16

3.3K 184 33
                                    

Jane POV

"Mister ikaw po ba ang daddy ko?"narinig kong tanong ni Lance kay Charles.

"H-h"naguguluhang tanong ni Charles.

"Hija? Ano ba ang nangyayari? Sino ang batang yan?"tanong rin Tita Carla. Nang tingnan ko si Tito Harrold tahimik lang siyang nakatingin sa amin lalong lalo na kay Lance.

Humugot muna ako ng napakalalim na hininga bago nagsalita.

"Tita Carla, Tito Harrold siya po si Lance. Anak namin ni Charles."nasabi ko rin sa wakas. Bigla naman tumahimik ang paligid parang ina-absurd pa nila yung sinabi ko.

"S-sandali. I-ibig ba nitong sabihin nagbunga yung nangyari sa atin 3 years ago."sabi ni Charles na unang nakabawi.

Hindi ko alam pero para bang biglang nag-init yung mukha ko ng sinabi yun ni Charles sa harap ng mga magulang niya.

Kahit nahihiya, tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.

"Oh my God. Dininig agad ng Dyos ang hiling kong magkaapo."bigla naman akong napatingin kay Tita ng sinabi iyon.

"Little boy halika kay Lola."Agad naman binaba ni Carl si Lance at lumapit ito kay Tita.

"Kamukhang kamukha mo ang daddy mo! Kaya naman pala parang pamilyar ang mukha mo ng makita kita. Ikaw ang mini version ni Charles."sabi ni Tita at pinanggigilan na ang anak ko.

"Jane hija maupo na muna kayo at saluhan kaming kumain. Mamaya na kayo mag-usap ni Charles."sabi ni tito. Kaya naman kahit nahihiya ay umupo na rin ako. Katabi ko si Carl habang nasa tapat ko naman si Charles. Kaya habang kumakain pilit ko man iwasan na tingnan ito, hindi ko magawa.

Tahimik lang akong kumakain, samantalang sila ay masayang nakikipagkwentuhan kay Lance na bibong bibo sumagot sa lahat ng itanong sa kanya.

"Ibig sabihin Lance hindi ka pa nag-aaral. Aba ang talino mo naman para sa edad mo."nasabi ni Tito Harrold.

"Kanino pa ba mag mamana? Eh di kay Kuya."nakatawang sabi ni Carl kaya naman agad kong tiningnan ng masama.

"Sorry Jane pero mukhang kay Kuya talaga namana ni Lance ang lahat. Simula sa feature ng mukha hanggang sa talino."dugtong niya pa na ikinatawa ni Tita at Tito.

"So ibig mong sabihin Pangit ako at Bobita?"pagtataray ko kay Carl. Aba hindi naman ako pangit nu! Sabi nga nila walang taong pangit nasa tumitingin yan. At mas lalo naman hindi mahina ang utak ko. Nagkataon lang talaga na mas matalino si Charles sa akin.

"Hindi ka pangit at mas lalong hindi ka bobita."seryosong sabi ni Charles. Ako naman biglang nasamid sa kinakain ko. Asar hindi ko inaasahan na sasabihin niya yun.

Bigla naman naging awkward ang atmosphere kaya laking pasasalamat ko kay Lance ng biglang nagsalita.

"Mommy busog na po ako. Pwede na ba kami maglaro ni Daddy?"tiningnan ko muna si Charles bago sumagot sa anak namin.

"Baby h-hindi pa kasi tapos si d-daddy mo kumain."sabi ko sa anak ko. Pero ang totoo kinakabahan ako kung tanggap na ba talaga ni Charles ang anak namin. Baka kasi hindi pa talaga siya ready maging tatay.

"Busog na rin ako. Halika Lance maglaro na tayo."biglang sabi ni Charles at tumayo na para akayin si Lance palabas. Hindi ko alam pero kusang napangiti nalang ako ng makita ko silang magkahawak kamay na palabas ng dining area para maglaro na.

"Hindi lang niya inaasahan ang mga nangyari pero kilala ko ang panganay ko. Tanggap niya si Lance at aakuin niya ang dapat na responsibilidad niya."narinig kong sabi ni Tita at ng tingnan ko siya nakangiti siya sa akin.

"Salamat po."naiiyak kung pasasalamat. Mas lalo lang kasi akong na guilty sa nagawa kong paglayo nung mga panahong buntis ako na hindi man lang nila alam.

"Hija alam ko na may dahilan ka kaya mo nagawa ang paglayo noon at itago ang tungkol kay Lance. Pero nagpapasalamat ako at ngayon binigyan mo kami ng pagkakataon na maging pamilya rin para sa apo namin."sabi pa ni tito.

"Oy wag ka ng umiyak para kang tanga."agad ko namang siniko si Carl dahil sa sinabi niya. Ang lakas manira ng moment. Natawa nalang din sila Tita at Tito.

------

"Pwede mong dalawin si Lance sa bahay, at kung gusto mo rin, pwede mo siyang dalhin dito sa bahay niyo para mag overnight para na rin mas magkaroon kayo ng bonding moments"sabi ko kay Charles. Andito kami ngayon sa garden nila. Dito niya ako dinala para daw mapag-usapan namin ang magiging set up para sa anak namin.

"Pero kung dito siya matutulog dapat masigurado mo ang 8 to 10 hour na tulog niya. Hindi yan sanay na matulog ng walang katabi kaya nga kung hindi agad ako nakakauwi si mommy ang tumatabi sa kanya. Sa pagkain naman hindi siya maselan lahat kinakain niya, wag na wag mo lang siyang pakainin ng hipon kasi may allergies siya doon. At hanggat maari hindi ko siya pinapakain ng mga matatamis tulad ng mga candies kasi gusto ko talagang maalagaan ang ngipin niya. Hindi ko rin siya pinapanood or pinapalaro ng mga bagay na nag papakita ng karahasan tulad ng baril or espada"Hindi ko napansin napakarami ko na palang naibilin. Nang tingnan ko siya tahimik lang siya pero mukha namang narinig niya ang mga sinabi ko.

"Wala ka bang sasabihin or itatanong man lang?"nagtatakang tanong ko.

"Ang dami mong alam tungkol sa anak natin samantalang ako pangalan niya lang ang alam ko."may hinanakit sa tinig niya ng sinabi niya yun. Hindi agad ako nakapagsalita kasi mas lalo akong naguilty sa nagawa ko.

"Gusto kong magalit sayo kasi hindi mo kaagad sinabi sa akin na may anak na pala ako. Sa tatlong taon nagbuhay binata ako. Hindi ko nagampanan ang dapat na responsibilidad ko kay Lance. Pero hindi ko magawa ang kamuhian ka, kasi nakikita ko na lumaking mabuting bata ang anak natin."nakatingin ng diretso sa mga mata ko si Charles habang sinasabi yun. Pakiramdam ko nalulunod ako sa mga tingin na iyon.

"K-kaya nga gusto ko mabigyan kayo ng oras para makabawi ka."

"Hindi yan ang gusto kong mangyari Jane."seyosong sabi niya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kaba.

"A-anong i-ibig mong s-sabihin?"nagtatakang tanong ko.

"Magpapakasal tayo. Gagawin nating tama ang maling naumpisahan. Bibigyan natin ng kompletong pamilya ang anak natin."pinal na sabi ni Charles.

-------

A/N: Guys thank you sa mga nagbabasa at nagtyatyaga mag-antay ng UD ko. Sorry kung minsan ang tagal ko mag update may iba rin naman po akong ginagawa at nahihirapan rin ako mag-isip ng isusulat.

Sana wala na akong mabasa sa mga comment na. "UD ka na. Pasalamat ka may readers ka pa. Baka magsi-alisan kami dito." Nakakasakit po kasi ng pakiramdam. Para bang pinilit ko kayong basahin gawa ko. Sorry po talaga.

Prof ko, Ex ko (Aldub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon