9

2.9K 154 27
                                    


CHARLES POV

"Ginabi ka ata?"tanong ko sa kapatid ko na kararating lang.

"May nakita kasi akong old friend kanina, nagkamustahan lang kami. Sige kuya akyat na ako sa taas."kilala ko kung sinong kaibigan ang tinutukoy niya. Nakita ko sila ni Jane kanina sa isang coffeeshop ng malapit sa university.

"Sige umakyat ka na."sabi ko at pinagpatuloy na ang ginagawa kong pag-aaral para sa ituturo ko kinabukasan. Pero kahit anong pagbabasa ang ginagawa ko, hindi ko maintindihan iyon. Dahil na rin sa lagi kong naaalala yung nakita ko sa coffee shop na magkasama si Carl at Jane.

Aaminin ko na sa nakalipas na taon hindi nawala ang pagmamahal ko kay Jane. Pero pinipilit ko na kalimutan na iyon. Lalo na kapag naalala ko na kung paano siya makipagbreak sa akin, na kung ano ano ang sinabi niya pang rason. Ayun naman pala makikipagrelasyon sa sarili ko pang kapatid. Binabaan ko ang pride ko para lang makipagbalikan sa kanya? Pero ano tinanggihan niya ako.

Siguro sa sobra kong galit sa kanya at lasing pa ako nasabihan ko siya ng hindi magagandang salita nung huli naming pagkikita tatlong taon na ang nakakaraan. Gusto ko sana humingi ng tawad sa kanya noon pero bigla nalang siya nawala. Kahit si Carl hindi alam kung saan ba siya nagpunta.

Nang biglang nawala si Jane, hindi na rin nagbalik yung dati naming samahan ni Carl. Para bang biglang nagkaroon ng pader sa pagitan naming dalawa. Oo nag-uusap kami pero hanggang doon nalang. Siguro dahil na rin sa nakatira pa rin kami sa iisang bahay.

Isang araw nagulat nalang ako sa klase ko na isa sa magiging estudyante ko si Jane. Akala ko noon di na talaga kami magkikita.

Mas lalo siyang gumanda. Makikita mo rin na nag mature na siya sa nakalipas na tatlong taon na di namin pagkikita.

Gustong gusto ko siyang lapitan ng mga panahon na iyon sa upuan niya para yakapin at kausapin, para na rin humingi ng tawad. Pero para bang biglang nagflashback sa isip ko yung mga nangyayari noon. At bumalik yung galit ko sa kanya.

Niligpit ko lang lahat ng gamit ko at nagpasya na lang na matulog. Tutal hindi ko rin naman naiintindihan yung binabasa ko.

------

Jane POV

Andito ako ngayon sa Algebra Class ko. Katatapos lang ng long quiz namin at ito ako kinakabahan. Paano ba naman nasa harap si Charles nakaupo habang nag che-check. At alam ko na mukhang di ko maipapasa ang quiz ngayon dahil hindi ko talaga maintindihan yung formula.

"Oy Jane wag ka ngang kabahan "sabi ni Liezel nahalata niya ata na kinakabahan ako.

"Pano ako di kakabahan? Alam ko naman na babagsak ako. Kahit noon na nag aaral ako, nahihirapan talaga ako sa Math."totoo yun. Noong 1st year kasi ako, may subject din akong about sa Math. Hindi ko talaga maintindihan kung paano isolve.Buti nalang andyan si Charles para turuan ako, pinagtyatyagaan niya talaga ako hanggang sa makuha ko na kung paano isolve. Magaling kasi talaga siya doon bukod sa maglaro ng basketball.

Dapat di ko na yun inaalala. Matagal na yun.

"Hayaan mo, mamaya ituturo ko sayo kung paano ba yung formula."nakangiting sabi ni Liezel.

"Salamat hah.Pero nakakahiya kasi talaga pag bumagsak ako."nag-aalala kong sabi. Paano ba naman ako na nga pinaka matanda sa klase na to. Tapos babagsak pa ko.

May sasabihin pa sana si Liezel ang kaso bigla ng tumayo si Charles at isa isa na kaming tinawag para ibalik yung mga papel namin.

"Ms Fajardo."hindi ko alam kung saan ako kinakabahan. Sa paglapit ko ba sa kanya para kunin yung papel o sa score ko.

Prof ko, Ex ko (Aldub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon