utak mo. -_-
"Sige na mauna na ako"paalam ko. Nangako rin kasi ako kay Lance na maaga akong uuwi. Gusto niya kasing bumili ng bagong toy kaya pupunta kami sa mall ngayon.
"Okey. Mag-iingat ka."tinanguan ko lang siya at tumalikod na para umalis.
----------------
CHARLES POV
Hindi maalis alis ang ngiti ko tuwing naalala ko yung pag-uusap namin ni Jane sa school. ang gaan sa pakiramdam na okey na kaming dalawa. Oo magkaibigan na ulit kami, pero hindi lang iyon ang gusto kong mangyari. Gusto kong magkabalikan ulit kami. Pero ang gusto ko unti untiin muna. Ayokong magulat siya. At alam ko naman na hindi katanggap tanggap ang teacher-student relationship. Ayoko na mapag chismisan siya. Alam ko kung paano mag-isip ang mga tao ngayon.
Hindi ko maintindihan ang sarili ko, noong Una. Galit ako sa kanya. Pero kanina habang tinititigan ko siya, para bang sinasabi ng puso ko na kalimutan ang nakaraan at makipag-ayos sa kanya. Siguro ganoon ko talaga kamahal si Jane at handa akong kalimutan lahat ng hindi magandang nagawa niya noon.
"Oh Sir Charles ngayon lang ata kita nakitang nakangiti simula ng magtrabaho ka dito bilang professor."narinig kong sabi ni James. Kapwa professor ko. Halos kasing edad ko lang din siya.
"May nangyari lang na maganda "sagot ko sakanya. Kaming dalawa lang ngayon ang andito sa faculty. Naghahanda na rin ako para umuwi tapos na kasi ang klase ko para ngayong araw.
"Buti ka pa sir ang ganda ng mood mo. Samantalang ako badtrip. Nakakaasar kasi yung mga estudyante ko. Yung mga lalaki ang trato sa akin kasing edad lang hindi na ako ginalang samantalang yung mga babae puro naman pacute sa akin. Nadidistract tuloy ako mag turo."biglang sumbong niya na kinatawa ko. Kung titingnan mo kasi si James makikita mo rin na gwapo at dahil nga kasing edad ko lang pansinin din siya ng mga babaeng estudyante. Ganun rin naman sa akin pero kaya ko kasing i-handle. Dinadaan ko kasi sa pagsusungit. Eh samantalang si James laging nakangiti kaya siguro hindi takot mga estudyante sa kanya.
"Wag ka kasing laging nakangiti akala tuloy nila nakikipagbiruan ka pa."payo ko.
"Eh Sir hindi ko mapigilan. Siguro nature ko na talaga ang ganito."sabi niya. Naalala ko noon lagi rin akong masaya lalo na nung naging kami ni Jane. Para bang araw-araw masaya lang kahit may time na nahihirapan ako pagsabayin yung pag-aaral ko at paglalaro ng basketball. Pero dahil kay Jane nalagpasan ko yun. Kasi kasama ko siya. Nagbago lang naman ako nung naghiwalay kami. Para bang biglang naging black and white ang paligid ko ng nawala siya sa buhay ko .
"Pero subukan mo maging seryoso pagdating na sa klase "payo ko nalang sa kanya at nagpaalam na rin para umalis.
---
Pauwi na dapat ako ng biglang tumawag si mommy para utusan ako na bilhan ng regalo si Cyrill. Pamangkin ko sa pinsan. Birthday daw kasi nito bukas at hindi na naasikaso pa ni mommy bilhan ng regalo sa sobrang busy sa negosyo niya.
Kaya naman dumaan muna ako ng Mall para bumili ng regalo. Dahil bata naisipan kong laruan na lang ang bilhin. Agad akong tumuloy sa Store ng mga laruan. Sa sobrang dami ng pagpipilian hindi ako makapagdesisyon kung ano ba ang bibilhin.
"Ano kaya dito ang magugustuhan ni Cyrill."nasabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa mga toy na andoon.
"Hi Mr."agad akong napatingin sa biglang nagsalita. Isang batang lalaki na nakangiti, habang nakatingin saakin ang nakita ko. At hindi ko maintindihan kung bakit biglang bumilis tibok ng puso ko ng makita ko siya. Para bang nakita ko na siya ang kaso hindi ko maalala kung saan.
"Ahm yes?"natanong ko nalang. Hindi ko nalang pinansin yung naramdam ko kanina.
"Mukha po kasing nalilito ka kung anong bibilhin mo. Gusto niyo po ng tulong?"napangiti naman ako sa sinabi ng bata. Mukhang nasa 3 or 4 palang ang edad niya pero para bang matanda siya kung mag-isip.
"Nalilito kasi ako kung ano ba ang bibilhin ko sa pamangkin ko. Ano ba mas maganda sa dalawang to?"nakangiti kong tanong sa kanya. Ang gaan ng loob ko sa batang to, siguro natutuwa ako sa kanya kasi ang talino niya.
Tiningnan niya ang hawak ko. Isang espada na umiilaw at isang bola ng basketball.
Para bang nag-isip muna siya.
"Maganda po yung espada na umiilaw pero po sabi po ni Mommy dapat hindi naglalaro ang bata ng espada or kahit na ano na nagpapakita ng violence dahil hindi daw po iyon maganda tingnan. Kaya po mas magandang Bola na lang po ng basketball ang bilhin niyo. "Nakangiti paliwanag ng batang nasa harap ko. Mas lalo akong natuwa sa kanya.
"Wow thank you ha. Ano nga pala pangalan mo?"tanong ko sa kanya.
"Lance po."sagot niya.
"Sino pala kasama mo? Bakit ikaw lang mag-isa?"tanong ko ulit.
"Kasama ko po si - "
"Lance!"napatingin naman ako sa biglang tumawag kay Lance. Isang matandang babae. Para bang kasing edad lang din ni Mommy. Agad itong lumapit sa amin.
"Ikaw na bata ka bigla kang nawawala. Diba sabi ko sayo wag kang lalayo sa akin. Nagbabayad lang ako sa cashier nawala ka na. Nagtext na ang mommy mo, andito na siya."sabi nung babae kay Lance.
"Sorry Grandma nakita ko po kasi si Mr. mukhang nahihirapan mamili ng bibilhin niya kaya tinulungan ko siya "sabi ni Lance sabay turo sa akin. Doon naman tumingin sa akin yung matandang babae.
"Good Day Maam."bati ko.
"Magandang araw din. Sige mauuna na kami hijo. Nag-aantay na kasi yung anak ko "bati niya rin. Mukha naman ding mabait yung babae.
"Sige po. Lance thank you sa pagtulong."sabi ko sa bata.
"Walang ano man po."sabi niya at tumalikod na sila para umalis. Iba talaga pakiramdam ko sa batang iyon. Sana kapag nagkaanak ako maging kasing talino niya rin.
Napangiti ako sa ideyang iyon. Si Jane lang ang nakikita kong makakasama ko sa pagbuo ng pamilya at wala ng iba. Alam ko na magiging mabuti siyang ina.
Binayaran ko na yung laruang pinili ni Lance at umuwi na rin agad. Nakakapagod ang araw na to. Pero isa ito sa mga araw na hindi ko malilimutan
------
A/N: Hello Guys. Gusto ko lang mag thank you sa inyo kasi na-a-appreciate niyo ang story ko. Thank you rin sa mga readers ko na nag-aantay ng update ko. Kaya sinusubukan ko talaga na makapag update kahit isang beses sa isang araw.
Please Vote and Comment rin po : ) ALDUB YOU 😘😚
![](https://img.wattpad.com/cover/54653125-288-k786013.jpg)
BINABASA MO ANG
Prof ko, Ex ko (Aldub)
De TodoMayroon akong Ex , ok na sana. Naka move on na ko. Kaso biglang bumalik, ang masama Prof ko pa . Maging masaya kaya ang College Life ko kung siya ang lagi kong makikita? A/N: Hello Guys Another Aldub Story na likha nanaman ng Malikot kong Utak. Di...