Andito ako ngayon sa isang restaurant sa loob ng mall kung saan ko inaantay sila Mommy at Lance. Dapat kasi sabay na kaming pupunta dito. Pero dahil natraffic ako papunta pinauna ko na sila dito sa mall.
"Mommy!"napalingon naman agad ako pagkarinig sa boses ni Lance.
"Hey baby. How are you? Nakabili ka na ba ng laruan?"tanong ko sa kanya pag kaupo niya sa tabi ko.
"Yes mommy. Ang dami ko nga pong nabili."halata mo sa anak ko na tuwang tuwa siya sa mga laruan niya.
"Nako hija yang si Lance bigla nalang umalis sa tabi ko nung nagbabayad ako sa cashier. Pano ba naman kasi may nakitang lalaki na mukhang nahihirapan mamili ng bibilhin. Ayon tinulungan niya."nakangiting pagsusumbong ni mommy.
"Baby okey lang naman ang tumulong pero wag mo ng uulitin yung bigla kang aalis sa tabi ni grandma. Paano kung bad guy pala yung lalaki, tapos bigla kang kunin? Diba sabi ko don't talk to the strangers."Sabi ko sa anak ko.
"Pero mommy mukha naman mabait yung Mr kanina. Nag thank you rin po siya sa akin sa pagtulong ko sa kanya."
"Kahit na anak. Basta wag mo ng uulitin yung biglang aalis hah."bilin ko ulit.
"Yes mommy."
------
"Good Evening Jane 😃"
Napakunot noo ako ng makita ang text message from unknown number. Matutulog na sana ako ng biglang tumunog yung phone ko. At ng tingnan ko nga, yun ang nabasa ko.
"Good Evening rin. Sino to?"
Reply ko sa nag text. Wala naman kasi akong matandaan na binigyan ng number ko. Kaya di ko kilala kung sino ba yun.
Nataranta naman ako ng biglang tumunog yung cellphone ko, tumatawag yung unknown number. Hindi ko sana sasagutin pero para bang na curious ako kung sino ba yun.
"Hello?Sino to? "bungad ko pagkasagot sa tawag.
"Charles to."bigla naman akong napatayo sa pagkakahiga ng marinig ang boses ni Charles.
"Charles?"ulit ko. Baka naman namali lang ako ng rinig kanina.
"Yup. Charles to. Yung professor mo na Ex boyfriend mo."kung nakikita ko lang si Charles ngayon masisigurado ko na nakangiti siya habang sinasabi yun.
"B-baliw."nasabi ko nalang.
"Baliw sayo."
"Ano?"para kasing may sinabi siya, kaso mahina kaya hindi ko narinig ng malinaw.
"Wala Haha."
"Ewan ko sayo. Napatawag ka?"tanong ko sa kanya.
"Wala lang. Gusto ko lang marinig boses mo."seryosong sabi niya. At ang puso ko bigla nalang bumilis ang tibok. Nako Jane malala ka na!
"Hey? Andyan ka pa ba?"hindi kasi agad ako naka-imik.
"E-ewan ko s-sayo. Saan mo ba nakuha number ko?"pag-iiba ko ng usapan.
"Sa records mo sa akin. Naisip ko kasi na kung magkaibigan na tayo ngayon, dapat lang na may number na tayo ng isa't isa.Okey lang ba?"nag-aalala niyang tanong.
"Okey lang naman."nasabi ko nalang.
Nag-usap pa kami ng kung ano ano. Pero para bang pareho namin iniiwasan mapag-usapan yung nangyari noon.
"Sige na matulog ka na. Maaga pa ang pasok mo bukas"sabi niya.
"Nagsalita ang hindi maaga ang pasok bukas."sabi ko rin sa kanya.

BINABASA MO ANG
Prof ko, Ex ko (Aldub)
De TodoMayroon akong Ex , ok na sana. Naka move on na ko. Kaso biglang bumalik, ang masama Prof ko pa . Maging masaya kaya ang College Life ko kung siya ang lagi kong makikita? A/N: Hello Guys Another Aldub Story na likha nanaman ng Malikot kong Utak. Di...