Flashback
Jane POV
Dalawa linggo na simula ng makipagbreak ako kay Charles. Minsan nagkakasalubong kami sa daan pero di ko na siya pinapansin. Ako na ang unang umiiwas. Nakakapanibago ang ganito na iniiwasan ko siya pero kailangan ko ng masanay.
"Hey ok ka lang ba?"napalingon ako kay Carl, makikita mo sa mukha niya ang pag-aalala.
"Medyo nahilo lang ako, di kasi ako nakakain kanina ng breakfast."sagot ko sa kanya at ngumiti.
"Sure ka ang putla mo oh."
"Oo nga ok lang ako."sabi ko sa kanya. Pauwi na rin naman kami, kasi dalawang subject lang ngayon araw.
"Bago tayo umuwi dumaan muna tayo sa canteen ng makakain ka man lang."sabi niya at hinatak ako.
Pero mukhang pinaglalaruan ako ng tadhana. Pagkapasok namin ni Carl sa Canteen, andoon rin si Charles kasama si Tracy. Nakaupo sila sa isang table. Mukhang totoo ang balibalita na nagkabalikan na nga silang dalawa.
Gusto ko sanang umatras pero mas lalong hinigpitan ni Carl ang hawak sa kamay ko. At hinatak pa ko papunta sa upuan na malapit kila Charles.
"Carl uuwi nalang ako."Sabi ko kay Carl bago pa kami makarating doon.
"No.Kakain ka muna bago ka umuwi.Pabayaan mo si Kuya. Wag kang paapekto tandaan mo ikaw ang nakipaghiwalay."bulong ni Carl. At nung nakalapit na kami sa upuan doon lang din kami napansin ni Charles. Nakita ko rin na napatingin siya sa kamay ni Carl na nakahawak sa akin kaya dali dali kong binawi ito.
Umiwas nalang din ako ng tingin at inayos ang upo ko.
"Ako nalang ang mag oorder, dito ka lang."sabi ni Carl sa akin ng nakangiti kaya tinanguan ko siya.
Nung makaalis siya di naman ako mapakali. Alam ko kasi na nakatingin si Charles, nararamdam ko at di ko kaya salubungin yung titig na na yun. Nahihilo na rin ako malamang dahil sa gutom.
"Grabe naman magkapatid pa talaga ang pinatulan."bigla akong nanigas si sinabi ni Tracy. At alam ko na ako ang pinapatamaan niya. Gusto ko ipagtanggol ang sarili ko pero iba na talaga pakiramdam ko kaya naman nanahimik na lang ako.
May parte sa sarili ko na hinihiling na sana may sabihin si Charles para ipagtanggol ako pero wala akong narinig. Tahimik lang siya.
"Oh ito na yung pagkain, kumain ka ng kumain."sabi ni Carl nung makarating sa pwesto ko at umupo harap ko.
"Salamat ah."sabi ko at nginitian niya lang ako.
May narinig akong ingay kaya agad akong napatingin sa kabilang table. Nakita ko si Charles na tumayo at umalis nalang nag basta. Si Tracy naman agad na humabol.
"Hayaan mo na sila.Kumain ka na."
"Carl sa bahay nalang ako kakain. Salamat sa foods na binili mo "sabi ko at tumayo na rin, pero hindi pa ako nakakahakbang ng biglang nagdilim ang paningin ko. At nawalan na ako ng malay.
Present Time
Andito ako ngayon sa classroom at di ako mapakali. Maya maya rin ang tingin ko sa relo ko. Ilang minuto nalang kasi papasok na si Charles. Sana lang makakilos ako ng normal sa klase niya.
"Oy Jane sayang naman ang bilis lang natin kahapon. Di man lang natin nakachikahan ng matagal si Josh."sabi ni Lizel sa tabi ko.
Natuloy kasi yung usapan namin nila Josh na magkikita sa Canteen para daw ilibre niya. Pero di rin nagtagal kasi kailangan ko ng umuwi.Nag-aalala kasi ako kay Lance dahil panigurado hinahanap na ako nun. Naging maganda naman yung kwentuhan naming tatlo. Marami rin kaming napagkwentuhan.Mas nakilala ko si Lizel at Josh dahil kahapon.
"Good Morning."Di ko napansin na nasa harap na pala si Charles.
"Attendance tayo."sabi niya at isa isa ng nagtawag. Iba na talaga siya, ang seryoso niya tingnan sa ayos niya. Di ko makita yung Charles na kilala ko, yung laging nakangiti,may pagkaisip bata gusto lagi siyang nilalaming. Hays
Naramdam ko naman na may sumiko sakin, napatingin ako kay Lizel.
"Kanina kapa tinatawag ni Sir Charles."sabi niya. Agad naman akong tumingin sa harap at nakita ko siyang nakakunot ang noo na nakatingin sa akin.
"Sir sorry."sabi ko.
"Next time wag kayong papasok sa klase ko kung tutulala lang kayo. Pwede niyo yan gawin sa bahay niyo." sabi niya.
"Sorry ulit sir"sabi ko at napayuko nalang. Sa buong buhay ko bilang isang estudyante ngayon lang ako napahiya ng ganito. Naiinis ako sa kanya! pero mas naiinis ako sa sarili ko kasi kailangan ko pang balikan yung nakaraan. Nakakalimutan ko na ba na siya ang nangloko. Ginawa akong tanga?
Huminga ako ng malalim bago ako tumingin sa harap. Nakita ko siyang nakatingin sa akin pero umiwas agad. Nag-umpisa na rin siyang mag turo, at lahat na kami nakinig sa kanya. After ng mahaba habang discussion nag pa Quiz siya. At salamat sa Dyos hindi ako bumagsak.
After niya mag record ng mga grades namin,lumabas na siya.
Naglalakad ako ngayon papuntang parking lot ng may makabangga ako. Nakatingin kasi ako sa phone ko para icheck kung may messege si Mommy.
Dahil doon nahulog yung mga libro na hawak ko. Isa isa kong pinulot iyon at salamat naman at tinulangan ako nung nakabangga ko."Sa- Carl?"Magpapasalamat sana ako ang kaso pagkaangat ko ng tingin,yung Mr na nakabangga ko, si Carl pala.
"Jane?"
BINABASA MO ANG
Prof ko, Ex ko (Aldub)
RandomMayroon akong Ex , ok na sana. Naka move on na ko. Kaso biglang bumalik, ang masama Prof ko pa . Maging masaya kaya ang College Life ko kung siya ang lagi kong makikita? A/N: Hello Guys Another Aldub Story na likha nanaman ng Malikot kong Utak. Di...